CHAPTER 30 DAISY POV Pagkalabas ko ng restaurant, pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko. Ang mga mata kong puno ng luha ay halos hindi na makakita ng direksyon. Bitbit ko ang eco bag ng groceries, nanginginig ang kamay, at bawat hakbang ko ay parang may matalim na bato na tinatapakan ko. Nakita ko si Castro… yakap ang isang babae. Hindi lang basta babae ibang klase ang aura niya. Confident, elegant, may dating na parang alam niyang siya ang pipiliin kahit anong mangyari. At ako? Ako lang si Daisy… isang babae na binili sa auction, ipinagbili ng sariling magulang, at ginamit para sa kasal na walang halong pagmamahal. Pagdating ko sa mansion, halos madurog ang puso ko sa bigat ng katahimikan. Ilang beses akong napahinto sa sala, humihikbi, pilit pinapakalma ang sarili. Pero alam kon

