Azalea Zhinli Centana's POV
"Oh my gosh... ano ka ba? Ayaw. masyadong mamantika yan." sabi ni Arin na umiirap pa kay Amarine. Hihihi... Ang cute nila tignan, kanina pa kasi gustong ipakain ni Amarine yung luto niya kay Arin kaya lang ayaw ni Arin kasi mamantika daw. Tataba daw siya.
Amg sexy sexy naman ni Arin bakit tinitipid niya yung sarili niya sa pagkain?
"Tignan mo yang dalawa, parang wala tayo dito." bulong sa akin ni Arthur kaya natatawa ko siyang tinignan.
"Ok lang yan. At least happy sila." sabi ko tsaka sumubo ng cake na binake ni Amarine.
"Grabe Amarine ang sarap sarap mo magluto. " sabi ko tsaka kumuha nung inaalok niya kay Arin.
"Dahan dahan nga sa kain Zhinli baka tumaba ka!" sita sa akin ni Adira.
"Cute pa din naman ako pagtumaba ako eh. Di ba Arthur?" sabi ko tsaka nilingon si Arthur.
"Huh? Ah O-oo naman." sabi niya na parang napipilitan lang.
"Napipilitan ka ata eh?" sabi ko na nakanguso. Cute pa din naman talaga ako kahit mataba ako eh!
"Hindi ah. Nagulat lang ako at bigla bigla kang nagtatanong. Kumakain ako eh." sabi niya kaya napatawa na lang ako.
Susubo na sana ulit ako ng cake ng may sumigaw sa may tapat ng Seekers Building, nandito kasi kami sa field tapat lang ng building namin.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Amarine. Tumayo agad si Arthur kaya nagsitayuan na kami. Isa isa silang tumakbo papunta dun sa may nagkakagulo...
Kumuha pa ko ng isang manok bago tumakbo palayo sa mga pagkain namin.
Sayang ang dami pa namang hinanda ni Amarine.
"Oh my..." bulong ni Arin pagkadating na pagkadating namin sa tapat ng pinagkakaguluhan ng mga studyante.
Kahit ako natulala sa nakikita ko.
Nagulat naman ako ng bigla kaming hinatak ni Arthur patalikod sa lalake. Sinubsob niya kami ni Amarine sa kanya tapos si Adira nagtatago sa may likod niya.
"Wag niyo ng tignan." sabi niya kaya nagsitanguan na lang kaming tatlo nina Amarine at Arin.
"Buhay pa siya." sabi nung isang studyante, nagsilingunan naman kami ng dumating sila Headmaster Arianne.
"Magsibalik kayo sa mga silid niyo!" sigaw ni Headmaster Rico kaya isa isang nagsialisan yung mga studyante.
"Tara na..." sabi ni Arthur tsaka kami hinatak pabalik sa kung saan kami kumakain.
"Nawalan na ko ng gana." sabi ni Amarine.
"Anong nangyari sa kanya? Mukha siyang matanda na kulubot na ewan." sabi ni Arin.
Oo nga. Bakit ganun?
Yung lalake kasi kanina... para siyang drain na drain.
Tapos ang lalim pa ng mga mata niya tsaka...
"Para siyang naubusan ng mana." napalingon kaming apat kay Asher na umupo sa pagitan namin ni Amarine.
"Ano namang ginagawa mo dito?" Maangas na tanong ni Amarine.
"Nakikiupo lang ako Shapeshifter." sabi ni Asher kay Amarine.
"Tsk... Tantanan mo nga ko sa kakatawag mo ng Shapeshifter! " sabi ni Amarine.
Naubusan ng Mana?
"Teka... Ano naman yung sinasabi mong naubusan ng mana?" tanong ni Arthur kaya napatingin ako kay Asher.
"Ah Oo. Yung lalake kanina, mukha siyang naubusan ng Mana." sabi niya.
Pano naman mangyayari yun?
"Pano..." magtatanong pa lang sana ako sa kanya ng nagsalita si Asher.
"Ikain niyo lang yan." sabi niya kaya kumain na lang kami ulit. Pinilit ko na lang kumain kasi nag-aalala talaga ako dun sa lalake.
Kung talagang naubusan siya ng Mana... Ok lang kaya kung bibigyan ko siya ng mana?
Babalik kaya siya sa dati?
"Tulala ka na Zhinli?" Tanong ni Amarine sa akin kaya lahat sila napatingin sa akin.
"Hihihi... nasira ata yung tyan ko kakakain. Aalis muna ko. Alam niyo na..." sabi ko tsaka mabilis na tumayo at naglakad palayo.
Saan kaya nila dinala yung lalake?
Nagpunta kong clinic kanina kaya lang ang sabi nung nurse wala daw doon yung lalake, baka daw dinala kay Yara kasi siya ang may pinakamalakas na healing power kaya pupunta akong Hunters' Building ngayon.
Dahan dahan pa kong naglalakad sa building nila kasi bawal ang hindi Hunters dito.
"Hindi ko talaga kaya Headmaster." napahinto ako sa tapat ng isang pinto ng marinig ko yung boses ni Yara. Nilingon lingon ko pa yung paligid ko at baka mamaya may pakalatkalat na kung sino, mayari pa ko.
"Ganun ba?" boses ni Headmaster Arianne yun.
"Mana ang nawala sa kanya headmaster, kaya siguro hindi siya magamot ni Yara." boses naman yun ni Ace.
Edi kaya ko siyang gamutin kagaya nung ginawa ko kay Zinco?
Medyo matagal pa silang nanahimik bago nagsalita di Headmaster Rico.
"Mabuti pa umalis na muna tayo, kailangan natin tong imbestigahan." sabi ni Headmaster Rico tsaka ko narinig yung mga hakbang nila.
Hala saan ako magtatago?
Halos masubsob na ko sa sulok sa taranta para lang magtago. Tinakpan ko pa yung bibig ko...
Nag-uusap pa sila habang naglalakad paalis. Ako naman dito nakasilip lang sa kanila...
Halos pigil hininga ko silang pinapanood sa paglalakad ng
napaatras ako dahil sa biglaang paglingon si Zaid sa pinagtataguan ko.
Nakita niya ba ko?
Lalo pa kong nagsumiksik dito hangang sa tuluyan na silang makalayo.
"Hooo... Ang kati naman dito." sabi ko tsaka tumayo at lumapit doon sa may pinto.
Dahan dahan pa kong pumasok. Pagkapasok ko yung lalake lang yung nandun, nakahiga siya habang mahinang humihinga.
"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya habang tinititigan siya. Mas maayos na siyang tignan ngayon kaysa kanina. Singuro kasi nagamot na ni Yara yung ibang sugat niya.
Kung tutuusin nakakatakot nga yung itsura niya. Halos maging gray na yung balat niya tsaka masyadong tuyo yung katawan niya. Isa pa, dilat na dilat yung mata niyang wala ng kulay.
Hinawakan ko naman yung kamay niya tsaka pumikit.
Inhale... exhale... inhale... exhale...
Hinayaan kong dumaloy yung mana sa kamay ko papunta sa kamay niya.
Ang init...
Halos limang minuto ko yung ginawa hangang sa unti unting bumalik sa dati yung kulay niya.
Halos dalawang minuto pa tsaka niya naipikit yung mata niya at minulat ito.
Tumalikod ako agad kasi baka makita niya yung itsura ko lagot ako kina headmaster.
ok naman na siya...
A-alis na ko.
Maglalakad na sana ako paalis ng hinawakan niya yung kamay ko.
"A-ano..." sabi ko.
Anong sasabihin ko?
"Si-sino ka?" sabi niya.
Sino ako?
"Azalea." sabi ko lang tsaka hinablot yung kamay ko sa kanya at derederetsyong naglakad.
Buti nakatalikod ako agad.
Sana maging maayos na siya.
Ace Iñigo Arsen POV
Hangang ngayon nakatulala pa din kami sa tapat ni Speed, yung lalakeng dinala dito kanina dahil naubusan ng Mana. Halos wala pang kalahating oras ng iniwan namin siya para pumunta sa library at naghanap ng sagot para sa kanya pero heto siya, parang walang nangyari.
"Seryoso... Anong nangyari sayo?" tanong ni Fern na mukhang nauubusan na ng pasensya. Kanina pa kasi namin siya tinatanong kaya lang masyadong patawa ang lalakeng to na wala ng ibang ginawa kundi matawa sa joke niyang siya lang naman ang natatawa. I don't even consider that as a joke.
"Hahaha... Ang highblood mo pala miss Fern. Hahaha... High blood. Dugo sa taas. hahahaha..."
See - -
"I do have this urge to burn you 'till death." sabi ni Zaid kaya nanahimik siya.
"Thank God." sabi ni Yara tsaka napabuntong hininga.
"Anong nangyari sayo?" seryosong tanong ni Adira. Medyo natatawa naman siyang humarap sa amin.
"Wala nga. Basta ang alam ko naglalakad ako papuntang Seekers' Building kasi I'm a seeker. hahaha... seeker ako!" tawa niya. Nanlaki pa yung mata naming lahat ng biglang umapoy yung kamay ni Zaid tsaka yun tinaas sa harap ni Speed.
"One more laugh and you'll talk with this." sabi niya na nilalaro pa yung apoy niya.
Tsk...
Hot tempered.
"Ah ano...yun nga naglalakad ako tapos may babaeng nakahood na lumapit sa akin. Hindi ko nakita yung itsura niya eh pero bigla niyang tinapat sa mukha ko yung palad niya tapos ayon, may malamig na parang ewan akong naramdaman tapos wala na kong maalala." sabi nung lalake.
Babaeng nakahood?
"She must be the Mana Absorber." Napalingon kaming anim kay Asher na kakapasok lang. Dapat kasali siya sa grupo namin bilang hunters kaya lang ayaw niya. Hindi din namin maintindihan ang takbo ng utak ng taong to.
"Nice. Wala akong mabasa sa mga isip niyo. Masyado kayong masekreto. " sabi niya tsaka natuloy tuloy ng pasok.
Simula nung naging kaibigan namin siya five years ago, pinag-aralan na namin kung pano isasara ang isip namin sa mga katulad niya lalo na't pati si Headmaster Arianne eh mind reader din.
"So nagpunta pala dito si Prinsesa Azalea." Napalingon kaming lahat kay Asher ng sinabi niya yun.
"Prinsesa Azalea?" Tanong ni Adira.
"Ah Oo. Nabasa ko lang sa isip niya na kalahati ata ng laman eh sablay na jokes." sabi ni Asher na tinuro si Speed.
"Too bad. Di mo man lang nakita ang itsura niya." sabi pa ni Asher.
"Ah Oo. Ang init ng kamay niya...
Basta ang alam ko paggising ko kanina hawak hawak niya yung kamay ko habang may maiinit na hangin ata na pumapasok sa kamay ko. Ewan mahirap ipaliwanag." sabi ni Speed.
Hindi... Ikaw ang mahirap kausap - -
"So nagpapakita na si Prinsesa Azalea?" Tanong ni Yara.
"Kailangan malaman to nila Headmaster." sabi ko tsaka umayos ng tayo.
"Sige. Maiiwan na ko dito para bantayan siya." sabi ni Yara na tinuro si Speed.
"Same here. Wala akong planong makausap ang kuya ko." sabi ni Asher tsaka umupo sa may bintana.
"Sasama ako." sabi ni Gust.
"Sasama na din ako. Baka ipalapa ko na sa bulkan tong Speed na to." sabi naman ni Fern kaya natatawa pa kaming tumango.
"I'm going somewhere." sabi ni Zaid tsaka naunang lumabas.
"Saan yung somewhere?" halos sabay namimg tanong ni Gust.