Day 11: Prinsesa Azalea

1797 Words
Azalea Zhinli Centana's POV " Oi Zhinli gumising ka nga! " " 10 minutes pa... " sabi ko sa kung sino mang gumigising sa akin. Inaantok pa ko eh... " 10 minutes pa Ms. Centana? " sabi nung boses. " Sige 20 minutes na lang. Nakakaantok eh." Sabi ko habang nakapikit pa. Napadilat naman ako ng may malakas na ingay ang tunog sa gilid ko. " Mas-master Orange. " sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Tinignan ko naman yung gilid ng upuan ko na may lamat na. Nasa klase nga pala ako at Thursday ngayon. Battle day... Master Orange... " Waahhh Sorry po! " sigaw ko. Para namang nag-aapoy yung mata niya sa galit sa akin. " Lumabas ka na sa klase ko Ms. Centana bago pa kita maparusahan! " sigaw niya kaya mabilis akong tumakbo palabas ng klase namin. Ayoko na kayang maparusahan. Nakakaantok naman talaga... Pano kasi battle class yun kaya lang discussion muna ng basic rules in fighting. Eh super kulang ako ng tulog. Ang haba kasi ng sermon ni Derah kagabi dahil sa pagtakas ko eh. " Wala ka bang klase? " napalingon naman ako sa nagsalita. " Fern? Ah... Meron. " sabi ko habang nakatingin sa kanila. Kumpleto sila ng hunters. " Eh bakit ka nandito? " tanong ni Dion. Ngumuso naman ako nung naalala ko yung nangyari. Tsaka kinuwento sa kanila yung nangyari. " Seryoso? " natatawang tanong ni Ace. " Mukha ba kong nagbibiro? " tanong ko. Tinapik tapik naman ni Fern yung likod ko at ewan ko lang kung tapik yun o hampas. Ang lakas eh... " sa lahat ng klaseng pwede mong tulugan. Yung kay master Orange pa. " sabi niya habang tinatapik na hinahampas yung lilod ko. Ang bigat ng kamay niya... " Hoi Fern nasasaktan na si Zhinli! " sabi ni Ace kaya tumigil siya tsaka ako tinignan. " Ai naku... Sorry. Nakalimutan ko." Sabi niya tsaka tinago yung kamay niya sa likod niya. " Bumalik na tayo sa klase natin." Sabi ni Adara kaya napalingon ako sa kanya. Ang ganda niya talaga... " Ah Oo nga pala. Sige Zhinli may pinapagawa kasi samin si Headmaster Rico." Sabi ni Yara. Tumango naman ako. " Ah sige! " sabi ko tsaka nginitian sila. Kumaway kaway pa ko nung medyo nakalayo na sila. " Ano naman ng gagawin ko? " tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ng deretsyo sa field. Dahil oras pa ng klase paniguradong busy sina Headmaster, wala din si Derah sa Dorm ko kasi gabi lang naman siya nandun. " Aha! " sabi ko ng maisip ko na kung anong gagawin ko. Aalamin ko na lang kung anong nangyari sa mga magulang nina Arin at Arthur at mukhang alam ko na kung pano ko malalaman. Ako ngayon si Detective Zhinli! --- " Blah blah blah ... Ayyy ayoko na! " sigaw ko tsaka nilapag yung binabasa kong libro. " Shhh... " sabi nung librarian kaya nagpeace sign ako tsaka sinubsob yung ulo ko sa lamesa. Nakakainis naman eh. Ang dami ko ng nabasa kaya lang wala man lang nakasulat tungkol sa mga magulang nina Arin at Arthur. " Ano bang hinahanap mo." Inangat ko naman yung ulo ko ng may nagsalita sa tabi ko. " Asher. " sabi ko. Nginitian naman niya ko tsaka binasa yung binaba kong libro kanina. " Mahilig ka sa history? " tanong niya. Umiling naman ako. " Eh sa libro? " tanong niya ulit. " Hindi din. " sabi ko kaya napataas siya ng kilay. " Bakit ka nagbabasa ng ganitong libro? " tanong niya. Pag ba nagbabasa ng libro... Mahilig na sa libro? " Bakit ka nagtatanong? " sabi ko naman. " Kasi gusto kong malaman. Bakit nga? " tanong niya. " Wala may gusto lang din akong malaman. " sabi ko tsaka sinubdob ulit yung ulo ko sa lamesa. Pano ko kaya malalaman kung anong nangyari? " Ano naman yung gusto mong malaman? " tanong niya. Sasabihin ko ba? " Hindi ba mind reader ka? Basahin mo na lang sa isip ko." Sabi ko tsaka pinatong yung kamay niya sa ulo ko. Napanguso naman ako ng ginulo niya yung buhok ko. " Waahhh... Wag mong guluhin yung buhok ko." Sabi ko tsaka inalis yung kamay niya. Natatawa naman niya kong tinignan. " Ang cute mo. Hahaha... Alam mo yun nga ang pinagtataka ko. Hindi ko mabasa ang isip mo." Sabi niya kaya napatulala ako. Ah oo nga pala. Sinabi niya na yun dati. Dahil kaya ako ang mana keeper? " Nacucurious kasi ako kung anong nangyari sa magulang nina Arin at Arthur." Sabi ko. " Yung dalawang hinuli ng council? " tanong niya kaya napatango ako. " Mali ka ng binabasa. Wala dito sa library lahat ng bagay na makakasira sa pinoprotektahang reputasyon ng Academy." Sabi niya kaya napakunot yung noo ko. " Anong ibig mong sabihin? " sabi ko. " Secret lang natin to? " bulong niya sa akin kaya tumango ako. " Dati, may nangyaring malaking digmaan sa pagitan ng White wizard at White wizard." Sabi ni Asher. Huh? Laban sa pagitan ng mga white wizard? " Eh? " yun na lang yung nasabi ko. " Hindi lang Black Wizards ang kalaban ng kaharian, dahil kung black wizards nga lang ang kalaban natin edi sana wala ng banta sa kaharian lalo na at may harang sa bawat kaharian. " Harang? " yun ba yung harang ko sa bawat kaharian? " Oo. Harang na nakapalibot sa apat na kaharian at dito sa academy na nasisira lang ng mga white wizard." Napatulala ako sa sinabi niya. Ano? " Oh natulala ka? Hahaha... " sabi niya. White wizard lang ang nakakasira sa harang ko? Bakit hindi sinabi sa akin nila Headmaster Arianne? " Tungkol naman sa tinatanong mo, sa pagkakaalam ko kasali ang mga magulang nina Arin at Arthur sa mga White wizard na kumampi sa Black Wizard noon. Kaya siguro sila agad yung napaghinalaan." Sabi ni Asher. " Parang ang daya naman na sila agad dahil sa nangyari noon." Sabi ko. " Oo madaya nga." Sabi niya habang tumatayo. " Pero sa mundo na ginagalawan natin, lahat puro daya. " sabi niya tsaka inayos yung upuan. " Anyway, nice time talking with you Zhinli. Masaya pala kumausap ng taong di mo nababasa ang isip." Sabi niya tsaka tumalikod sa akin at naglakad paalis. Hindi ko maintindihan... --- " Zhinli impossible yang hiling mo sa amin." Sabi sa akin ni Headmaster Cai. " Bakit impossible? Headmaster kayo hindi ba?" Tanong ko. Nandito kaming lahat sa opisina nilang lahat at kanina pa nakikiusap na pakawalan na nina si Arin tsaka si Arthur. " Headmaster nga kami pero ang kaso nina Arin at Arthur ay hawak ng council." Sabi ni Headmaster Rico. Kaya napanguso ako at nangulit pa ng bongang bonga! " Eh bakit di niyo sinabi sa akin na may mga masasamang White wizard?" Tanong ko kaya napaatras sila sa sinabi ko. " Sinong nagsabi sayo Azalea." Sabi ni Headmaster Arianne na seryoso na ngayon. " Secret. Bawal sabihin... " sabi ko tsaka tinakpan pa yung bibig ko. " Hayyy... Azalea, may mga bagay na di mo na muna dapat malaman. " sabi ni Headmaster Cai. " Bakit? " tanong ko. " Pag-uusapan natin yan sa tamang panahon. Sa ngayon, pumunta ka na sa kwarto mo at matulog." Sabi ni Headmaster Rico tsaka binuksan yung pinto. " Papatunayan kong hindi sila ang sumira sa harang ko." Sabi ko tsaka naglakad papunta sa Dorm ko. Pagkarating ko sa kwarto ko, si Derah agad yung bumungad sa akin. " Aalis ako Prinsesa Azalea." Sabi niya " Saan ka pupunta? " tanong ko naman. " Kailangan ako sa Vista Kingdom. Umaasa akong hindi ka tatakas at gagawa ng kalokohan " sabi niya. Tumango naman ako tsaka kumuha ng pajama. " Sige. Inaantok na din ako eh. " nakangiting sabi ko. Tinitigan pa niya ko na parang tinitignan kung nagsasabi ba ko ng totoo. " Bakit? " tanong ko sa kanya. Umiling naman siya tsaka ako tinignan. " Prinsesa Azalea, umaasa kong wala kang pinaplano. " sabi niya kaya tumango tango ako ng maraming beses. " Sige na. Good night! " sabi niya tsaka biglang nawala. Ayieee... Umaayon sa akin ang tadhana. Binalik ko naman yung pajama ko tsaka kinuha yung cloak ko. Bawat Prinsesa at Prinsepe may kanya kanyang Cloak na nakalagay yung simbolo ng bawat kaharian. Yung akin color white na may mga maliliit na star sa baba. Sisimbolo kasi ng mga star sa langit ang Vista Kingdom. Sinoot ko pa yung half mask ko para wala talagang makakilala sa akin. Tinignan ko muna sa salamin yung sarili ko bago lumabas. Pumunta ulit ako dun sa pinuntahan namin ni Zinco kahapon tsaka pinuntahan yung kwarto nina Arin at Arthur. " Matulog ka na Arin." Rinig kong sabi ni Arthur. Sinilip ko sila. Bakit may mga sugat sila? " Bakit kayo may mga sugat?" Sabi ko. Para naman silang nagulat tsaka hinanap kung nasaan ako. Lokohin ko kaya sila... " Sino ka? " sabi ni Arin. " Hindi ako sinuka." Sabi ko tsaka lumabas sa sulok na pinagtataguan ko. " Prinsesa Azalea? " tanong nilang dalawa. " Wow kilala niyo ko? " sabi ko sa kanila. " Yung cloak ng Vista kingdom." Sabi ni Arin tsaka ako tinuro. Ai Oo nga pala... Hihihi... Nagsiyuko naman sila sa harap ko. " Tumayo kayo ng maayos." Sabi ko tsaka sinara ng maayos yung pinto. " I can't believe na buhay ka nga. " sabi ni Arin. " Akala namin gawagawa lang nila na may tagapagmana ang Vista Kingdom." Sabi ni Arthur. " Edi alam niyo na." Sabi ko tsaka umupo. " Bakit po kayo nandito? " tanong ni Arthur. Marunong pala mag-po to? " Nandito ko para tulungan kayo." Sabi ko. Nagkatinginan naman silang dalawa. " Hindi ka dapat nagpunta dito mahal na prinsesa. Mga traydor ang tawag sa amin... Baka madamay ka lang." Sabi niya. " Bakit traydor ba kayo? " tanong ko. " Hindi. " sagot nilang dalawa. " Oh hindi naman pala eh." Sabi ko. Mukha naman silang nagulat tsaka ako tinignan. " Naniniwala ka? " tanong nilang dalawa kaya tinitigan ko pa sila. Ano namang hindi kapanipaniwala sa sinabi nila? " Bakit hindi? " tanong ko. " Kasi mga anak kami ng mga traydor. Dapat di mo din kami paniwalaan at husgahan." Sabi ni Arthur. " Grabe naman kayo? Hahaha... Hindi lahat kagaya nila. " sabi ko tsaka pu mangalumbaba. " Nandito ko para tulungan kayo pero sana walang makakaalam na nagpakita ako sa inyo." Sabi ko. " Bakit? " sabay na tanong nila. " Secret." Sabi ko naman. " Sa ngayon, isa lang ang dapat niyong gawin." Sabi ko. " Ano? " sabay nilang sabi. Ang galing no? Madalas silang sabay. " Sagutin niyo lang lahat ng itatanong ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD