CHAPTER 28

1733 Words

ORLENE Halos mapaos na kaming dalawa ni Sir Lorenzo Clyde kakasigaw pero wala talagang nagbukas ng pinto. Hindi yata talaga kami naririnig ng mga nasa labas na iyon. Iniisip ko na baka nataon lang na dumaan ang mga iyon. Hindi naman kasi dinadaanan ng mga empleyado itong stock room kaya wala rin halos nagagawi rito. Pwera na lang 'pag sinadya talaga ito na may kukunin at kailangan na mga kulang na supplies. Gano'n din kapag may gustong pumiteks pero nataon yata na busy ang lahat kaya wala pang napunta rito para magtago at magpahinga. Tuluyan nang nawala ang mga boses na narinig namin na nagsasalita sa labas kanina. At sa totoo lang ay nawawalan na ako ng pag-asa na makalabas pa kami rito. Dinadalangin ko na lamang na sana ay maalala ako ni Marian at baka sakaling balikan niya ako rito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD