Chapter 3

1293 Words
She is the mafia boss Chapter 3 Puno ng pagkagulat ang mukha ni Ivan nang malaman niyang si Esmeralda at ang CEO nila ay iisa. "Gulat kaba?" Ngiting wika ni Esme. Di agad nakasagot si Ivan. "Ah...eh..oo!" Tarantang tugon nito. "I can see in your eyes na naguguluhan ka" saad ni Esme. Iniba ni Ivan ang kaniyang tingin at napalunok. Naging dahilan ito para lapitan siya ni Esme. "Uhh lets see" mabangis na wika ni Esme. Lumapit si Esme kay Ivan at saka hinawakan ang balikat neto. "You see, kapag umaga I am a CEO, pero paglubog nang araw I am the mafia boss, now may tanong ako, pagod ka na ba sa trabaho mo?" Pabulong na ani ni Esme habang hinahaplos ang dibdib ni Ivan. Hindi agad makagalaw si Ivan dahil dito. "Uhm....hi...hinde" nanginginig na tugon ni Ivan. Biglang ngumiti si Esme at itinigil ang paghawak kay Ivan. "Good, from now on you are my personal assistant" ngiting wika ni Esme. "Te...teka!, a...anong sinabi mo!?" Gulat na saad ni Ivan. "Like I said you are now my personal assistant" ani ni Esme. Napanganga si Ivan sa naging tugon ni Esme. "Are we clear?" Pangiting tanong ni Esme. "Ah..eh.......yes ma'am" yukong tugon ni Ivan. Walang magawa si Ivan kundi tanggapin ang alok ni Esme. "Now as my personal assistant, I want to set some rules" wika ni Esme "Rules?" Tugon ni Ivan. "Yes, first, dapat dito kalang sa tabi ko never leave my side no matter what, second ayokong nakikita kitang may kasamang babae" ngitngit na wika ni Esme. "What do you mean?" Nagtatakang saad ni Ivan. Lumapit si Esme kay Ivan. "Dahil kung may nakita akong kasama mong babae, sabog si totoy mo!, maliwanag?" Ngiting ani ni Esme. Kasabay nito ay may hinugot si Esme sa kaniyang bag at saka itinutok sa totoy ni Ivan. Alam na alam ni Ivan na baril ito, at alam rin niya na hindi nagbibiro si Esme dahil sa mala demonyong ngiti nito. Pinagpawisan nang husto si Ivan at saka napalunok. "Maliwanag ba?" Ngiting wika ni Esme "Pe...perfectly clear" pilit ngiting sagot ni Ivan. "And the rest I'll tell you later, sa ngayon bumalik ka muna sa desk mo, dahil bukas hawak ko na ang buhay mo" ngiting saad ni Esme. Tumango si Ivan nang may takot at saka nanginginig na sumakay ng elevator. Pagkaalis ni Ivan ay agad namang pumasok si Reigh sa office ni Esme. "Hindi kaya nagiging harsh ka sakaniya" wika nito kay Esme naka nakatalikod. "Of course not, Im just being gentle" malumanay na tugon ni Esme. "Hayss sabi na nga ba, anyway may problema tayo" saad ni Reigh. Agad na humarap si Esme at umupo. "Ano yun" seryosong tanong nito. "Mukhang nanggugulo ang Bogart gang sa teritoryo natin" tugon ni Reigh "Hindi ba sila ang mga pipitsuging gang na ang boss nila ay mukhang baboy?" Saad ni Esme. "Mukhang ganun nanga" wika ni Reigh. Napakagat daliri si Esme at saka ngumiti. "Mukhang kailangan nating mag pest control mamayang gabi, humanda ka at tawagin ang lahat ng omega may lilinisin lang tayong kalat" ngiting utos ni Esme. "Affirmative boss" saludong tugon ni Reigh. Pagkatapos nito ay umalis na si Reigh sa office ni Esme. Samantala, walang imik na umupo si Ivan sa kaniyang desk, na agad namang napansin ni Tin. "Huyyy ok kalang" wika ni Tin. Napalingon si Ivan nang may gulat. "Hinde!, lumayo ka sakin" nanginginig na tugon ni Ivan. "Luhh grabe naman to, ano ba kasing nangyare?" Saad ni Tin. "Ayokong sumabog ang totoy ko" mahinang wika ni Ivan. "Ano? Ano yun totoy?" Naguguluhang ani ni Tin. Kaagad ding natauhan si Ivan nang mga oras nayun. "Wa wala!, sabi ko totoy ang pangalan ng aso nang kapit bahat ko" pilit ngiting tugon ni Ivan. "Naku, baliw ka talaga" kamot ulong ani ni Tin. Lumipas ang ilang oras at natapos na ang trabaho ni Ivan. Kagaya ng dati ay nag-antay siya ng taxi papauwi. Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang paghihintay ay nahagilap niya ang kotseng sinakyan niya nang ihatid siya ni Cerius. Kaya naman nagmadali siyang naglakad papalayo para iwasan ito. Dumaan siya sa isang madilim na daan para magtago. Deretso ang lakad niya nang sa ganun ay di siya mapansin nito. Pagkalingon niya sa kaniyang likuran ay wala na ang sasakyan, kaya nakampante si Ivan at huminga ng malalim. "Hayss salamat naman" ngiting wika nito. Mayat-maya pa ay may nakasalubong siyang grupo ng lalake na may kasamang matabang matangkad na tila ba nakakatakot ang itsura nito. Nung una ay di niya ito pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad, ngunit biglang..... "Heh mukhang may naliligaw na tuta ah" ngiting wika nang matabang lalake. "Boss mukhang ayos siya" saad naman ng katabi nito. "Ayos maging alagang aso" natutuwang ani rin ng isang lalake. Hinarang nang grupo ng kalalakihan si Ivan. Nagulat si Ivan at siyay napattras. "Ano bata huliin niyo na" ngiting wika ng matabang lalake. Nagsiyahan ang mga nakapalibot sa kaniya at nagsimulang hulihin si Ivan. Ngunit dahil sa takot ay napatakbo si Ivan pero nadapa ito. "HAHAHAHA kawawang tuta!" Sigaw ng matabang lalake. Nagsitakbuhan ang mga kalalakihan patungo kay Ivan na may masamang balak. Pumikit si Ivan dahil sa takot at nanginig ang buong katawan nito. Ngunit pagkapikit niya ay may umalingawngaw na putok ng baril. Napadilat siya at nakitang may nakatayong tao sa kaniyang harapan, at ang taong ito ay walang iba kundi si Esmeralda. "Heh nagkalat ang mga daga ngayon ha" ngiting wika ni Esme. "At sino ka naman" saad ng matabang lalake. "Aba, nakakapagtaka nagsasalita pala ang baboy" tugon ni Esme. Napikon ang matabang lalake at agad na nagalit. "Anong sinabi mo!, kunin niyo ang babaeng yan!" Sigaw nito. Agad na sinunod ng mga kalalakihan ang utos nito at sinugod si Esme. Malakas ang loob nila kung kayat di sila nag-alangan na sugurin si Esme. "Mukhang magiging masaya to!" Ngiting wika ni Esme at hinarap ang grupo ng kalalakihan. Inilabas niya ang mahabang bakal sa kaniyang likuran at mag-isang hinarap ang mga kalaban. "Hihihihi, patay ka ngayon" ngiting ani ng matabang lalake. Kampante siyang mahuhuli niya si Esme. Ngunit nagkamali siya rito, sapagkat unti-unting nalalagas ang kaniyang mga kasama at di makapaniwalang natatalo sila. "Anong ginagawa niyo!!!, iisa lanh siyaaaa!!" Sigaw nito. "Alam namin boss pero, malakas siya!" Nagaalangang tugon ng isang lalake. "Anong problema?, tapos na kayo?" Ngiting saad ni Esme. "Wag kang mayabang!" Sigaw ng matabang lalake. Mayat-maya pa ay biglang nagkaroon ng ilaw sa madilim na daan. "Anlakas ng loob niyong lapitan ang Alpha namin" wika ng isang lalake sa di kalayuan. "Alpha?" Nagtatakang ani ni Ivan. "Ho antagal niyo ha" ngiting saad ni Esme. "Pasensya na boss" ani ng isa pang lalake. Unti-unti naliwanagan ang mukha ng mga ito. At lumalabas na si Cerius at Reigh pala ang dalawang lalake. Kasabay neto ay nagsilabasan pa ang maraming lalake na nakasuot ng itim na suit. May hawak din silang mga baril. Agad na natakot ang mga kalaban at napa-atras, ngunit maging sa likuran nila ay meron ding mga lalakeng nakaitim. "Hindi!, hindi ito maare!" Sigaw ng matabang lalake. "Ngayon handa ka nabang malechon ng buhay?" Ngiting wika ni Esme. Agad na naitumba at hinuli ng mga kampon ni Esme ang mga kalaban. Napahanga si Ivan sa husay ni Esme sa pakikipaglaban kung kayat nasiyahan ito. "Salamat" namumulang ani ni Ivan. "Walang anuman" tugon ni Esme. Napangiti si Ivan. "Ngayon baka gusto mong magpaliwanag kung bakit mo tinakbuhan si Cerius?" Ngiting ani ni Esme sabay tutok ng baril sa ulo ni Ivan. "Ah...ehh...kasi..." natatarantang ani ni Ivan. Sa mga sandaling yun ay nailigtas ni Esme si Ivan sa kapahamakan at masaya niyang tinutok ang baril sa ulo nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD