Azalea Zhinli Centana's POV
"Yawn... " napahikab na naman ako kaya napatingin na naman sa akin sina Yara. Nakakahiya... Nasa gitna pa naman kami ng klase ni Master Terra. Isa siyang plant wizard, kulit nga eh kaya niyang utusan yung mga halaman at puno. History teacher namin siya. Namiss ko tuloy bigla si Master Era. Pati sina Amarine, Adira at Arthur. Tsaka si Derah na hindi ko pa nakikita hangang ngayon. Nasaan na kaya yung ada na yun? Hindi man lang nagpaalam sa akin na aalis.
"Kanina ka pa hikab ng hikab. Nakatulog ka ba ng maayos? bulong ni Yara sa akin kaya umiling ako. Hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa masamang panginip ko. Nakakatakot yun at ayoko ng ikwento.
"blah blah blah... " wala ng pumapasok sa utak ko sa mga pinagsasasabi ni Master, gusto na talagang pumikit ng mga mata ko ng biglang may nagbukas ng pinto.
"Ma-master..." taga-Seekers to ah?!
"So-sorry for interruptions but this is emergency." sabi nung estudyante.
"What is it?" tanong ni Master Terra. Agad namang gumala yung paningin ng estudyante sa buong classroom namin tsaka ako tinuro.
Hala bakit ako? May ginawa ba ko?
"Ikaw... Ikaw yung hinahanap ng nagwawalang halimaw!" sabi niya sabay turo sa akin. Nagwawalang halimaw?
"Hah? A..." Hindi pa ko tapos magsalita ng nagsalita siya.
"Hawak nung mga halimaw sina Amarine, Adira at Arthur. Nasa seekers.. " yung lalake naman ang hindi natapos ang sasabihin ng dumating si Headmaster Cai at hinatak yung estudyante palabas.
"Don't mind him. Wag kang lalabas dito Zhinli. That's an order." sabi ni Headmaster Cai tsaka sinara ang pinto. Alam kong wala na sila sa labas ng pinto kaya tatayo na sana ako para magpunta sa Seekers building ng nagsalita si Zaid.
"You heard him. Don't go anywhere." sabi niya tsaka pinalibutan ng apoy yung pinto at bintana. Waahhh... Pero pano sila Amarine? Tinignan ko naman sina Yara na umiling lang sa akin. Si Master Terra naman pinagalaw yung mga puno para matakpan yung salamin na bintana namin.
"As much as we want to help, it's an order." sabi ni Ace kaya napapikit na lang ako. Nawala na yung antok ko kanina. Pano sila Amarine?
Pinikit ko yung mga mata ko tsaka pinakiramdaman yung harang. Pano makakalagpas yung mga halimaw sa harang kung wala naman akong naramdamang nawasak sa harang ng school? Pano nangyari yun?
Nakapikit lang ako ng may marinig akong boses.
"Lumabas ka Azalea..."
Dinilat ko yung mata ko para tignan kung sino yung nagsalita kaya lang wala naman. Walang nagsasalita na kahit na sino dito sa loob ng klase namin.
"Zhinli..." nag-aalalang sabi ni Yara. Nginitian ko na lang siya tsaka sinubsob ko yung ulo ko sa lamesa at pinikit.
Waaahhh... ngayon lang ako gagamit ng ganitong spell at sana makaya ko. Gusto ko... gusto kong tulungan sila Amarine kahit wala ako sa tabi nila. Ako naman yung kailangan nung halimaw eh.
Sobra sobrang concentration ang ginawa ko para lang mahanap yung mana nila Amarine.
"Urggghhh... "
Agad akong napamulat dahil sa sakit. Arayyy ... ang sakit sa ulo >_<
"Ok ka lang? Saan ang masakit? Yara dali gamu..." hindi pa natatapos sa pagsasalita si Fern ng nawala yung apoy sa buong paligid. Tinignan ko naman si Zaid Bakit nawala?
"Tsss... labas na. Hindi yung kung ano anong ginagawa mo." sabi ni Zaid tsaka tinignan yung pinto. Alam niya ba?
kyaaa... alam niyang may ginawa akong spell kanina?
Te... teka nagtagalog siya?
Ay naku Zhinli mamaya na yan, sila Amarine pa.
Tumayo agad ako tsaka lumabas. Narinig ko pa yung sigaw at pagtakbo ng ibang Hunters. Sinusundan nila ako.
"Amarine! " sigaw ko nung makitang hawak hawak ng isang errr... anong tawag diyan?
Basta hawak si Amarine ng isang halimaw. Para siyang malaking tao na kakulay ng buhangin. Nakakatakot naman... Bakit hindi ko alam na may ganyang nilalang dito?
"Zhi-zhinli..." hirap na sabi ni Amarine. Hinanap agad ng mata ko sina Arthur at Adira. Hala... Asan sila?
"Zhinli!" nilingon ko naman sina Headmaster Arianne at Headmaster Cai. Wala ng mga estudyante dito... siguro pinaalis na nila Headmaster.
"What are you doing here Zhinli? Hindi ba ang sabi ko... Oi!" tawag sa akin ni Headmaster Cai kasi tumakbo na ko palapit dun sa halimaw. Sesemornan niya ko alam ko pero pag di ko pinigilan tong halimaw, baka mapano pa si Amarine. Hindi pa naman nila pwedeng atakihin yung halimaw at baka masaktan si Amarine.
"Hoi halimaw! Yuhoooo!" sigaw ko kaya tinignan ako nung halimaw. Grabe... Hindi pala siya halimaw na kulay buhangin, gawa pala talaga siya sa buhangin.
"Sh*t... ZHINLI!" hindi ko nilingon sila Headmaster. Busy ako... mamaya ko na poproblemahin ang mahaba nilang sermon.
"Ako! Ako yung hinahanap mo kaya pwede ba pakawalan mo na yang kaibigan ko!" sigaw ko. Umungol naman yung halimaw tsaka inihagis si Amarine.
"Waaahhh... Amarine!" sigaw ko pagkahagis sa kanya nung halimaw. Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya babagsak ng makahinga ako ng maluwag kasi sinalo siya ni Gust na lumilipad.
"Amarine!" sigaw ko na lalapit na sa kanya nang binuhat ako nung halimaw.
"Ahhh... Oyy ibaba mo ko!" sigaw ko na sinisipasipa yung paa ko sa ere.
Anong gagawin ko?
"Tsss... Ang tigas ng ulo mo Zhinli!" rinig kong sigaw ni Headmaster Arianne tsaka naglabas ng espada na gawa sa apoy.
Apoy?
Di ba time wizard si Headmaster Arianne?
Ayyy di bale na nga.
Nakita ko namang naglabas din ng kanya kanyang sandata sina Headmaster Cai at lahat ng member ng Hunters.
Naku... naku...
"Ibaba mo ko Monster ka!" sigaw ko dito sa halimaw na hawak hawak ako sa may bewang ko. Ang laki naman niya...
"Palibutan natin!" rinig kong sigaw ni Ace. Agad naman silang nagsikilos. Nasa may paanan sina Ace, Yara, Headmaster Cai, Asher at Adira tapos sina Headmaster Arianne, Zaid, Gust at Fern nakapalibot sa halimaw habang lumilipad.
"Waahhh... Hindi ako masarap kainin! Ibaba mo na ko!" sigaw ko dun sa halimaw. Parang wala naman siyang narinig na pilit hinuhuli sila Zaid na lumilipad sa paligid namin.
"Baka mahuli kayo!" sabi ko tsaka pilit kumakawala. Ang higpit naman humawak ng mamaw na to.
Medyo natinag yung halimaw nung naglabas ng apoy si Zaid at pinatama sa kamay nitong halimaw. Malakas na hangin naman na parang blades yung itinira ni Gust tapos sabay ng pagtali ni Fern at Yara sa halimaw gamit yung mga halaman ni Fern at tubig ni Yara na ginawang yelo ni Ace kaya lang nakagalaw pa din yung upper body nitong monster.
"Yara balutan mo ng tubig yung buong paa nitong pangit na halimaw. Gagawin kong Yelo." sabi ni Ace tsaka naman tumango si Yara at ginamit yung tubig sa fountain sa labas para mabalutan ng tubig yung dalawang paa nung halimaw. Ginawa nga yung yelo ni Ace kaya di na makagalaw yung lower body nung halimaw. Si Fern naman yung nagbalot ng bato sa katawan ng halimaw habang tinutulungan siya ni Gust. Grabe... ang gagaling nila.
Nakita ko namang handa na kong kunin ni Asher, pumuwesto si Adira, Headmaater Cai, Headmaster Arianne at Zaid para ata sa final attack.
Pinuntirya nila yung tyan ng halimaw kaya napadaing ito sa sakit.
Mabibitawan na ko ng halimaw nung bigla kaming nakuryente. Kami as in ako at yung halimaw.
"kyaaaa..." daing ko kasabay ng pagyanig ng buong harang sa Academy. Pilit kong pinakalma yung sarili ko hangang sa unti unting manlabo yung paligid ko.
"Zhinli!"