"Ano nanaman ginawa mo dito?" wika ni Ben ng pumasok si Tin sa loob ng bakery.
"Lolo," matamlay na usal naman ni Tin na parang batang inihiga ang ulo sa ibabaw ng counter na parang hinang-hina.
"May! May!" malakas na sigaw na tawag naman ni Ben sa anak na humahangos na lumabas mula sa likuran.
"Bakit po?"
"Tingnan mo yun? Mukhang masakit nanaman ang ulo." ininguso ni Ben si Tin na nakapikit sa ibabaw ng cunter. Agad naman na lumapit si May.
"Okay ka lang ba?" tanong naman ni May, na inayos ang buhok ng dalaga.
"Ayaw tumalab ng gamot na binigay ni dok sa akin, ayaw na akong patulugin ng sakit ng ulo ko." sagot ni Tin.
"Sandali maupo ka muna dun, ano bang sabi ng doktor mo diba nag pa check-up ka kahapon."
"Anemic daw po." pag sisinungaling ni Tin.
"Kakapuyat mo yan kaya ka anemic." wika naman ni Ben.
"Alam n'yo ba kung bakit ako napupuyat, dahil sa kakaisip ko sa apo n'yo at kasalanan n'yo po yun." natawa naman si May na inalalayan na maupo sa isang mesa na naroon.
"At sa akin mo pa isinisi ang kabaltikan mo."
"E kanino po ba dapat, ayaw akong pakasalan ni Teo. Kasi ayaw mo sa akin."
"Mother-in-law gusto ko po ng yelo." paki-usap ni Tin sa ina ni Teo na tumalima naman na tumalikod.
"Bigyan mo nung herbal tea na iniinom ko, baka makatulong," bulong ni Ben sa anak na ngumiting tumango na pumasok sa kusina.
"Matanda na ang apo ko, hindi kailangan ng basbas ko kung gusto na iyang mag-asawa . Ang problema kasi ayaw niya sa'yo kaya hindi ka niya pinakakasalan."
"Hindi totoo yan, M.U na kaya kami ni Teo. Payagan n'yo na kasi kamim, sabihin n'yo kay Teo pakasalan na po ako para hindi na nasakit ang ulo ko para may mag-alaga na sa akin at hindi na ako mag-isa."
"Hoy! Umuwi ka na lang ng Pilipinas kesa dito ka hahanap ng care giver."
"Wala na nga kasi akong babalikan po sa Pinas, nandito na ang future ko."
"Masyado kang ambisyosa! May nobya na si Mateo, doctor din at maganda din naman at matalino. Kaya hindi maging masaya ang apo at nobya niya dahil sa para kang linta kung makadikit sa apo ko. Feeling kang masyado."
"Alam n'yo lo, aaaaaapaakaaaa bitter n'yo, bakit kayo ganyan sa akin."
"Oh! Hija inumin mo ito at ito na ang cold compress." wika naman ni May na lumapit sa dalaga.
"Ano po ito?" tanong niya sa tasang kulay berde ang tubig.
"Herbal medicine niya magaling sa blood circulation." ani May.
"Hindi po ba ako mamatay dito?" tanong ni Tin.
"Kung lulunukin mo yun tasa baka mamatay ka." natawa naman si Tin na nilingon ang matandang umirap habang natatawa nalang naman si May na naiiling.
"Hindi kasya sa bibig ko yung tasa lo, kagatin ko ba muna?" sarcastic na tanong ni Tin sabay higop ng berdeng tubig na ikinangiwi naman ni Tin.
"Ano po ito? Lumot ng kanal?" tanong ni Tin na pilas na pilas ang expression ng mukha ng malasahan ang tsa.
"Bakit may kanal ba dito sa America?" galit na tanong ni Ben.
"Good morning po." sabay-sabay pa silang napatingin lahat ng tumunog ang pinto at pumasok si Doc Rica kasama si Matteo na parang nagulat pa ng makita si Tin na pinandilatan pa na parang nag babanta na wag gagawa ng eksena. Tumikwas naman ang nguso ni Tin na sumimangot lang.
"Oh! How are you, Doc Rica? It's been a while since you last dropped by my bakery." ani Ben na tumayo pa mula sa pag kakaupo nito sa cashier para batiin ang bagong dating na may bitbit pang pulang box.
"Yes, Grandpa, I’ve just been a bit busy lately. Oh, and here—this is a little something for you. My parents just got back from Thailand, and I hope you’ll like it." abot pa nito sa dalang box sa matanda na parang tuwang-tuwa naman na tinanggap.
"Oh, thank you, dear. My grandson would be so lucky if you ended up together. You're not only beautiful but also caring and thoughtful. Unlike someone I know—who's nothing but a headache."
"Hay! Ako nanaman nakita n'yo, nanahimik na nga ako dito e." reklamo naman ni Tin. Na ikinalingon naman ng mga ito kay Tin.
"May, anak mabuti pa ipag-handa mo ng mainit na chocolate si doktora. At ipapatikim ko itong bagong walnut bread na ginawa natin." utos naman ni Ben sa anak na agad na sumunod.
"Grabe ng discrimination yan lo, sa akin mainit na sabaw ng lumot sa kanya hot chocolate with walnut bread pa. Nakakasakit kayo ng damdamin." ani Tin inihiga na kang ang kalahati ng katawan sa mesa dahil masakit talaga ang ulo niya. Lumapit naman si Mateo sa dalaga at bahagyang yumuko na hinawakan pa siya sa noo na parang chine-check kung may lagnat ba siya.
"Kung masama ang pakiramdam mo bakit nag punta ka pa dito?"
"Bakit pupuntahan mo ba ako sa bahay kung —."
"Mateo, I don’t think she’s okay. She looks pale, and I think there’s a lack of oxygen going to her brain—that’s probably why her skin tone looks off." sabat naman ni Rica na lumapit sa kanila.
"Hay! Nag momoment kami dito... epal ka naman masyado e."
"Huh?" tanong pa ni Rica na obviously hindi siya na intindihan ng americang doctor. Pinandilatan naman siya ni Mateo.
"Wag n'yo na nga lang akong pansinin. Kumain na lang kayo ng walnut bread ni Lolo. Kunwari na lang wala ako dito." ani Tin sabay bumaling ng higa sa kabilang panig ng mesa. Naramdaman naman ni Tin na hinawakan pa ni Mateo ang ulo niya sabay talikod kahit papaano ngumiti na lang siya kahit kumikirot ang puso niya.
"May, mabuti pa sa bahay mo na muna patuluyin ang malditang yan, hindi ko na nakikita ang glow niya tulad ng una. Meron tlagang sakit ang pasaway na yan na ayaw niyang sabihin."bulong ni Ben sa anak na nag lalagay ng walnut bread sa pinggan habang nakatingin sila kay Tin na nanahimik.
Dating faith healer ang papa niya sa Pilipinas bago sila nag migrate sa US ng petitionin sila ng ina na namatay na 7 taon na ang lumi-lipas. Ang ama at ina niya ang nag taguyod ng bakery na yun habang sya naman ay nagtatrabaho sa banko bilang accountant ngunit nag resign na siya ng napapadalas ng nagkakasakit ang ama at later on nalaman na din niya na meron siyang cancer sa matress. Naagapan ng una ngunit bumalik ang cancer cell kaya heto at nakikipag bundo siya sa cancer.
Ayun pa sa ama niya meron daw fairy na nag babantay kay Tin, isang gabay ng buhay daw ang tawag sa fairy na nag babantay sa dalaga. Ngunit lately napupuna ng ama na para daw na babawasan ng kinang si Tin na hindi naman niya na iintindihan at hindi rin niya nakikita. Palagi itong nag-aalala sa dalaga at dinadaan lang nito sa kunwaring galit para hindi daw masanay si Tin at umasa sa kanila.
"Tingin n'yo ba malubha ang sakit niya?" bulong ni May, tumango si Ben.
"At hindi maganda." napatingin si Ben sa apo na nakatingin din sa dalaga na halata na nag-aalala din.
"Anong ibig mong sabihin Pa,"
"Siya ang magdadala ng labis na pighati kay Mateo, siya ang babaeng nakatakda para apo ko pero siya din ang babaeng nakatakdang umalis at magdulot ng labis na hinagpis." malungkot na wika ni Ben.
"Kaya ba ayaw n'yo kay Tin para kay Matteo?" tumango si Ben.
"Natatakot akong baka hindi kayanin ng apo ko ang pagsubok na dala ni Celestine."
"Mama," tawag naman ni Mateo sa ina na napalingon na ngumit at nag paalam na sa ama ng malimutan na ang ihahain na pagkain.
"Anak ikaw na ang kumuha ng hotchoco n'yo." nguso ni May sa dalawang tasa sa counter. Tumayo naman si Mateo at kinuha ang mainit na choco ng biglang aksidente naman umikot ang ina at natabig nito ang tray dahilan para matapon ang hotchoco sa tiyan ni Teo na malakas na napasigaw at napatakbo sa kusina habang hinuhubad ang suot na damit at nag mamadali na nagtungo sa freezer at kumuha ng ice cube.
"Anong nangyari? Naku ang pula?" bulalas ni Tin ng makita ang abs ni Teo na pulang pula pababa sa may puson nito. Bigla kumuha ito ang yelo at isinubo ng ilang minuto na pinag taka pa ni Teo na kumunot ang noo habang nakatingin sa dalaga.
At ganun na lang ang gulat ni Teo ng iluwa nito ang yelo sabay labas ng dila nito na ilalapit na sana sa tiyan niya ng mabilis na napigilan ni Teo ang ulo ng dalaga na balak pang dilaan ang tiyan niya. Na hindi malaman ni Teo kung matatawa ba o maiinis sa dalaga.
"Anong ginagawa mo?"
"cold compress." painosente pang sagot ni Tin.
"Bakit dila ang gagamitin mo, puwede naman iderkta ang yelo sa balat ko. Kaya pala may pag subo ka pa ng yelo."
"Lakas talaga ng powertrip mo abaaa." bulalas naman ni Ben habang natatawa naman si May.
"Ano ba... mas effective ang ganitong way maniwala ka, maniwala ka mawawala ang sakit. Tititgasan ka lang." bulong ni Tin sabay ngisi sa huling ibinulong, literal naman na sinabunutan ni Mateo si Tin ng ididikit na sana ulit nito ang dila sa tiyan niya.