CHAPTER 32 THIRD PERSON POV Tahimik ang buong hideout, maliban sa mahihinang pag-ungol ng hangin na pumapasok sa lumang bintana. Sa isang silid na madilim at malamig, nakahiga si Daisy sa isang kama na tinakpan ng puting kumot. Mahina ang ilaw mula sa lampshade, tumatama sa maputla niyang mukha. Ang bawat sugat at pasa ay tila sumisigaw ng sakit na naranasan niya. Nakaupo sa gilid ng kama si Zhien, hawak-hawak ang kamay ng babae, parang ayaw nang bitiwan. Ang mga mata niya’y mapula, bakas ng pagod at puyat, ngunit mas nangingibabaw ang takot. Takot na baka mawalan siya ng oras. “Please, Daisy… please wake up…” bulong niya, paulit-ulit, habang hinahaplos ang buhok nito. Makalipas ang ilang minuto, dumating ang doktor na tinawagan ni Zhien. Isang lalaki sa edad kwarenta, nakasuot ng iti

