SS 03:

1514 Words
•Janifer• Nakatulog ako sa sobrang sama ng loob, nagising nalang ako ng sumakit ang aking tiyan. Nabahala ako kaya agad akong lumabas ng kwarto at hinanap si Peja. Nagbabakasakaling gising pa ito at magpapatulong ako, ngunit wala ni anino nito. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang pumunta sa kusina, dahil sa sakit na aking nararamdaman. Nagugutom lang siguro ako lalo na at wala akong kain kanina. Pero di pa ako nakakaabot sa kusina ay agad na akong napaupo sa sahig. Hinawakan ko ang aking tiyan, hinahaplos iyon para kahit papaano ay mawala ang sakit. "Baby, please kapit ka lang kay mommy. Huwag mo na akong saktan please? hindi makakapunta si Mommy sa OB dahil madaling-araw pa lang baby, please." Hindi ko alam kung naririnig ba ako nito o nararamdaman ba nito ang hinaing ko. Napangiti na lamang ako nang mawala ang sakit sa aking tiyan. "Salamat baby, kapag nakalabas ka na pangako na di kita pababayaan at tayong dalawa ang magkakampi." Tumayo na ako at bumalik na ng kwarto, kailangan kong magkaroon ng lakas para bukas. Pupuntahan ko bukas si Trix and Soreen, para kahit papano ay may mapagsasabihan ako ng mga problema ko. -- "Ano ba yan tulog ka ng tulog, alas 10 na ng umaga, gumising ka nga!" Nagising ako sa malakas na sigaw sa aking kwarto. Boses iyon ni Peja kaya agad akong napabangon, at baka magalit na naman ito sa akin. "Anong kailangan mo?" He laugh sarcastically, at hinila ako patayo sa kama. Muntikan na akong matumba sa ginawa nito, mabuti nalang naibalanse ko ang aking katawan. "Anong kailangan ko? nagpapatawa ka ba? hindi ka senyorita dito, kaya bumangon ka na diyan at ipaghain mo ako. Nagugutom na ako at may pasok pa ako mamaya." Ramdam ko pa ang pagod sa aking katawan, pero pinilit ko pa ring tumayo. Ayaw ko naman na mas lalong sumama ang loob nito sa akin. "Pwede bang mauna ka ng lumabas? susunod lang ako." Masama itong tumingin sa akin, pero sinunod rin naman ang gusto ko. Mabilis akong tumakbo sa banyo, at sumuka doon. Para akong mahihilo dahil sa pagkalam ng aking sikmura. Mabuti nalang at sandali lang iyon at umayos na rin ang aking pakiramdam. "Bakit ang tagal mo? ayaw mo bang ipagluto ako?" Hindi ko siya pinansin at dinaanan lang ito para makapunta sa ref at matingnan ang lulutuin ko. "Kapag tinatanong kita dapat sinasagot mo ako!" Ramdam ko ang galit nito, ang higpit nang pagkakahawak nito sa aking pulso. Nagsisimula na iyong mamula kaya tinabig ko ang kamay nito. "Nasasaktan ako Peja, pwede naman nating pag-usapan ang problema. bakit kailangan mo pang manaki--" Di ko naipagpatuloy ang susunod kong sasabihin nang malakas nitong hinablot ang aking buhok at sinakop ang aking labi. Walang emosyon ang halik na iyon, halos matanggal na ang labi ko sa sakit ng pagkakakagat niya. Tinulak ko siya ngunit kinuha lang nito ang aking kamay at inilagay iyon sa itaas ng ulo ko. Naramdaman ko nalang ang maginaw na bagay na dumampi sa aking balat. Naisandal na pala ako nito sa ref, habang angkin pa rin ang aking labi. "Tama na Peja, nasasaktan ako," sambit ko, nang pakawalan nito ang labi ko at bumaba iyon sa aking leeg. "Bakit ka nagmamakaawa Miss Tobias? diba ito naman ang gusto mo? inakit mo pa nga ako, dahil hindi mo mapigilan ang libog ng katawan mo diba?" nanghahamak nitong sabi at mariin na pinisil ang aking bibig. Sobrang sakit ng ginawa nito, ngunit mas nasasaktan ako sa sinabi nito. Itinigil nito ang ginagawa at tiningnan ako sa mata. "Simula sa araw na ito, bawal ka ng umiyak. Bawal kang magreklamo sa mga gagawin ko sayo. Dahil araw-araw kitang pagbabayarin sa utang mo sa akin." Iniwan ako nito na nakatulala pero patuloy pa rin ang pag-iyak. Napahawak ako sa aking tiyan, hindi ko alam kung makakaya ba ng anak ko ang buhay kasama ng ama niya. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang dalawa kong kamay, naiinis ako sa sarili ko. -- "Anong nangyayari sayo Jani?" Mula sa pagkatulala ay binaling ko ang aking tingin kay Trix. Hinawakan ko muna ang aking tiyan at ngumiti rito. Sa kanila ko gustong ipaalam ang aking sekreto dahil alam kung maiintindihan nila ako. Kasama ko na sila bata pa lang kami, at walang kaming sekretong itinatago sa isa't-isa. "Buntis ako Trix," mahina kong sambit. Kahit na malapit kami sa isa't-isa ay nahihiya pa rin ako sa nangyari sa akin. Sa pagbigay ko ng katawan, kapalit ang malaking pera. "Ha?" sabay nilang bulyaw ni Soreen. Alam kong hindi sila makapaniwala sa balitang dala ko. Maski ako ay hindi rin makapaniwala na mangyayari ito, isang maling desisyon ko sa buhay ang naglagay sa akin sa sitwasyon na'to. "Sino ang ama ng dinadala mo Janifer? pinagutan niya ba yan?" Rumehistro ang pag-aalala sa gwapong mukha ni Trix, nang tiningnan ko ito. Tumango lang ako dito at tumingin na naman sa malayo. "Pinakasalan niya ako, ngunit hindi kami magkaayos. Pinikot ko siya dahil kailangan ni Tatay ng pera pambayad sa utang, at ng wala na akong makunan ng malaking pera ay binigay ko ang aking sarili sa kanya." Rinig ang malulutong nilang mura, sabay pa ang dalawa sa paghaplos ng kanilang buhok. Alam kong mali ang desisyon ko, pero kung babalik ulit ako sa araw na iyon, tiyak na iyon pa rin ang kakahantungan ko. "Sinasaktan ka ba niya? okay lang ba kayo ng baby mo?" Tumango ako sa tanong ni Soreen, kahit na sinasaktan ako ni Peja. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila iyon, at baka mag-aalala ito sa akin. "Mabuti naman kung ganon, kinakabahan ako sa mga pinanggagawa mo Janifer. Alam na ba ito ni Tiyo? natawagan mo na ba sila?" Agad akong umiling, iyon ang hindi niya gagawin. Ayaw niyang maging kahihiyan sa pamilya, pinalaki siya ng maayos ng mga magulang niya tapos ito lang ang igaganti niya. Ang mabuntis ng lalaking hindi siya mahal. "Kailan mo sasabihin kong ganoon?" tanong nito. "Kapag maayos na kami ni Peja, Trix. Medyo may hindi kami pagkakaunawaan sa ngayon." Tumango naman ang kaibigan sa sagot niya. Mas gumaan ang kanyang pakiramdam na may mga tao siyang aasahan at mapagsabihan. Napatingin siya sa dalawa nang sabay nilang hinawakan ang kanyang kamay, at pinapatayo siya. "Saan naman tayo pupunta?" nakakunot-noo kong tanong sa kanila. "Kay tita Loring, kain tayo paborito nating ulam doon. Hindi ka na maganda, dahil pumapayat ka na!" Tumawa siya sa sinabi ng babaeng kaibigan at nagpatianod na lamang sa paghila nito. -- Gabi na akong nakauwi, hinatid naman ako ni Trix at Soreen, pero hindi ko na sila pinapasok, baka maabutan pa ito ni Peja at magalit sa akin. "Saan ka naman nagpunta?" tanong ni Peja pagkapasok ko. Dumagundong ang baritonong boses nito sa loob ng bahay. Madilim ang paligid kaya akala niya ay walang tao, ngunit nang buksan niya ang ilaw ay nakita niya ito na nakatayo sa may hagdan at madilim ang mukha. Napalunok ako sa mga tingin nito, alam kong sasaktan na naman ako nito. "Sagutin mo ako saan ka pumunta?" sigaw nito, at mabilis na lumapit sa akin. Hinablot nito ang braso ko at diniinan ang pagkakahawak doon. "May pinuntahan lang kaming kaibigan Peja, sabi ni Mama Lysa ay pwede naman daw akong luma–" Napatigil ako sa pagsasalita nang marahan nitong sinampal ang aking mukha. Hindi iyon masakit pero ramdam ko ang pang-iinsulto roon, pinigil ko ang maiyak dahil sa sinabi nito sa akin kanina. "Bakit si Mommy ba ang kasama mo sa bahay? si mommy ba ang pinakasalan mo? naghahanap ka na naman ng lalaking magpapasaya sayo? hindi pa ba ako sapat para magpawi ng libog sa iyong katawan?" may diin ang bawat salita nito, na nakapagtayo ng aking balahibo. Natatakot ako sa gagawin sa akin ni Peja, natatakot ako at baka masaktan ang dinadala ko. "Malaki naman ang akin, nasaktan ka pa nga ng ipinasok ko diba? bakit naghahanap ka ng bago o gusto mong tikman ulit? gusto mo ba 'to?" Hinawakan nito ang aking kamay at ipinasok iyon sa loob ng jeans niya. Ramdam ko ang pagpintig ng p*********i nito. Hinila ko iyon ngunit mas hinigpitan lamang nito ang pagkakahawak sa aking kamay. "Touch me Miss Tobias, tapos sabihin mo sa akin kung masarap ba ang mga lalaki mo." Gusto kong sabihin dito na wala siyang lalaki, ngunit alam niyang sarado na ang utak nito. Wala na itong balak na marinig pa ang mga paliwanag niya. "I said move your hands now and please me!" Pinikit ko ang aking mata at sinimulang igalaw ang aking kamay sa loob ng pantalon nito. Rinig ko ang ungol nito habang pinapaligay siya, nakatingala ito at nakapikit ang mata. Sa oras na ito, iniisip ko kung kaya ko bang paibigin ang lalaking to. Kung maaayos pa ba namin ang relasyong to kahit hindi kami ikinasal dahil sa pagmamahal. "Stop it Miss Tobias, kung sino man yang iniisip mo ay kalimutan mo na yan." Kinuha nito ang kamay ko sa loob ng kanyang jeans at hinila ako papunta sa aking kwarto. Mabilis nitong isinarado ang pinto at itinulak ako sa kama. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD