Day 10: Helping the Bullies

974 Words
Azalea Zhinli Centana's POV Dahan dahan akong lumabas tsaka mabilis na bumaba palabas ng Dorm ko. " Wooh... " sabi ko tsaka pinunasan yung pawis ko. Panigurado ako pag nalaman ni Derah na wala ako sa kwarto ko, magwawala yun. Tumakas kasi ako. Kailangan kong imbestigahan yung kaso nina Arin at Arthur. Kahit naman bullies sila, hindi tama na hayaan na lang sila. Dahan dahan akong naglalakad sa dilim. Ano ba naman yan, ang layo ng pagitan ng bawat lamp post. Saan ba ko unang pupunta? Naglalakad lang ako ng maalala ko na may kulungan para sa mga kinakasuhan ng Council dito. Saang building nga ulit yun? Lakad lang ako ng lakad ng may narinig akong kaluskos. 0_o may mumu ba dito? " Ah hehehe... Mr. Or Ms. Mumu, tabi tabi po." Sabi ko tsaka mabilis na tumakbo. " Waahhh... " sigaw ko tsaka tinakpan agad yung bibig ko ng may biglang lumitaw na dalawang pulang mata sa dilim. Unti unti yung lumabas galing sa dilim kaya nakahinga ako ng maluwag. " Zinco." Sabi ko tsaka napabuntong hininga. Lumapit naman siya sa akin tsaka kiniskis yung ulo niya sa paa ko. " Nakakatakot ka naman Zinco. Wag mo kong gugulatin ng ganun ah." Sabi ko. Para naman siyang tumango kaya natawa ko. " Naiintindihan mo ko? Hihihi..." Sabi ko tsaka hinimas yung ulo niya. " Alam mo ba kung saan yung kwarto para sa mga kinakasuhan ng Council? " tanong ko sa kanya. Natawa naman ako ng parang tumango siya tsaka nagsimulang naglakad. " Buti na lang umaapoy ka Zinco." Sabi ko sa kanya habang sinusundan ko siya. Ang cute niya talaga... Huminto siya bigla sa tapat ng isang pader. " Dead end na Zinco." Sabi ko. Kinagat naman niya yung laylayan ng robe ko tsaka parang pinapalapit ako sa pader kay lumapit naman ako. " Ano ng gagawin ko? " tanong ko sa kanya. Sana nakakapagsalita na lang tong si Zinco. Nakatitig lang siya sa pader kaya tinitigan ko din yung pader. Mali ata yung paggaya ko sa kanya na nakatitig lang sa pader kaya ginagalaw niya yung buntot niya. " Eh di ko naman maintindihan eh." Sabi ko tsaka sumandalsa pader. Pagkasandal ko, parang may nakapa akong gumagalaw na bricks kaya tinulak ko yun. Napaatras ako ng dahan dahang nahati yung pader. " Wow... " Sabi ko tsaka pumasok. Agad namang sumara yung pinto. Ang galing... Dahan dahan akong naglakad hangang sa may nakita akong malilit na kwarto sa loob. " Zinco patayin mo muna yang apoy mo." Sabi ko. Baka makita kami eh... Maya-maya unti unting humina yung apoy ni Zinco tsaka tuluyang namatay. Nginitian ko na lang siya tsaka nagderederetsyo ng pasok. "Gosh... Natatakot na ko. What if maparusahan nga tayo." Napahinto ako ng may marinig akong boses. " No Arin. Wala tayong kasalanan kaya bakit tayo mapaparusahan? " si Arthur ba yun? Nakita ko naman sila sa loob ng isang kwarto. Nakasandal si Arthur sa pader tapos palakad lakad si Arin. " Geeezzz... Hangang ngayon damay pa din tayo sa kahihiyan ng mga magulang natin." Sabi ni Arin. Kahihiyan ng mga magulang nila? " Hayaan mo na Arin. Hindi na din siguro magbabago ang tingin nila sa atin." Malungkot na sabi ni Arthur. Ano kayang nangyari? Nanlaki naman yung mata ko may nakita kong may mga nag-iikot na na bantay. Hala... Nagtago agad ako tsaka pilit iniyuko si Zinco. " Naku Zinco, lumabas na tayo." Sabi ko tsaka pagapang na naglakad. Dahan dahan namang sumunod si Zinco. " Aray... " tinakpan ko agad yung bibig ko. " Sinong nandiyan? " tanong nung guwardiya. Wala. Walang nandito... Pigil hininga akong huminto. Sana di nila ko makita. " Wala naman yan eh. Doon tayo! " sabi nung isa tsaka sila pumunta sa kabilang side. Umupo naman ako ng maayos nun tsaka tinignan yung tuhod ko. " Waaahhh... Nasugat ako." Mahinang sabi ko kay Zinco. Hindi ko napansin na matatalim pala yung mga bato dito eh gumagapang ako. " Tara na." Sabi ko ng dinilaan ni Zinco yung sugat ko. Paika-ika akong naglakad hangang sa nakalagpas kami dun sa pader. " Hooo... Aalamin ko na lang kung anong nangyari noon sa magulang nila." Sabi ko habang paika-ikang naglalakad. Ano kaya itsura ko habang naglalakad ng paika-ika? " Zinco babalik na ko sa kwarto ko. Ikaw ba di ka pa uuwi sa mga hunters? " tanong ko sa kanya. Ansakit talaga. Malalim kaya yung sugat? " Zinco? " nilingon ko agad yung tumawag kay Zinco. Naku... Patay ka na naman Azalea. " Z-zaid... " sabi ko tsaka napaatras. Hala... Anong sasabihin ko? " What are you doing here? " tanong niya. Ano daw ginagawa ko dito? Ayyy bakit ko ba tinatranslate?. " Wa... Wala... Nagpapahangin." Sabi ko habang pilit na tinatago yung sugat ko kaya lang mukha namanh napansin niya kaya napatingin siya sa tuhod ko. " A-ano... Nadapa ako kanina. Na-nagulat kasi ako sa Wolfen mo." Sabi ko. Nilapitan naman niya si Zinco tsaka hinimas yung ulo niya. " Tsk... Hindi ka dapat lumalabas ng Dorm tuwing gabi." Sabi niya. " Hehehe... Nagpahangin lang naman ako. " sabi ko ulit. Tinignan naman niya ko tsaka binalik yung tingin kay Zinco. " I'm not talking to you." Sabi niya kaya napanguso ako. " Wahhh... Nakakahiya. " bulong ko sa sarili ko habang pinupokpok yung ulo ko na narinig niya ata kaya napatawa siya ng unti. Napatawa? " Marunong ka pala tumawa? " tanong ko kaya bigla siyang huminto sa pagtawa tsaka ako tinignan ng seryoso. " Tsk... " sabi niya tsaka tumalikod at umalis kasama si Zinco. Bastusan? Bahala nga siya... Kailangan ko ng makabalik sa dorm ko. Dahan dahan akong naglakad hangang sa makarating ako sa kwarto ko. Ansaya saya ko pa kasi mukhang tulog pa si Derah at nakapatay yung mga ilaw. " Saan ka nangaling Azalea Zhinli Centana? " PATAY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD