She is the mafia boss
Chapter 2
Nagising si Ivan dahil sa tunog nang alarm clock. Unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mata. Malabo ang kaniyang nakikita ngunit ramdam niya na iba ang itsura nang kaniyang paligid.
Bumalingkwas siya ng tayo nang mapansin niyang nasa ibang lugar siya.
Nakaramdam si Ivan ng lamig at niyakap ang kaniyang sarili.
"Teka?, ano to?, WAHHHHH!!" Sigaw ni Ivan.
Gulat na gulat siya nang makita niya ang kaniyang sarili na walang kahit anong suot.
"Oh gising kana pala" biglang wika ni Esme.
Napalingon si Ivan sa kaniyang likuran at nakita si Esme na wala ring suot.
Napapikit nalang si Ivan at saka hinablot ang isang kumot para takpan ang kaniyang sarili.
"Heh, nag-enjoy kaba kagabi?" Ngiting saad ni Esme.
"A! Anong ginawa mo sakin!!" Sigaw ni Ivan.
"Ano pa nga ba eh di natulog" tugon ni Esme.
"Wala! Akong maalala!" Tarantang wika ni Ivan.
Biglang tumawa si Esme at saka nagsuot ng damit at underwear.
"Yun ba, tinurukan kita nang pampatulog, ayaw mo kasing matulog eh, at saka mainit kagabi kaya naghubad ako" ngiting ani ni Esme.
"Eh bat wala akong damit" nahihiyang saad ni Ivan na halatang namumula.
"Pawis na pawis ka kasi kaya hinubaran kita, wag kang mag-alala wala akong ginawa sayo habang tulog ka" tugon ni Esme na nakangiti.
Unti-unting dumilat si Ivan at tinignan si Esme na nakaupo sa kama.
"Ta....talaga?" Mahinang wika nito
"Grabe ka, daig mo pa ang babae ah, para kang nagahasa" natatawang ani ni Esme.
"A.h...eh..ano kasi.,.." yukong saad ni Ivan.
Namumula ang mukha ni Ivan at di makatingin nang maayos kay Esme.
"Don't worry virgin kapa naman, pero sooner or later hindi na" ngiting ani ni Esme.
Napalunok ang nakayukong si Ivan at hinigpitan ang pulupot ng kumot sa kaniyang katawan.
"Nandun ang mga damit mo, baka gusto mo nang magmadali, malalate kana sa trabaho mo" saad ni Esme.
Biglang naalala ni Ivan na pay day pala nila ngayon. Bumalingkwas siya nang tayo at agad na nagbihis.
"Ihahatid kana ni Cerius para mas mabilis" ngiting wika ni Esme.
Napatigil si Ivan at tumingin sa pinto. Dito ay may nakatayong lalake na kulay pula ang buhok.
"Cerius ihatid mo na siya" bilin ni Esme at saka umalis.
Tumango si Cerius at ihinatid si Ivan sa baba kung saan maraming sasakyan ang nakaparada.
"Ah...alin dito ang sasakyan mo?" Tanong ni Ivan.
Tumingin si Cerius kay Ivan nang malamig at saka nagsalita.
"Pumili ka nang gusto mong sakyan" malamig na tugon nito.
"Ha?, anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang saad ni Ivan.
"Gaya nang sinabi ko mamili ka nang gusto mong sakyan" seryosong wika ni Cerius.
Napakamot nang ulo si Ivan.
"Ito nalang" wika niya sabay pasok sa kotse.
Pumasok si Cerius at saka pinaandar ang kotse.
"I suggest mag seat belt kana" wika ni Cerius.
Agad namang sinunod ni Ivan ang sinabi ni Cerius.
Maya maya pa ay biglang humarurot ang kotse at mabilis ang takbo nito.
"Tekaaaa! Pakihintooooo!!!" Sigaw ni Ivan dahil sa bilis nang takbo nito.
"Impossible, konting oras nalang at malalate kana" walang reaksyon na tugon ni Cerius.
"Kahittttt naaa!, baka sa hospital ako aabot pag nagkataon!" Sigaw ni Ivan.
"Deretso cementeryo ako pag nalate ka" tugon ni Cerius at halata sa mukha niya ang kaonting takot.
Naguluhan si Ivan at kumapit sa upuan na parang gagamba.
Mayat-maya pa ay huminto na ang kotse.
"Nandito na tayo" wika ni Cerius.
"Mabu...ti naman" hinihingal na tugon ni Ivan.
Lumabas si Ivan sa kotse na pagewang-gewang.
"Muntik na yun, papatayin ako ni boss pag nalate siya, hayss kayhirap naman to" punas pawis na ani ni Cerius.
Saka siya umalis nang mabilis.
Mukhang patay na sumakay si Ivan sa elevator. Inayos niya ang kaniyang sarili at saka lumabas nang elevator.
"Alright just in time" kampanteng wika niya at saka dumeretso sa desk.
Pagkaupo niya ay lumapit kaagad si Tin sa kaniya.
"Parang pagod ka ata ah" ani nito
"Wala, may nangyari lang kanina" tugon ni Ivan.
Nang mga oras na yun ay naisipan ni Ivan na sabihin kay Tin ang nangyari. Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay biglang may dumating na higher employee.
"Ivan Montero? Pinapatawag ka ng CEO" wika nito.
Nabigla ang lahat at tinutok ang kanilang tingin kay Ivan.
Ngunit maging si Ivan ay nabigla din rito.
"Ah...ah..ahh ako po?" Naguguluhang ani ni Ivan.
"Yes, better be on the way, ayaw na ayaw ni Miss E. nang naghihintay" tugon nito.
Tumango si Ivan at saka tinignan si Tim ng may kaba.
Tinapik ni Tin ang balikat ni Ivan.
"Sige na, sabihin mo sakin kung anong itsura niya ha" bulong ni Tin.
Pagkatapos nito ay tumuloy na si Ivan sa elevator kasama ang higher employee. Pinindot ng higher employee ang top floor at nagsimula nang umandar ang elevator.
"A. ..ano pong kailangan ng CEO sakin" kinakabahang wika ni Ivan.
Bahagyang ngumiti ang higher employee.
"May kailangan daw kayong pag-usapan" wika nito.
Napalunok si Ivan dahil sa tugon nito.
"Oo nga pala, ako si Reigh" ani nito.
Tumango si Ivan at saka ngumiti.
Mayat-maya pa ay bumukas na ang elevator.
"Oh nagaantayna siya" wika ni Reigh.
Inayos ni Ivan ang kaniyang sarili at saka tumuloy sa office ng CEO. Dito nadatnan niya ang isang tao na nakatalikod at nakaupo.
"Hi po, bat niyo po ako pinatawag?" Mahinahong wika ni Ivan.
"Have a seat" saad ng CEO na nakatalikod.
Umupo si Ivan sa isang upuan at saka ngumiti.
"Maam babae ka po pala" wika nito.
"Huh hindi mo alam?" Tugon ng CEO na nakatalikod.
"Diba nga maam hindi pa kayo bumababa" saad ni Ivan.
Bahagyang tumahimik ang CEO.
"Kamusta naman ang trabaho mo?" Wika nito at saka humarap kay Ivan.
Pagkaharap niya ay nanlaki ang mata ni Ivan.
"I...III...IKAWWWW!!" Sigaw ni Ivan.
"Oh my!, nagulat kaba" ngiting ani ng CEO.
Nang mga oras nayun ay napagalaman ni Ivan na ang CEO nang kanilang company ay walang iba kundi si ESMERALDA na siyang kumidnap sakaniya.