CHAPTER 44 ZHIEN POV Hindi ko akalaing darating ako sa araw na ‘to na hindi hawak ang baril kundi hawak ang pangarap. Nakatayo ako sa harap ng altar, sa gitna ng isang hardin sa Tokyo na parang hinugot mula sa panaginip. Mga puting bulaklak ang nakapalibot, may mga cherry blossoms na dahan-dahang nalalaglag, at ang hangin… parang may dalang basbas. Pero wala akong ibang nakikita kundi ang aisle. Kasi doon siya lalakad. Ang babaeng minahal ko sa paraang hindi ko alam na kaya ko pala. “Okay ka lang?” bulong ni Caishien sa tabi ko. Tumango ako pero ramdam kong nanginginig ang kamay ko. “Hindi,” tapat kong sagot. “Pero masaya ako.” Ngumiti siya. “Good. Kasi kapag umiyak ka, iiyak din ako.” Hindi ko napigilang matawa hanggang sa tumunog ang musika. Tumigil ang mundo. Lahat ng ingay,

