Chapter 16: First day as a Hunter

1618 Words
Azalea Zhinli Centana's POV "Zhinli gising na..." sabi ng yumuyugyog sa akin. "30 minutes pa." sabi ko tsaka bumaling sa kanan ko at nagtalukbong. Ang aga naman ako gisingin ni Derah eh. "Pfffttt... Zhinli malelate na tayo."napabangon ako ng narealize kong hindi si Derah yung gumigising sa akin. Kinusot kusot ko pa yung mata ko tsaka ko tinignan sina Fern at Yara na nakaupo sa kama ko. "Wahhh Hunter na nga pala ako." sabi ko kaya natawa silang dalawa. "Hahaha... hanep kadin tumawad ng tulog. Tara na sabay sabay tayong papasok kaya kanina ka pa namin inaantay sa may sala. " sabi ni Fern kaya nanlaki ang bagong gising kong mata. Bumangon agad ako tsaka kumuha ng uniform at nagderederetsyo sa banyo. "Kyaaaa... Ang lamig!" sabi ko nung nagbuhos agad ako ng tubig. Narinig ko pa yung malakas na tawa ni Fern at yung mahinhing tawa ni Yara. Bakit naman sobrang lamig ng tubig? Ah tama na ang drama Zhinli. Malelate ka na. Inaantay pa naman ako ng ibang Hunters sa baba. Nakakahiya... Mabilis lang akong naligo at nag-ayos tapos bumaba na kami ng kwarto ko. Nakayuko pa nga ako kasi tawa ng tawa sila Fern eh. "Bakit ang tagal niyo ata? " tanong ni Gust na hindi naman mukhang galit. "Mahirap palang gisingin si Zhinli..." natatawang sabi ni Fern. "Tara na nga. Tsss..." sabi ni Adara kaya napayuko na lang ako. Nakakahiya pinag-antay ko sila. "Sorry pala kung pinag-antay ko kayo." nahihiyang sabi ko. Tinapiktapik naman ni Gust yung balikat ko tsaka ngumiti. "Ok lang." sabi niya kaya nginitian ko siya. Naglalakad lang kami ng may mga batang tumatakbo palapit sa amin. "Hunters' day!" sabi ni Ace kaya napatango ako. Thursday nga pala ngayon. Nung nakalapit yung mga bata kanya kanya sila ng lapit sa amin este sa kanila lang. Walang lumapit sa akin kaya napasimangot ako habang nakatingin sa kanila. Bakit di nika ako nilalapitan? Si Asher nga nilapitan nila eh bago din naman siya... Eh pero dati siyang Hunter. Nakabusangot lang ako kasi walang cute na bata na lumapit sa akin ng may naramdaman akong nanghahatak sa laylayan ng uniform ko. Tinignan ko agad yun kasi baka mahubaran niya ko kakahatak. "Ba-bata Maldita!" gulat na sabi ko kaya napasimangot siya tsaka parang matandang nagpamewang sa harap ko. Ang cute cute niya talaga kahit maldita siya. Parang si Adara lang, ang ganda ganda kahit masungit. Pati si Adira... Hihihi... magkatunog pala yung pangalan nila :) "Anong tinawag mo sa akin st*pid?!" tanong ni Bata Maldita kaya napaatras ako. Hala... Yung S word. "Waahhh... Shhh... Wag mong sasabihin yung "S word". Bad yun!" sabi ko na umupo sa level niya. Ang liit niya kasi eh. "At bakit naman naging bad yun eh nagsasabi lang ako ng totoo." sabi niya kaya nanlaki talaga yung mata ko. Naku itong batang to... "Bad yun. Basta bad yun..." sabi ko. Inirapan naman niya ko kaya napasinghap ako. Lumalala yung pagiging maldita niya. "Tsss... Bakit di mo na lang ako yakapin? Pssshhh... D*mn alam mo bang binalaan ko pa yung ibang uhuging bata na wag kang lapitan? Ako lang ang baby mo at ikaw lang ang stupid kong mommy kaya dapat nung kinalabit kita, niyakap mo ko agad. Sh*t... ang slow mo!" sabi niya habang naiiyak. Hala... Anong... anong gagawin ko? "Kada Hunters Day ikaw palagi yung hinahanap ko pero di kita makita. Ang bad mo kinalimutan mo na ko..." sabi niya na umiiyak na talaga. "Ahhh... Hihihi..." tawa ko kaya sinamaan niya ko ng tingin. "Bakit mo ko tinatawanan?" sigaw niya sa akin. Hihihi... Kinikilig kasi ako eh. Bwahahaha... namiss niya ko. Namiss ako ng pinakamalditang bata sa Clandestine Academy. "Relax lang Bata Maldita. Hihihi... Namiss mo pala ako." sabi ko kaya medyo namula siya. Hindi ko naman na napigilan at nakurot ko na ang nalalambot niyang pisngi. "Ang cute cute mo talaga Baby." sabi ko kaya napatigil ako kasi natulala siya. Bakit? Sobrang sakit ba ng kurot ko? "Wahhh sorry masakit ba? Naku so..." hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi niyakap na ko ni Bata Maldita. "Mommy pa piggy back ride." sabi niya sa akin habang nakayakap. Tumango naman ako tsaka kumalas sa yakap niya. Pumuwesto siya sa likod ko. Nung alam kong ok na siya, dahan dahan ako tumayo tsaka dumeretsyo ng tingin ng mapansin kong lahat pala sila nakatunganga na sa amin ni Bata Maldita. Anong meron? "Nice napaamo mo si Lily." sabi ni Ace tsaka hinawakan yung mga kamay ng mga bata at nagsimulang maglakad. Nagsilakad na din kami habang nag-uusap. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko tsaka medyo tumalon para maayos yung pwesto ni Bata Maldita sa likod ko na natutulog na. Medyo nakikiliti nga ako kasi nararamdaman ko yung paghinga niya sa leeg ko. Tinitiis ko na lang kasi kawawa naman baka magising ko. Baka murahin niya ko... O kaya tawagin niya ko ulit gamit yung "S word". "Sa field. Doon kasi talaga ang lugar kung saan kami nakikipaglaro sa mga bata." sabi ni Yara kaya napatango ako. Oo nga noh doon ko din sila nakita dati. Nakalabas na kami ng Hunters' Building ng pumunta sa harap ko si Zaid. Napabaling pa sa kanan yung ulo ko sa pagtataka. "Bakit?" tanong ko. Tinignan naman niya si Lily na mahimbing na natutulog sa likod ko. "Give her to me." sabi niya kaya tinignan ko lang siya. Bakit naman niya kukunin si Lily sa akin? "Tsss... Just give her to me." sabi niya kaya tumango ako at dahan dahang binigay sa kanya si Bata Maldita. Pagkabigay na pagkabigay ko kay Bata Maldita, tsaka ko naramdaman yung sakit ng likod ko. "Awww... " sabi ko tsaka nag-unat. Tumatanda na ko... "Hahaha... Kanina mo pa kasi siya karga karga." sabi ni Fern na may hawak na mga bata. Tinignan ko naman si Zaid na buhat buhat si Bata Maldita habang sumusunod sa kanya yung ibang bata. Wow... Mabait pala siya sa bata. Napangiti na lang din ako tsaka sumunod sa kanila. Pagkadating namin sa field, napuno agad ng bulung bulungan kasi nga kasama na ko sa Hunters. Nahihiya tuloy akong yumuko kasi ang dami na nilang sinasabi. Hinanap ko naman sina Amarine pero wala sila sa kumpol ng mga estudyante. "Come here Zhinli." tawag sa akin ni Zaid kaya lumapit ako. "Sit there." sabi niya tsaka tinuro yung malaking puno kaya umupo naman ako. Umupo naman siya tsaka hiniga sa lily sa may lap ko. Anlapit pa niya sa akin kaya malakas na chismisan yung narinig ko. "Oh my... Bakit ba siya kasama ng Hunters?" "Geezzz... Girl sabihin mong hindi to totoo. Sabihin mo." "Nilapitan siya ni Prince Zaid!" "Napakalandi naman niyan at nilalandi pa si Prince Zaid." "Sinabi mo pa!" Napayuko na lang ako sa mga naririnig ko tsaka hinaplos haplos yung ulo ni Bata Maldita na mahimbing na natutulog. "Don't mind them." napatingin naman ako kay Asher na umupo sa tabi ko. "Ayaw ata nila sa akin." sabi ko na mahina lang naman. Hihihi... Baka pagsasabunutan nila ako pagnarinig nila. Ayaw kong makalbo... "Hahaha... Isa to sa dahilan kung bakit ako umalis sa Hunters dati. Bantay sarado ka sa mga mata ng mga tao sa paligid mo." sabi niya tsaka tumayo. "Pero ok lang yan. Masasanay ka din." sabi niya tsaka kumaway patalikod at nakipaglaro sa mga bata. Pinapanood ko lang sila habang nakikipaglaro sa mga bata. Nakikipagtakbuhan sina Ace at Gust sa mga bata samantalang nagkukwento si Yara. Nakisali na din sa takbuhan sina Fern at Asher tapos si Adara nakikipagtawanan sa mga bata. Si Zaid naman busy sa pagpapatahan sa isang bata na nadapa. Nakakatuwa naman silang panuorin. ... "Mommy... mommy... Oi Stupid Mommy!" Dahan dahan ko naman minulat yung mata ko tsaka ko nakita si Lily na hinahatak yung pisngi ko. Hinawakan ko agad yung kamay niya. "Wahhh mashakit." sabi ko kaya natatawa siyang bumaba sa pagkakaupo sa mga hita ko. "Antukin ka pala Zhinli. Uwian na ng mga bata." sabi ni Ace na natatawa. Tinignan ko namn yung paligid, wala ng tao tapos bihis na yung mga bata. "Ah Oo. Hihihi... pasensya na. Nakatulog pala ako." sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nakatulog ako... "Lets go." sabi ni Zaid kaya tumayo na ko at sumunod. Hawak hawak pa ni Bata maldita yung kamay ko ng may maalala ako kaya patalikod akong umupo sa harap niya. "Sakay na." sabi ko kay Bata Maldita. "Hmmpp... Wag na. Baka sumakit na naman yung likod mo." sabi niya kaya natatawa ko siyang tinignan. Namumula kasi siya pagnahihiya siya at nahihiya siya kapag nagiging sweet siya sa akin. Hahaha... "Hahaha... Ano ka ba? Kaya ni Mommy ok? Sakay na. Nagpromise ako." sabi ko tsaka siya sumakay sa likod ko. Tumayo naman ako at humabol sa kanila. "Ibang klase gustong gusto ka ni Lily." sabi ni Fern. "Oo nga. May Mommy na si Lily." sabi ni Ace na natatawa. "Bakit may Daddy na ba siya?" tanong ko. Ang alam ko kasi parehas na wala na ang mga magulang ni Lily, parehas kami. "Ah. Oo si Zaid." sabi ni Gust kaya napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa akin. "Namumula ka mommy." bulong sa akin ni Lily kaya napayuko ako. "Ta-tara na?" tanong ko tsaka kami naglakad. Nagkukwentuhan sila ng mapahinto na naman ako. Ewan pero para akong kinikilabutan na ewan. "Ok ka lang ba mommy? Nanlalamig ka." malakas na sabi ni Bata Maldita kaya hindi lang ako ang napatingin sa kanya, lahat sila napatingin sa amin. Tinignan ko naman yung madilim na part ng Hunters Building tsaka nginitian si Lily. "Huh? Ah oo. Hihihi... Tara na?" sabi ko tsaka ako lumakad. Nagsilakad naman na sila kahit alam kong nakatingin pa din sila sa akin. Ehhh... Baka nga may multo dito. Bakit ganun? May sumusunod ba sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD