"Ano ba, Tin! Baka gusto mo na rin akong lagyan ng mayonnaise at gawin akong sandwich!" reklamo ni Mateo habang hawak pa rin ang ulo ng dalaga na pilit pa ring sumusungkit ang dila sa tiyan niya.
"Pwede rin. Masarap ka siguro with bacon," malanding biro ni Tin sabay kindat.
"Hoy!" sabay sabunot ulit ni Mateo.
"May paso na nga ako, gusto mo pa akong lantakan!"
"May ilayo mo nga ang babaeng yan sa apo ko at baka hindi ko na matantsa yan isako ko na at dalahin sa imigration." utos naman ni Ben. Agad naman na lumapit si Rica na may hawak ng panyo nito at binalot ng yelo sa panyo bago inabot sa kamay ni Teo, kaya napa atras naman si Tin na umasim ang mukha kay Rica.
"Sorry, Tin. Ice really is the first aid for burns—it helps a lot." wika pa ni Rica, hindi naman na nag comment si Tin na umatras ng konti at tumingin na lang sa katawan ni Teo.
"Mata mo, Tin." sita pa ni Mateo na bahagyang tumagilid dahil kita niya na naglalandas ang mata ni Tin sa hubad niyang katawan pababa sa harapan ng pants niya.
"Apaka damot mo talaga, natingin lang e. Gusto mo tingnan mo din ang katawan ko later hindi ko naman ipag dadamot sa'yo."
"Jusmiyo." wika pa ni Ben na napapailing.
"Para kang hindi babae." wika pa ni Ben.
"Lo,"
"Sinong lolo mo? Wala kang lolo dito."
"Sino ba ang matanda dito na puti ang buhok?" sagot naman ni Tin na tinawanan naman ng mag-inang May at Teo.
"Napaka pelosopo pa."
"Babae ako kaya pelosopa, lolo." pag tatama ni Tin na agad naman na pasimpleng iniharang ni Teo ang katawan ng makitang hinubad na ng lolo niya ang tsinelas nito para ibato sa dalaga na napaka kulit.
"High Blood na lang kayo lagi sa akin, Lolo. Hindi ba kayo nag babasa ng bible ang sabi dun, share you blessing. At diba si Teo ang blessing n'yo kaya share n'yo na siya sa akin. Hmmmm!" wika pa ni Tin na ngumiti sabay pisil sa bicep ng binata.
"Manyak ka! Diyos maaga akong mamatay sa'yo." wika pa ng matanda na palabas na sana ng sumagot naman si Tin.
"Malabo yun lolo, ang masamang damo matagal mamatay."
"At sinasabi mo bang hindi ka masamang damo?" angil nito.
"Hindi po pero tingin ko baka mas mauna lang ako sa inyo, basta walang iyakan hmmm... bawal ang plastic sa lamay ko."
"Celestine!" sabay na bulalas naman ni Teo at May, habang natameme naman si Ben na tumalikod na lang.
"Wag ka na ulit mag sasalita ng ganun." pinalo pa ni May sa puwet ang dalaga.
"Biro lang naman masyado naman kayong seryoso sa buhay." wika naman ni Tin na ngumiti na nakatingin kay Teo sabay tingin sa ina nito.
"Kahit na hindi ginagawang biro ang kamatayan." wika pa ni May, mabilis naman yumakap sa braso nito si Tin.
"Sya sorry na po, wag na po kayong magalit." napabuga naman ng hangin si May na nag lagay ng toothpaste sa kamay na ipapahid na lang sana nito sa abs ng anak ng mabilis na pigilan ni Rica pero hinawakan din ni Teo ang kamay ni Rica na parang sinasabi nito na hayaan nito ang ina. Nagtatakaman ipinahid na ni May ang toothpaste sa tiyan ng anak.
"Ma’am, I’m sorry, but toothpaste isn’t safe for burns—please don’t apply that, it can actually make it worse," turan ni Rica ng hindi makatiis habang nakatingin sa ginagawa ng ina ni Teo.
"And who told you that? Toothpaste works great! Look at this—I got burned right here, but it didn’t blister, all thanks to my mother-in-law’s toothpaste trick." ani Tin na ipinakita ang paso sa braso.
"You see, dear, this is just what we’ve been used to doing back in the Philippines, and it never caused any harm. That’s why not everything doctors say has to be followed—especially when our traditional ways have already proven effective."
"Pak! English yan, madir." ngiti ni Tin na biglang bumugway ng tayo kung di naagapan ni Teo baka dere-deretso siya sa sahig.
"Hay ano kaba na out of balance lang isang paa ko," ani Tin sabay alis ni Tin sa kamay ni Mateo sa braso niya sabay paalam sa mga ito na mag babanyo lang muna. Pero ang totoo kinabahan siya sa biglang naramdaman, dahil hindi umayon ang kilos niya sa gusto ng katawan niya. Kailangan nyang tawagan ang Tito Martin niya, para sabihin ang mga sintomas na unti-unti ng lumalabas.
"Saglit lang hijo, ikukuha kita sa taas ang malinis na damit." paalam naman ng ina niya habang nakasunod siya ng tingin kay Tin na nag-aalala. Dahil nakita niya ang pag pikit ang isang mata nito kanina at natitiyak niyang hindi iyon kindat, nag kusa iyon at sigurado siyang may kinalaman yung sa nerve sa utak nito na mukhang hindi aware si Tin.
"Why does Tin call your mom Mother-in-law?" tanong ni Rica na ikinalingon naman ni Teo sa dalagang kaibigan.
"Oh, it’s nothing. She just got used to calling her that, and we didn’t really bother to correct it." sagot naman ni Teo na inayos na sa lababo ang mga yelo na ginamit at hinayaan na ang toothpaste sa tiyan niya habang kumikirot pa din.
"But the more you let her call her that, the more it might send the wrong message. She might start thinking she’ll eventually become part of your family." wika pa ni Rica na nakasunod ng tingin kay Mateo.
"But she is part of our family—because she’s a friend, and someone very dear to us." sagot naman ni Mateo.
"A friend? I’m your friend too, aren’t I? But I’m not considered part of your family, and I don’t call your mom mother-in-law—because there have to be boundaries. You’ll only end up hurting Tin if you keep letting her hope for something more, when it’s obvious she has real feelings for you." giit pa rin ni Rica na gusto ng ika-irita ni Teo, ito ang ayaw niya sa mga babae kaya ayaw talaga niyang nakikipag kaibigan sa mga ito dahil masyadong maki-alam at feeling entitle ng pangaralan siya.
Tin is just like other girls ang kaibihan lang hindi nakakairita ang pagiging taklesa nito, instead nakakatuwa ang paraan ng pagkakagusto nito sa kanya. Yung tipong maiinis ka pero at the same time matutuwa ka sa kalokohan nito at hahanap-hanapin mo nalang hindi dahil may gusto ka kundi nakakatuwang pakinggang ang kalokohan nito, nakakawala ng stress pero sometimes nakakaubos din ng pasensya in very nice way.
"To be honest, I see Celestine with us in the future. I want to be happy with her—whether it's romantic or not. No matter who else comes along, I’d still choose her." deretsong turan ni Teo.
"So… I don’t have a place in your future after all. It was just me hoping there was one?" pagak na tumawa si Rica na bumuga ng hangin saka nag paalam na.
"And by the way... I’m not saying this just as a friend—but as a doctor who sees something wrong with the person in front of me. I’m an internist, and I believe there’s something off with Tin that needs immediate testing. You’re a doctor too, and we both went through med school. I know you understand exactly what I’m saying." wika pa ni Rica bago ito tuluyan ng umalis. Naunawaan niya ang sinabi ni Rica at iyon tlaga ang una nyang gagawin, pipilitin niya ulit si Tin na mag pa check-up dahil tingin niya yung nosebleed nito ng nakaraan ay hindi lang talaga cause ng anemic at low platelet at lalo pang tumindi ang hinala niya after ng nakita niya kanina.
"Oh! Anak suotin mo," utos ng ina na bumalik.
"Ma, si Tin ba, may nababanggit sa inyo kung anong nasakit sa kanya, dumadaing ba siya sa inyo?" umiling ang ina.
"Madalas lang na sumasakit ang ulo niya lately. Bakit? Tingin mo din ba may sakit si Tin na malubha?" kumunot ang noo ni Teo.
"Bakit po Ma? Tingin n'yo pa ba may malubhang sakit si Tin."
"Hindi ko alam sa totoo lang pero ang lolo mo, araw-araw na siyang nag-aalala kay Tin. Lagi niyang bukang bibig na nauubos na daw ang kinang ng fairy light ni Tin, at habang tumatagal daw nawawala na kaya nag-aalala siya kapag tuluyan nawala baka may mangyari daw masama kay Tin." napatango naman si Teo.
"Ma, puntahan ko po muna si Tin." mabilis na paalam ni Teo, kilalang magalit na faith healer ang lolo niya sa Pilipinas at natatandaan niya iyon ng bata pa siya kaya nga sila inayawan ng pamilya ng ama niya at sinabing pamilya sila ng mga baliw. Na wala man lang ginawa ang ama niya para ipagtanggol sila kaya ng lumayas ang ina niya agad siyang sumama rito at sa lolo niya. At tinalikuran ang buhay na maganda.
"Tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong." bilin pa ng ina ng tuluyan siyang umalis.