Azalea Zhinli Centana's POV
"Bakit niyo pa siya ililipat?" tanong ni Adara na medyo napapataas na ang boses.
Nasa opisina ako ngayon ni Headmaster Arianne kasama sina Headmaster Cai at Headmaster Rico. Kumpleto din ang Hunters, nandito nga din si Asher eh.
"Adara, Nakita ng Mana Blocker ang itsura ni Zhinli kaya kailangan natin siyang bantayan." Sabi ni Headmaster Rico na gumagawa lang naman ng dahilan. Masamang nakatingin sa akin si Adara kaya napayuko na lang ako. Waaahhh... Ang ganda ganda pa naman niya tapos na bi-beastmode siya. Tsaka baka mamaya bigla akong tamaan ng kidlat.
"Then find someone to look for her. Hindi na siya kailangan pang sumali sa grupo namin." sabi ni Adara. Ayaw ba niya sa akin? Cute naman ako ah.
Napaangat lang ako ng tingin ng seryosong nagsalita si Headmaster Arianne.
"Let me remind you that I'm your Headmaster, Prinsesa Adara. Learn to respect." Napalunok ako sa tono ni Headmaster Arianne. Nanahimik naman si Adara tsaka ako inirapan.
"Fine." sabi niya tsaka lumabas.
Nakatingin lang ako sa pinto na padabog na sinara ni Adara.
"Headmaster, sa Seekers na lang po ako." sabi ko na nag-aalangan. Tinignan nila akong lahat kaya nahihiya akong yumuko. Waaahhh... Bakit nila ko pinagtitinginan? Mali ba yung nasabi ko? Sa Seekers na lang ako kasi nandun naman sila Amarine, tsaka ayoko ng gulo.
"Bakit ka naman mananatili sa Seekers? Eh dapat lang na kasama ka sa Hunters." Nilingon ko agad si Yara na nakangiti sa akin.
"Anong ibig mong sabihin sa dapat lang?" tanong ni Gust.
"Dapat lang kasi... baka mapahamak lang siya kung dun siya sa Seekers." sabi ni Yara na nakangiti pa din sa akin.
"Then, It's final. Sa Hunters ka na Zhinli." sabi ni Headmaster Cai.
"Yun. Ako din sa Hunters na!" sabi ni Asher kaya nilingon ko siya ng nagtataka? Eh?
"Yun oh! Sa wakas Asher nagising ka din sa katotohanan. Trip na trip mo tumakas sa obligasyon nating mga Hunters eh!" sabi ni Ace na umakbay kay Asher.
"Ano namang nagpabago sa isip mo at gusto mo ng bumalik sa pagiging Hunter?" tanong ni Fern. Dati bang Hunter si Asher?
"Wala trip ko na ulit. Ano welcome pa ba ako ulit?" tanong ni Asher. Napabuntong hininga naman si Headmaster Arianne tsaka hinilot yung sentido niya.
"Manang mana sayo yang kapatid mo Cai! Sakit sa ulo." sabi ni Headmaster Arianne kaya napatawa si Headmaster Cai.
"It runs on our blood Arianne." sabi ni Headmaster Cai.
"Sinong magkapatid?" tanong ko kaya inakbayan ako ni Headmaster Cai at Asher sa makabilang balikat.
Waaahhh... ang bibiigat ng braso nila >_<
"Kami." sabay na sabi nilang dalawa. Magkapatid sila?
Papalit palit yung tingin ko sa kanilang dalawa habang kumukurap kurap.
"Wahhh... Bakit hindi ko alam?" tanong ko. Hindi kaya nasabi na sa akin yun ni Amarine?
"Masyado ka kasing inosente." sabi ni Headmaster Rico na natatawa.
"Oo na awat na... Magsilayas na kayo sa opisina ko. At ikaw Zhinli, Ayusin mo na ang gamit mo. Lilipat ka na ngayon mismo sa Hunters Dorm." sabi ni Headmaster Arianne.
"Sasamahan ko na siyang mag-ayos ng gamit niya." sabi ni Yara kaya halos kuminang yung mata ko. Hihihi... Ang bait bait talaga ni Yara.
"Sama na ko." sabi ni Fern tsaka ako inakbayan.
"Sama din ako!" sabi ni Ace kaya lang siniko siya ni Fern.
"No pets allowed. Girls bonding to." sabi ni Fern.
"Bakit babae ka ba?" pang-aasar ni Ace. Sasabat sana si Fern ng nagsalita ulit si Headmaster Arianne.
"Lumayas na kayo." sabi ni Headmaster Arianne kaya nagsilabasan agad kami. Naglalakad ako sa Hallway kasama ang buong Hunters maliban kay Adara. Hunters na pala ako tsaka si Asher kaya dapat ata ang sabihin ko, naglalakad kaming Hunters dito sa Hallway maliban kay Adara. Hihihi... tama di ba?
Nagkukuwentuhan sila ng napahinto kami kasi bigla akong tumakbo palapit kay Zinco.
"Waahhh... Zinco. Ang cute cute cute mo talaga!" sabi ko habang nakaupo at yumakap sa kanya. Nakita ko kasi siyang naglalakad palapit sa amin kaya sinalubong ko na siya. Kiniskis naman niya yung mabalahibo niyang ulo sa pisngi ko.
"Hihihi... nakikiliti ako. Teka san ka pupunta?" tanong ko ng bigla siyang umalis, sinundan ko naman siya ng tingin hangang sa lumapit siya kay Zaid. Ay Oo nga pala amo niya nga pala si Zaidsungit. Shhh... wag niyong sasabihing tinawag ko siyang masungit ah. Baka masunog ng tuluyan yung buhok ko.
"Naks gustong gusto ka talaga ni Zinco." sabi ni Gust pagkalapit ko sa kanila.
"Cute daw kasi ako." sabi ko tsaka ngumiti ng malapad.
"Tsss... " tinignan ko si Zaid na nakatingin kay Zinco. Lumapit agad ako kay Yara at bumulong.
"Anong nangyayari kay Zaid bakit siya nagsasalita mag-isa?" bulong ko. Mahinhin namang tumawa si Yara.
"Hahaha... Kinakausap niya kasi si Zinco." sabi niya kaya nanlaki yung mata ko. Hala ka....
"Nakakausap ni Zaid si Zinco?" napatakip agad ako ng bibig ko dahil sa napalakas yung sabi ko.
Ano ba naman Zhinli...
Naman kasi eh pano kung sinabi ni Zinco na ako ang nagpagaling sa kanya? Paano? Sabihin niyo? Waaahhh...
"Sa itsura mo parang may alam si Zinco na di namin dapat malaman." sabi ni Asher kaya umilimg agad ako.
"Huh? Wa-wala ah... Ano kasi sinubukan kong kausapin si Zinco kaya lang di naman siya sumasagot kaya nagulat lang ako at nakakausap siya ni Zaid. Yun lang yun. Hehehe... Tama yun lang." sabi ko pa para mukhang kapanipaniwala. Tinignan ko naman si Zaid na nakatitig sa akin. Wahhh... Sana walang sinabi si Zinco.
"Ah tara na sa dorm mo Zhinli?" tumango ako agad kay Yara at kumapit sa braso niya. Guardian Angel ko talaga si Yara. Hihihi...
"Ah Oo tama sige. Kailangan ko pang mag-ayos ng gamit." sabi ko tsaka hahakbang na sana ng may maramdaman na naman akong weird. Mabilis akong lumingon sa may bintana kaya lang wala namang tao.
Wahhh... hindi kaya may mumu dito?
"Ahh... Zhinli? Tara na ui!" nilingon ko naman si Fern tsaka naglakad pasunod sa kanila. Naiwan na yung mga lalake habang kami nagderederetsyo ng Dorm ko.
"Pasok kayo." sabi ko tsaka pinauna silang pumasok.
"Wow. Wala kang karoomate? Tsaka anlaki ng kwarto mo ah." sabi ni Fern tsaka umupo sa sofa.
Naku... Buti pala wala dito si Derah. Muntik ko na siyang makalimutan.
"Hehehe... " yun na lang ang nasabi ko. Kinuha ko agad yung malaking bag na ginamit ko nung unang punta ko dito tsaka pinaglalagay yung gamit ko. Bara bara na nga lang eh. Hahahaha...
"Bakit wala kang picture dito? Ng pamilya mo?" tanong Yara kaya napahinto ako sa ginagawa ko.
"Ah eh... Hindi ko kasi kilala ang pamilya ko eh. Ang sabi lang ng mga nagpalaki sa akin patay na daw silang lahat." sabi ko tsaka ulit kumuha ng gamit ko sa kabinet.
"Sorry for asking." sabi ni Yara kaya nginitian ko siya. Ok lang naman kasi sa akin, hindi naman ganun kasakit na wala akong pamilya kasi nandiyan naman si Derah at ang mga headmaster para sa akin. Tsaka di ko na iniisip...
"Hmmm... pwede ko bang malaman kung saang kingdom ka galing?" tanong ulit ni Yara kaya napalingon ako ulit sa kanya.
"Hindi ko alam. Pinalaki ako ng mga kumopkop sa akin sa gubat eh. Tapos ayun lagi lang akong nasa bahay kaya di ko alam kung saan." sabi ko tsaka ngumiti. Siniksik ko yung mga gamit ko tsaka pilit sinara yung bag. Hihihi... Grabe siksik na siksik.
"Ano to?" tanong ni Fern habang hawak hawak yung sketch pad ko. Nandiyan yung Zhinli's goal ko bago ko matapos ang 99 days of freedom ko.
"Ah oo nga pala. Wala dinodrawingan ko lang yan ng kung anu-ano. " sabi ko tsaka kinuha sa kanya yun. Ready to go na kami ng maalala kong di pa ko nakakapag-paalam kina Amarine. Siguro bukas ko na lang sasabihin kasi may klase pa sila.
Mamimiss ko sila pero pwede pa naman kaming magkitakita di ba?
Kinuha ko naman yung gamit ko na mabigat pala tsaka kami naglakad palabas ng dorm ko. Mamimiss ko tong kwartong to.
"Tara na. " sabi ni Yara na nakangiti sa akin. Wala ng atrasan to... Hunters na talaga ako.