CHAPTER 40 THIRD PERSON POV Habang mas lalong tumitindi ang damdamin nina Zhien at Daisy, kasabay naman nitong umiigting ang panganib na palihim na sumusunod sa bawat hakbang nila. Sa bawat halakhak, sa bawat yakap, may matang nagmamasid. May daliring handang humila ng gatilyo. At dumating ang gabing iyon. Isang gabing binalot ng dilim, ulan, at amoy ng pulbura. Tahimik ang safehouse. Masyadong tahimik. Biglang huminto si Zhien sa paglakad sa hallway. Nanigas ang katawan niya. “Daisy,” mahina niyang sabi. “Stay behind me.” “Ano’ng” BANG! Sumabog ang salamin sa bintana. “DOWN!” sigaw ni Zhien habang hinihila si Daisy pababa. Sunod-sunod ang putok ng baril. Ang mga pader ay tinamaan ng bala. Alikabok at semento ang umulan. “Armed men!” sigaw ng isa sa labas. “Clear the house!”

