Chapter 1
She is the mafia boss
Chapter 1
Tipikal na lalake si Ivan, tipikal din ang kaniyang trabaho, isa siyang employee sa Sentour company.
Average din ang kaniyang pamumuhay, at kontento na siya rito. Isa siyang lalakeng birhen, sa kadahilanang wala pa siyang nakarelasyon magmula nung high school palang siya.
Masaya naman si Ivan kahit na wala pa siyan
g karanasan sa mga ganoong bagay, ang mahalaga ay maayos ang kaniyang trabaho at estado.
Dumampi ang sinag ng araw sa mga pisngi ni Ivan, hudyat na ito para gumising. Uminat siya at saka dumeretso sa banyo para maligo.
"Pogi ko talaga" pabulol na wika ni Ivan sa salamin habang nagsisipilyo.
Lumabas siya ng banyo at saka nagbihis. Maayos ang pagsuot niya ng sapatos at saka siya tumayo para tignan ang ayos nito.
"Ok ayos na" masyang ani niya at saka kinuha ang coat niya.
Lumabas na siya at saka pumara ng taxi. Agad naman siyang nakaskay.
Nakangiting lumabas si Ivan sa kotse at saka dumeretso sa kaniyang pinagtratrabahuan.
"Maaga na naman ako ngayon" pabulong na saad niya habang pasakay ng elevator.
Pagtungtong niya sa ikalimang palapag ay buong loob siyang lumabas ng elevator at saka dumeretso sa kaniyang desk.
"Time for work" inat kamay niyang wika at saka siya nagsimulang magtrabaho.
Lumipas ang ilang oras ay nagsimula na ang lunchbreak.
"Ivan, masaya kana naman" ngiting wika ni Tin na katrabaho niya.
"Of course, pay day na bukas eh" tugon ni Ivan.
"Kaya naman pala" maikling tingin ni Tin.
Napangiti si Ivan at saka uminat.
"Siya nga pala Ivan, alam mo ba bumaba kanina yung CEO natin." Excited na sabi ni Tin.
Bahagyang tumahimik si Ivan at saka napapikit.
"Ilang taon nako dito, pero diko parin nakikita ang mukha ng CEO natin, ang alam ko lang Miss E. ang tawag nila sa kaniya" malumanay na sagot ni Ivan.
"Oo nga, mga higher employee lang ang nakakaalam kung sino talaga siya." Ika ni Tin.
Sandaling tumahimik ang dalawa at saka napahinga ng malalim.
"Oh pano Ivan, kain muna ako ha" ani ni Tin.
"Sige, kakain nadin ako mamaya" ngiting tugon ni Ivan.
Umalis si Tin sa tabi ni Ivan. Napatingin si Ivan sa bintana ng building at saka nag-isip.
"Sino nga kaya ang CEO namin" taimtim na saad nito.
Lumipas ang ilang oras ng pahinga ay tuloy na naman ang trabaho. Tutok si Ivan at saka taimtim itong nagtytype.
Biglang may dumating na higher employee sa kanilang palapag at sandaling tumigil ang lahat.
"Dismiss muna kayo ngayon dahil may important meeting si Miss, E. Kaya pwede na kayong umuwe" malumanay na wika nito.
Biglang tumahimik ang lahat at saka nagsingitian.
Dali-daling pumunta si Tin kay Ivan.
"Hmmm mukhang dika masaya ah" ngiting wika nito.
"Wala, ngayon lang kasi nangyari to" tugon ni Ivan.
"Oo nga no, pero makakauwi tayo ng maaga" masayang saad ni Tin.
Tumango naman si Ivan at saka inayos ang desk.
"Oh pano una na ako ha" ngiting wika ni Tin.
"Sige, ingat" sagot ni Ivan.
Pagkaalis ni Tin ay nag-ayos na siya ng gamit at saka umalis.
Sumakay siya ng elevator at saka lumabas ng building.
"Maaga pa naman kaya dederetso muna ako sa grocery" wika ni Ivan.
Tumabi siya sa gilid ng daan at saka nag-antay ng taxi.
Sa di kalayuan ay may nahagilap siyang taxi, kaya nasiyahan siya ng konti.
"Ayos, mas maaga pa akong makakauwi neto" ngiting saad niya.
Habang papalapit ang taxi ay isang itim na van ang humaharurot papunta sa kaniya.
"Teka, parang masyadong mabilis naman ata takbo niyan" nagtatakang wika nito.
Biglang tumigil ang itim na van sa harap niya at saka bigla siyang hinila at ipinasok sa van.
"Tekaaa!, san niyo ko dadalhinnn!" Sigaw ni Ivan.
Tinakpan nila ang kaniyang mata at bibig, kung kayat wala siya makita at di siya makasigaw.
Pilit na kumawala si Ivan ngunit, itinali nila ang kaniyang mga kamay.
Mayat-maya pa ay naramdaman ni Ivan na huminto sila. Napaisip si Ivan na holdaper ang mga tumangay sa kaniya.
"Teka wala po akong pera! Di pa ako nakasahoddd!" Pilit na saad ni Ivan.
Ngunit wala siyang natanggap na sagot, bagkus ay pinaupo siya sa isang upuan at saka inalis ang takip ng kaniyang mata.
"Anong gagawin niyo sakin!" Takot na wika ni Ivan.
Tumingin sa kaniya ang isang lalake na kulay pula ang buhok. Napatingin si Ivan sa lalake na may pagmamakaawa sa mukha.
Pero di siya pinansin ng lalake at agad itong umalis.
"Nasan ako" mahinang wika ni Ivan.
Tumingin-tingin siya sa kaniyang paligid at napagtantong nasa isang kwarto siya.
Sa kaniyang harapan ay may isang malaking kama na may nakapalibot na tela. At may naaninag siyang tao sa mga telang yun.
Ang kamang yun ay malaki at gawa sa bakal. Marahil ay kwarto ito ng boss nang tumangay sa kaniya.
"Parang awa niyo na ho, pakawalan niyo na ako" nagmamakaawang sigaw ni Ivan.
Agad siyang narinig ng tao sa likod ng tela, dahilan ito para tumayo ang taong iyon.
Napalunok si Ivan ng makita niyang papalabas na ang taong nasa likod ng tela.
"Pwede ba tumahimik ka!"
Napatigil si Ivan at nagtaka dahil, boses ng babae ang kaniyang narinig.
Unti-unting nagpakita ang taong iyon, at tama nga ang hinala ni Ivan, babae nga ang nasa likod ng tela.
Ang babaeng nasa harapan niya ay walang damit at nakasaplot lang ito, at tanging ang mahabang buhok niya lang ang nakatakip sa dibdib nito.
Napapikit si Ivan.
"Heh, bakit ka pumikit" ngiting wika ng babae.
"Ah, ehhhh,,, wala kang damit eh" namumulang tugon ni Ivan
"Eh bat nakadilat ang isang mata mo" tutok tingin na saad ng babae.
Sandaling natigilan si Ivan at dinamdam ang kaniyang sarili. Dito niya napagtanto na ang isang mata lang pala niya ang nakapikit.
"Ahhhh ehhhhh!!!! Pasensya kanaaa!" Tarantang ani ni Ivan.
"Dumilat ka na" saad ng babae.
Napadilat naman si Ivan at pagdilat niya ay may suot na ang babae.
Huminga si Ivan ng malalim at saka nagseryoso.
"So anong kailangan mo sakin" wika niya pero ramdam parin ang kaba sa kanyang dibdib.
"Ah buti sinabi mo!, mula ngayon akin kana" ngiting saad ng babae.
Biglang natawa si Ivan at inisip na biro ang lahat ng ito.
"Teka nagbibiro kaba, kinidnapp mo ako para lang dito" natatawang wika niya.
Napapikit si Ivan sa tawa nang maramadamn niyang may malamig na bagay ang na dumampi sa ulo niya.
Napadilat siya at tumambad sa kaniya ang baril na nakatutok sa ulo niya at ang babaeng iba ang expresyon nang kaniyang mukha. Nanlilisik ang mga mata.
"Gusto mo bang mamatay" deretsang saad ng babae.
Hindi na nakagalaw si Ivan sa gulat at takot. Nanginginig ang kaniyang buong katawan.
"Well I guess di kita papatayin unless, gagawin mo lahat ng sasabihin ko" biglang wika ng babae.
Natauhan saglit si Ivan at huminga ng malalim.
"Ano bang gusto mo" takot na saad ni Ivan.
"Simple lang, mula ngayon akin kana, at soon ikakasal na tayo" ngiting tugon ng babae.
"Yun lang?" Nagtatakang saad ni Ivan.
"Oo, at kung dika papayag, papasabugin ko ulo mo!, maliwanag?" Ngiting demonyong tugon ng babae.
Napalunok si Ivan at saka pinagpawisan, dahil sa nakakatakot na awra ng babae at dahil sa malademonyong ngiti nito.
"And one more thing, diba virgin kapa?" Wika ng babae
"Ahhhh ehhh!,,,,,,o,,,oo" nahihiyang tugon ni Ivan
"Don't worry dear, ill be gentle" ngiting ani ng babae.
Mistulang statwa ang mukha ni Ivan ng sabihin ng babae ang mga salitang iyon.
"Ohh my name is Esmeralda, the Mafia boss!" Seryosong wika nito.
Mula nang mga oras nayun ay biglang nagbago ang lahat para kay Ivan.