Chapter 14: Her Identity

1090 Words
Azalea Zhinli Centana's POV's "Azalea!" napalunok ako sa tono ng pagtawag sa akin ni Headmaster Arianne. Nandito ako ngayon sa opisina ni Headmaster Arianne, pinatawag niya ko kanina kay Derah. Kanina pa din niya ko tinatanong kung ako nga yung nagpagaling kay Speed, yung taga seeker na naubusan ng mana. "Uulitin ko Azalea, ikaw ba ang nagpagaling kay Speed?" seryosong tanong sa akin ni Headmaster Arianne kaya napatango na lang ako. "Azalea... hindi mo dapat ginawa yun." sabi niya na minasahe yung sintido niya. "Pero bakit? Kaya ko naman siyang tulungan tsaka headmaster, hindi naman po niya ko nakita." sabi ko kay Headmaster Arianne. "Azalea, wag mo ng uulitin to kung ayaw mong ibalik ka namin sa silid mo." sabi ni headmaster Arianne kaya napatulala ako. Bakit naman ganun? Ano bang masama sa ginawa kong pagtulong? "Azalea, Naiintindihan kong gusto mo lang makatulong pero hindi ka nakakatulong sa ginagawa mo. Hayyy... sige na bumalik ka nasa klase mo. Inuulit ko, wag mo ng uulitin yun." sabi ni Headmaster kaya tumayo na lang ako tsaka naglakad palabas. Nakasimangot ako habang naglalakad kasi hindi ko talaga sila maintindihan. "Haisssttt Zhinli okay lang yan!!!" sabi ko sa sarili ko. Oo tama. Okay lang at least nakatulong ako. Tama tama... "Zhinli?" napalingon naman ako sa likod ko. "Hi Yara!" sabi ko tsaka siya hinintay na makalapit sa akin. "Anong ginagawa mo dito sa Hunters?" Tanong niya. "Huh? Ah wala... Naligaw lang ako. Hehehe... " sabi ko habang napapakamot na lang sa batok. "Nakakatawa ka talaga. Hmmm... tara lalabas ako, sabay ka na?" tanong niya kaya napatango na lang ako at sumabay sa kanya. Bakit kaya ang bilis niyang maniwala? "Yara, hindi mo ba itatanong kung nagsasabi ako ng totoo na naligaw lang ako?" natanong ko na lang bigla. Napakababaw kasi ng palusot ko pero naniwala agad siya. "Hah? Ah hindi na. Halata namang hindi ka nagsasabi ng totoo, hindi ka magaling magsinungaling Zhinli." sabi niya habang naglalakad kaya napahinto ako. "Sorry." sabi ko habang nakayuko. "Ano ka ba? Ok lang. Baka siguro mas makakabuti kung di mo na nga lang sasabihin sa akin." sabi niya. Nagsimula naman na kong humabol sa kanya. Hihihi... Ang bait bait talaga ni Yara. "Alam mo Yara sobrang bait mo." sabi ko tsaka hinawakan yung kamay niya. HHWW kami kasi mahal ko siya. Ganun naman kapag magkakaibigan, mahal ang isa't isa. Di ba? "Hahaha... Talaga?" sabi niya kaya napatango ako. "Oo. Hihihihi... Kung magkakaroon ako ng ate gusto ko kagaya mo." sabi ko habang nakangiti sa kanya. May sasabihin sana siya ng lumapit na isang estudyante. Base sa uniform niya, protectors to. "Prinsesa Yara kailangan po kayo sa Protectors. May nakita na naman pong mga estudyanteng kinuhanan ng Mana." sabi nung lalake kaya tinignan ako ni Yara tsaka bumitaw sa akin. Tumakbo siya agad papunta dun sa sinasabi ng lalake kaya tumakbo din ako pasunod. Hinihingal na kong nakarating sa building ng Protectors kasi ang layo talaga. Papasok na sana ako sa building ng may nakita akong babaeng naka itim na hood. "Teka!" tawag ko sa kanya tsaka siya sinundan. Papunta siya sa may likod ng building kaya sumunod ako. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang may magnet na humahatak sa akin para sundan siya. Binilisan ko yung takbo ko hangang sa naabutan ko siya sa likod ng Protectors building. "I-ikaw ba... yung... ku... kumukuha ng ma...mana?" tanong ko na hinihingal. Grabe samantalang siya mukhang balewala lang. Kung sa bagay galing pa kong Hunters Building. "Long time no see." sabi niya kaya napakunot yung noo ko. Long time no see? Kakilala ko ba to? "Anong long time no see? Sino ka?" tanong ko sa kanya. Pinipilit ko pang aninagin siya kaya lang masyadong mahaba yung hood niya na nakatakip sa mukha niya tsaka nakayuko pa siya. "Ask them Azalea. Ask them who am I." sabi niya tsaka humangin ng malakas at nawala siya. Hindi ko alam pero bigla na lang ako nanghina nung umalis siya. Nagsimulang umikot yung paningin ko tsaka unti unting dumilim. Ano bang nangyayari? Yara Serafin Mondel's POV "Ayos na ba siya?" tanong ni Fern sa akin. "Siguro. Wala naman siyang galos o pasa." sabi ko na nakatingin kay Zhinli. Nandito kami ngayon sa Hunters' Clinic. Inaantay naming magising si Zhinli. Ang sabi kasi ni Zaid, nakita niya daw si Zhinli na walang malay sa likod ng protectors building. "Bakit ba dito natin siya pinatuloy sa Hunters?" tanong ni Adara kaya napalingon sa kanya si Fern, mukhang magsasagutan na naman sila kaya laking pasalamat ko ng pumasok sina Headmaster Arianne, Cai at Rico. "How is she?" Deretsyong tanong ni Headmaster Cai tsaka lumapit kay Zhinli. "She's fine headmaster." sabi ko kaya mukha naman siyang nakahinga ng maluwag. "Nagigising na siya." sabi naman ni Gust kaya napalingon kami kay Zhinli. Unti unti niyang binuksan yung mata niya tsaka bigla siyang bumangon. "Sino siya?" tanong niya pagkabangon na pagkabagon niya kaya kumunot ang noo ko. "Sinong siya?" tanong ko. Nilingon naman niya sila Headmaster tsaka siya nagsalita. "Yung kumuha ng Mana ng mga estudyante. Nakita ko siya... ang sabi niya itanong ko sa inyo kung sino siya. Kilala niya ko headmaster." sabi niya. Nakita niya yung Mana Absorber? "Lumabas muna kayong lahat at asikasuhin niyo yung mga nawalan ng mana. Kami ng bahala dito." sabi ni Headmaster Rico kaya walang angal na kaming lumabas. Wala din naman kaming karapatang umangal kila headmaster. Alam kong may kakaiba kaya pagkalabas na pagkalabas ko ng Hunters' Clinic ay nagpaalam agad akong pupunta ng kwarto ko. Nagtanong tanong pa sina Fern bago ako tuluyang nakaalis. Pagkasarado ko ng pinto ng kwarto ko dumeretsyo agad ako sa C.R. tsaka tinignan yung tubig na nasa bathtub ko. "Ipakita mo sa akin kung anong nangyayari sa Hunters' Clinic." sabi ko tsaka agad nagliwanag yung tubig. Isa to sa mga kakayahan ko, hindi ko man sila gustong pakialaman. Pakiramdam ko kailangan ko ng makialam. "Ayos ka na ba?" Tanong ni Headmaster Cai kay Zhinli. "Headmaster, ang tanong ko ang sagutin niyo. Sino yung mana absorber? Bakit kilala niya ko." sabi ni Zhinli na halatang naguguluhan. "Baka narinig niyang may tumawag sa iyong Zhinli." sabi ni headmaster Cai, agad namang umiling si Zhinli. "Hindi headmaster Cai, Alam niyang ako si Azalea." Natulala ako sa sinabi ni Zhinli. Siya si Prinsesa Azalea? Ibig sabihin totoong buhay siya? "Magpahinga ka na lang muna Zhinli." sabi ni Headmaster Rico tsaka pinudpudan ng Sleeping dust si Zhinli. Wala pang isang minuto ng nakatulog si Zhinli. Nagkatinginan pa sila Headmaster bago nagsalita si Headmaster Cai. "Kailangan na natin siyang ilipat sa Hunters."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD