Chapter 12: No more bullies

1946 Words
Arthur Linha's POV Hindi pa din ako makapaniwalang pinakawalan na kami. Parang kagabi lang kausap pa namin si Prinsesa Azalea tapos kaninang umaga, pinakawalan agad kami. "Naiinis ako sa mga tingin nila." Sabi ni Arin na masama ang tingin sa mga studyante na nakatingin sa amin. Kahit ako naiinis din kaya lang... may pinangako kami. "Remember our promise Arin." Sabi ko kay Arin. Naglalakad kami ngayon papasok ng klase namin. Wala kaming panahon para magmukmok sa kwarto namin at isa pa malaki ang utang na loob namin kay prinsesa Azalea. "Yeah. Wala na kong pagtitripan. I know that!" Sabi niya na naglakad na lang ng mas mabilis kaya binilisan ko na lang yung lakad ko. "Awww..." Sabi ng kung sinong nakabanga sa akin. Tinignan ko naman siya. Zhinli. "Stupid! Ang lu..." Tumahimik si Arin ng marealize niyang hindi na nga pala kami dapat magsasalita ng masama sa kahit na kanino. "Sorry." Napangiti ako sa sinabi ni Arin. Ang tagal na simula nung huli kong marinig yun galing sa kanya. "Wahhh... Arin ikaw ba talaga yan? May sakit ka ba?" Tanong niya na inaabot yung noo ni Arin. Bukod kasi sa matangkad na tong pinsan ko, sobrang taas pa ng takong niya. "What? What are you saying?" Tanong ni Arin kay Zhinli na pilit inilalayo yung noo niya kay Zhinli. "Ang bait mo kasi? Hindi mo ko pinalutang tapos di mo ko inaway! Hala... Baka may taning na yung buhay mo. Sabihin mo!" Sabi niya kaya di ko mapigilang matawa. "Hahahaha..." D*mn... Bakit ngayon ko lang napansin na nakakatawa pala tong babaeng to? "Hala Arthur mamamatay ka na din? " tanong niya na medyo nanlalaki yung mata. "Hahaha... Hindi hindi. Masama bang magbago?" Tanong ko kaya napahinto siya at napatango. "Hmmm... Ayos! Nice no more bullies na..." Sabi niya kaya napatango na lang ako. "Zhinli!" Napatingin kaming tatlo kay Amarine na tumatakbo palapit sa amin. Nakabusangot siya at halata namang iniisip niya na kinakawawa namin yung kaibigan niya. Hindi ko naman siya masisisisi. Sino ba namang magtitiwala sa anak ng traydor? Si Prinsesa Azalea lang ata. "Bakit ka nandito? Ok ka lang?" Sabi niya kay Zhinli na hinahanap pa ata kung may pasa o sugat ito. "Tsk... Ano na namang ginawa niyo sa kaibigan ko!" Sabi ni Amarine habang nakapamewang sa harap namin ni Arin. Sa lahat ng studyante ng seekers, di Amarine lang ang naglalakas loob na kalabanin kami kahit palagi naman siyang talo. "Wala noh!" Sabi ni Arin tsaka umirap. At least hindi niya ginamitan ng Gravity Magic si Amarine. "Anong wala? Kayo pa ba?" Sabi ni Amarine na ready na atang umatake. Hanep... "Wala kaming ginawa Amarine." Sabi ko kaya lang hindi siya naniwala. "Hindi ako naniniwala! Siguro..." Hindi na natapos ni Amarine yung sasabihin niya ng nagsalita si Zhinli. "Shhhh... Amarine wala nga. Ok lang ako! Look!" Sabi ni Zhinli habang pinapakita yung mga braso niyang wala namang pasa o gasgas. "Kahit na. Hindi ka dapat lumalapit sa kanila..." Sabi ni Amarine. Ano pa nga bang aasahan? "Bakit naman wala naman silang nakakahawang sakit." Sabi ni Zhinli. "Zhinli masyado ka kasing inosente eh! Ano ka ba? Kung anong puno siyang bunga. Masama na sila nasa sinapupunan pa lang kaya hindi na yun magbabago." Sabi ni Amarine. Nakita ko namang napasinghap si Arin. Masakit... Masakit na hangang ngayon bitbit bitbit pa din namin ang kasalanan ng mga magulang namin. "Hindi bagay yung kasabihan na yun sa kanila Amarine. Dahil hindi puno ang mga tao, may isip at damdamin tayo hindi kagaya ng puno... kaya wag mo sanang sabihin kung anong puno eh siyang bunga." Sabi ni Zhinli. Nanahimik pa si Amarine ng unti bago siya sumagot. "Naniniwala kang nagbago na sila? Pero bakit?" Tanong ni Amarine. "Bakit naman hindi ako maniniwala sa kanila?" Tanong naman ni Zhinli kaya natulala ako habang nakatitig sa kanya. 'Bakit naman ako hindi maniniwala?' Halos parehas lang sila ng sinabi ni prinsesa Azalea. "Kasi..." Wala namang maidugtong si Amarine kasi paniguradong may isasagot ang kaibigan niya. "Tsk... Aalis na lang kami. Tara na Arthur." Sabi ni Arin tsaka ako hinatak palayo sa kanila. "Teka Arin! Arthur!" Sabay pa kaming napalingon ni Arin kay Zhinli na hatak hatak si Amarine. "Kumain na kayo? Kain muna tayo?" Sabi ni Zhinli. "Tayo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya tsaka isa isa kaming itinuro. "Oo. Ikaw, si Arin, si Amarine at ako! Kakain tayo! Dali dali habang wala pang klase." Excited na sabi niya tsaka hinawakan ang kanang kamay ko since yung kaliwa nakahawak kay Arin. Hawak hawak din niya si Amarine tsaka kami hinatak papuntang Cafeteria. Hindi ko din maintindihan,basta ang alam ko nagkukusang sumunod sa kanya yung mga paa ko. "Bakit sila magkakasama ng mga bullies?" Rinig ko pang bulungan nung mga nadadaanan naming studyante. "Lalalala... Wala akong naririnig!" Kanta niya kaya napabungisgis si Amarine. "Aist... Naku ikaw talaga. Shhh ... Nakakabulabog yung boses mo." Sabi ni Amarine tsaka kami tinignan. "Tara dalian niyo na." Sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Arin. Pagkadating namin sa cafeteria, pinaupo agad kami ni Zhinli sa may gitna. Ewan ko kung bakit sa gitna niya kami pinaupo. "Amarine diyan ka muna ah. Oorder lang ako!" Hyper na sabi ni Zhinli. Bakit kaya sobrang hyper ng babaeng to? "Sama na ko." Sabi ko. Nakakahiya mang isipin na nahihiya akong maiwang nakaupo dito samantalang siya ang pipila para sa amin pero totoo yun. Nahihiya nga ko. "Ah sige. Amarine wag mong aawayin si Arin huh?" Sabi niya kay Amarine kaya napatawa na naman ako. "Si Amarine talaga ang sinabihan mo?" Sabi ko sa kanya. "Oo kasi nagtitimpi si Arin eh. Pinapractice pa niyang maging relax kaya dapat wag siyang inisin." Sabi ni Zhinli "Oo na. Sige na gutom na ko" sabi ni Amarine. Nginitian ko naman si Arin tsaka siya tumango. "Osya tara na!" Malakas na sabi niya tsaka tinuro yung counter. Tinititigan ko ngayon yung kamay niyang hawak hawak yung kamay ko. Ano bang meron sa babaeng to? "Arthur ano bang bibilhin niyo ni Arin? Gusto niya kaya ng chocolates? Sexy naman na siya kaya di na niya kailangang magdiet di ba? Oh baka gusto niya ng... Oi nakikinig ka ba?" Tinignan ko naman siya. "Huh? Oo. Ano bang gusto mo? Libre ko na." Sabi ko kaya lalong lumapad yung ngiti niya. "Talaga? Gusto ko to, ito, ito... Tapos ito, tsaka ito na din tapos ito dalawa kasi gusto din ni Amarine to tsaka baka gusto din ni Arin... Hmmm... Ah eto pa oh! Tapos ito. Hihihi... Ayan ayan..." Sabi niya habang nakatitig sa mga pictures ng pagkain. "Oi bakit sa akin ka nakatingin? Naturo ko na yung gusto kong pagkain. Nakita mo ba?" Pffffttt... Ibang klase. "Sabihin mo na lang sa kanila." Sabi ko tsaka tinuro yung staff ng cafeteria namin. Umoo naman siya tsaka nilapitan yung server. Ilang minuto din kaming nag-antay bago inabot sa amin yung orders. Ang dami kasi eh... "Oh my... Patatabain niyo ba kami at bakit ang dami niyong inorder?" Tanong ni Arin. "Mukha ba kaming pakaining baboy?" Tanong naman ni Amarine. Inilapag ko naman yung mga orders sa gitna ng lamesa nila. Thanks to my psychokinetic power. "Libre kasi ni Arthur to. Tara kumain na tayo! " sabi ni Zhinli tsaka sinimulang hatihatiin yung mga inorder niya. Natatawa pa kami kasi binibilang niya lahat para patas daw... "Psssttt..." Nilingon ko naman si Amarine na sinisitsitan ako. "Hindi mo siya dapat hinayaang umorder ng madami. Ikaw umubos nito!" Sabi niya kaya lalo akong natawa. "Hahahaa..." Tawa ko tsaka sumunod si Arin at Amarine sa pagtawa ko. "Bakit kayo nagtatawanan?" Tanong ni Zhinli kaya lalong lumakas yung tawanan namin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit natatawa ako ng ganito... "Bakit kaya sila magkakasama. Oo nga... Mga bully pa naman yang magpinsan." Napatigil ako sa pagtawa dahil sa narinig kong usapan ng nasa likurang mesa namin. "Pero di ba yan yung mga binubully dati? Baka ok na sila." Sabi ng isa pa. "Pano magiging ok. Baka tinakot nila." Sabi nung isa. "Grabe ka naman. Alam mo ba ang sabi kanina, pinalaya daw sila kasi wala naman talaga silang kasalanan?" "Anong wala? " "Wala as in waley. Ano ka ba? Huli ka na naman sa balita." Sabi nung isa. "Tsaka girl tignan mo oh ang saya saya nila. Baka naman nagbago na sila." Sabi pa nung isa. "Oo nga no. Aba maganda kung ganun... Bye bye bully na ang seekers!" Sabi nila. "Mamaya kausapin natin sila after ng class. Cool kaya nilang dalawa. Creepy lang lapitan" sabi pa nung isa. "True. Pero mukhang harmless naman, yung dalawang weakling nga oh kasama pang kumain." Sabi nila. "Arthur... Ok ka lang?" Nilingon ko naman si Arin nung tinawag niya ko. "Sobra." Sabi ko tsaka ngumiti. "Ay mabuti naman kasi uubusin mo pa tong order niyo!" Sabi ni Amarine kaya tinignan ko yung pagkain sa lamesa na halos hindi pa nagagalaw. "Anong akala niyo sa akin? Hindi kumain ng ilang linggo?" Tanong ko kaya sabay na natawa si Arin at Amarine. "Pwede!" Sabay pa nilang sabi kaya natawa ako sa kanilang dalawa. It seems like my cousin found her new best friend. "Hi... Gusto niyo?" Sabay naman naming tatlo na nilingon si Zhinli na nakatayo na pala sa harap ng kabilang table. "Masanay na kayo. Inosente eh." Sabi ni Amarine na nakatitig sa kaibigan niya. "Ahmmm... Hindi pa kami nakakahingi ng sorry." Sabi ni Arin kaya tinignan siya ni Amarine. "Ay hindi pa ba? Akala ko nagsorry na kayo. Hahaha..." Tawa niya habang pasimpleng nililipat yung laman ng pingan niya sa pingan ni Zhinli. Palingon lingon pa siya kay Zhinli na may kausap na studyante. "Seryoso, sorry sa lahat ng nagawa namin." Sabi ko tsaka yumuko. "Apology accepted!" Sabi niya tsaka inayos yung upo niya. "Agad agad? " tanong ni Arin. "Aba ayaw niyo ata eh... " sabi niya kaya sabay pa kaming umiling ni Arin. "Alam niyo wala akong mapapala kung magagalit pa ko sa inyo. Sabi nga ni Zhinli, minsan ok na yung nakikita mo sa mata ng kausap mo kahit walang salita. Mukha namang seryoso kayo kaya keribels lang." Sabi niya tsaka yumuko ng lumapit na si Zhinli sa amin kasama nung mga nasa kabilang lamesa. "Waahhh bakit may laman na naman yung pingan ko? Inubos ko na to ah!" Sabi niya habang tinitignan yung pingan niya. "Ubusin mo yan Zhinli, sabi mo masama magsayang." Sabi ni Amarine kaya napakamot siya sa ulo niya. "Ang daya... Nilagay niyo to sa pingan ko eh. " sabi niya tsaka umupo. "Ay teka... Umupo kayo oh!" Sabi niya sa mga studyante galing sa kabilang lamesa. "Tumawag ako ng back up! Hihihi... Sabi ko naman mauubos to eh." Sabi niya tsaka inayos yung mga pagkain. "Hi. Rhina nga pala..." Sabi nung isang babae sa aming tatlo nina Arin at Amarine. "Ako naman si Lexi." Sabi pa nung isa. "Sander..." Sabi naman nung lalake. "Lindon nga pala." Sabi pa nung isang lalake. "Ah hello. Pasensya na inistorbo pa kayo nitong kaibigan namin. Amarine nga pala. " sabi ni Amarine. "Arin... Arthur magpakilala din kayo!" Sabi ni Zhinli. "Ah hello... Arin nga pala." Sabi ni Arin tsaka ngumiti sa kanila. "Arthur guys." Sabi ko naman. "Nice to meet you. Gusto talaga namin kayong lapitan noon eh kaya lang akala namin salbahe kayong magpinsan." Sabi ni Lexi. "Salbahe naman talaga kami." Sabi ni Arin kaya nilingon namin siya. "Dati..." Sabi niya kaya nagtawanan na naman kami kahit wala namang nakakatawa. Ganun ata pagmasaya. Lahat nakakatawa. Nilingon ko naman yung buong cafeteria, yung iba na ilag sa amin nginingitian ako pagnakikitang nakatingin ako sa kanila. Kaya naman pala pinaupo niya kami dito sa gitna. Mukhang hindi lang kay Prinsesa Azalea kami nay utang na loob. Kay Zhinli din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD