ORLENE Sa tantiya ko ay mag-iisang oras na kaming nandito ni Sir Lorenzo Clyde na nakakulong at naghihintay na may pumasok para pagbuksan kami. Napaupo na lamang ako sa sahig habang nakasandal sa dingding. Samantalang si Sir Lorenzo Clyde naman ay nakasalampak rin at nakasandal naman sa may pinto. Simula kasi nang itulak niya ako kanina ay dumistansya na ako sa kanya. Hindi naman sobrang layo. May ilang pulgada lang ang pagitan namin sa isa't-isa. Kumbaga may kaunting espasyo na naghihiwalay sa namin. Ayoko rin kasi na masyadong lumayo sa kanya. Okay na rin na nakikita ko ito kahit na hindi ko siya katabi. Kahit na paano ay panatag na rin ako na alam kong nariyan lang ito. Medyo natatakot pa rin kasi ako. Madilim pa rin kasi ang buong paligid. Wala rin halos akong makita. Baka kasi may

