Untitled document CHAPTER 31 ZHIEN POV Madilim ang paligid ng hideout, tanging ilaw ng mesa ang nagbibigay-liwanag sa mukha ni Rohel ang matagal ko nang kanang kamay kasama ang apat naming kaalyado sa Mafia. Mabigat ang usapan namin ngayong gabi; dugo at paghihiganti ang nakataya. “Zhien, kailangan nating kumilos agad. Kung hindi natin tatapusin ang grupo nina Luis, sila ang mauunang umatake sa atin,” seryosong sabi ni Rohel habang nilalaro ang kanyang baril. Tumango ako, pinisil ang kamao ko. “Hindi ako papayag na tayo ang maunahan. Sa susunod na linggo, gigibain natin ang mga hideout nila. Walang matitira.” Tahimik ang apat na kasama namin pero bakas ang apoy ng determinasyon sa kanilang mga mata. Bago pa ako makapagsalita ulit, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Tauhan ko mula

