Azalea Zhinli Centana's POV
" Achuuuu! " sininghot ko na naman yung sipon ko pagkabahing ko.
" Sigurado ka bang ayos ka lang hah Zhinli? " tanong sa akin ni Amarine. Kanina pa ko bahing ng bahing. Sinisipon kasi ako.
" Oo nga." Sabi ko na medyo ngongo. Ang cute ng boses ko. Hihihi...
" Naman kasi yung dalawang yun eh! Masyadong bully." Sabi ni Amarine na halatang naiinis na. Pano kaya mainis ng tulad ng ginagawa niya?
Sina Arin at Arthur yung tinutukoy niya. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kahapon nung pupunta sana kami ni Amarine sa Cafeteria ng humarang sila.
... Flashback...
" Ang weird weird mo ngayon Amarine... " sabi ko habang naglalakad kami. Holding hands while walking kami ni Amarine. Hihihi... Narinig ko lang dun sa mga nagchichismisan sa gilid habang nagmemeeting sa field.
Ang sabi nageh-HHWW daw sila ng boyfriend niya tapos tinanong ko kung ano yun, sabi niya Holding Hands While Walking daw yun para sa mga nagmamahalan.
At dahil mahal ko si Amarine kasi kaibigan ko siya at mahal niya din ako kaya nageh-HHWW kami. Hihihi... Ayaw pa nga niya nung una eh. Kaya lang cute ako kaya pumayag siya.
" Kyaaa... " tili ko ng may malamig na tubig na bumuhos sa akin.
Brrrr...
" Hahaha... " tinignan naman ni Amarine yung mga tumatawa.
" Maligo ka kasi... " natatawang sabi ni Arin. Inamoy ko naman yung kilikili ko.
" Naligo naman ako Arin." Sabi ko habang pinipiga yung damit ko. Nagtawanan naman sila kasama yung mga nanunuod.
" Oh my gosh... Zhinli..." Sabi ni Amarine na pilit pinupunas sa akin yung panyo niya.
" Ano ba ang bubully niyo ah! " sigaw ni Amarine kina Arin at Arthur. Nanlaki naman yung mata ko tsaka pilit inabot si Amarine nung lumutang siya.
" Wahhh... Amarine. Naku Arin ibaba niyo si Amarine. " sabi ko ng pinalutang siya ni Arin. Pilit ko pang inaabot yung paa ni Amarine.
" Ibaba niyo nga ko! " tili ni Amarine kaya lang nagtawanan lang sina Arin at Arthur. Nanlaki naman yung mata ko ng unti unting nagshapeshift si Amarine at naging Elepante.
" Wow... " sabi ko. Tinignan ko naman si Arin na parang nahihirapang palutangin si Amarine. Malamang ang bigat kaya niyang elepante. Dahan dahan namang bumaba si Amarine hangang sa tuluyan na siyang nakakababa at nagbalik sa totoo niyang itsura.
" Ano bang problema niyo? " inis na sigaw ni Amarine. Hinawakan ko pa yung braso niya kasi parang susugudin na niya sina Arin at Arthur.
" Wala. Were just having fun! " sabi ni Arin.
" Fun? Asan ang fun sa pangbubully hah? " pasigaw na sabi ni Amarine. Pabalik balik lang yung tingin ko kina Amarine, Arin at Arthur habang nagsisigawan sila.
" You and your ugly face. " sagot ni Arthur.
" Ugly face pala ah." Sabi ni Amarine tsaka nagshapeship bilang ipis. Nanlaki naman yung mata ni Arin tsaka napaatras.
" Oh ba't lumalayo ka? " tanong ni Amarine habang ipis pa siya.
Ang cute cute ng boses niya.
" Yuck! Lu-lumayo ka nga." Sabi niya tsaka nagtago sa likod ni Arthur. Lumipad naman si Amarine kaya napatakbo sa takot si Arin.
Ano namang yuck sa ipis?
" Wait... Arin! " sigaw ni Arthur tsaka sinundan yung pinsan niya.
Nakatulala ako habang iniisip kung bakit nila sinasabing mga shapeshifter ang pinakamahina.
" Ok ka lang ba? " tanong ni Amarine. Nasa tapat ko na pala siya.
" Ah Oo. Brrrr... Anlamig... " sabi ko habang pinagkikiskis yung dalawa kong palad.
" Tara na nga! " sabi niya kaya nagpunta na kaming Dorm ko. Buti na lang wala si Derah dito.
... End of flashback...
Nagtaka pa nga siya nun kasi ako lang yung nakadorm dun.
" Hey nakikinig ka ba? " tinignan ko naman siya. May sinasabi ba siya?
" Hindi. Ano yun? " tanong ko. Natawa naman siya tsaka inabot sa akin yung listahan na hawak niya.
" Ibsng klase. Yung iba sasabihing Oo nakikinig sila tapos ikaw inamin mo talaga." Sabi ni Amarine. Bakit ko naman sasabihing nakikinig ako eh hindi ko nga alam na nagsasalita siya eh.
" Masama magsinungaling." Sabi ko.
" Kaya gustong gusto kita eh. Masyado kang inosente." Sabi niya. Gusto niya ko?
" Crush mo ko Amarine? " tanong ko sa kanya. Natawa naman siya tsaka ako tinignan na parang ewan.
" Ano ka ba Zhinli? Hindi tayo talo ok? " sabi niya. Napanguso naman ako sa sinabi niya.
" Pero sabi nila Carla pag gusto mo daw ang isang tao crush mo sila." Sabi niya kaya natatawa niya kong sinagot.
" Bakit ba nileleteral mo ang mga bagay bagay? " tanong niya. Hindi ko siya maintindihan kaya nagkibit balikat na lang ako tsaka tinignan yung papel na binigay niya sa akin.
" Para saan to? " tanong ko sa kanya.
" Ayan yung mga clubs na inooffer sa Seekers. Kail angan na din kasi nating mamili." Sabi niya kaya binasa ko naman yung papel.
* Physical Club
* Mental Club
* Magic Club
* Potion Club
* etc.
" Ano ng napili mo? " tanong niya sa akin.
" Wala bang para sa pagkain?" Tanong ko. Tinignan naman niya ko ng masama tsaka umiling.
" Wala Zhinli. Sasali ako sa Physical Club. Parang Sports... Kailangan kasi na lahat ng wizards may sasalihan. " sabi niya.
" Kailangan na ba ngayon? " sabi ko habang nagpupunas ng ilong. Itatanong ko pa kasi to kila Headmaster Arianne.
" Meron pa naman hangang Monday next week." Sabi niya kaya napatango ako.
" Tsaka ko na yan pag-iisipan." Sabi ko. Ngumiti naman siya tsaka tumingin sa salamin. Naglalagay kasi siya ng make-up.
" Amarine... " tawag ko sa kanya habang busy siya sa paglalagay ng color sa bibig niya.
" hhmmm? " sagot niya.
" Bakit mo kinukulayan yang mukha mo? Gusto mo ng papel?" Tanong ko tsaka niya binaba yung hawak niyang make-up daw ang tawag tsaka humarap sa akin.
" Yung totoo Zhinli? Saang planeta ka lumaki? " tanong niya kaya napaisip naman ako. May iba pa bang planeta bukod dito?
Di pa ko nakakasagot ng dumating si Carla na mukhang anlayo pa ng tinakbo. Ang galing nga ng magic/ability niya eh. Kaya niyang narinig lahat ng boses na gusto niyang marinig kahit nasa ibang kingdom pa.
" Ano na namang nasagap mo at mukhang excited kang ipamalita." Tanong ni Amarine. Umupo naman si Carla sa tabi naman tsaka nagsalita.
" Alam niyo na ba yung nangyari kina Arin at Arthur? " tanong niya. Nagkatinginan naman kami ni Amarine.
" Ano? " sabay naming sabi.
" Kanina lang... Hinuli sila ng Wizard Council dahil daw sa pag-atake sa harang." Sabi ni Carla.
" Talaga? Wala namang kataka-taka dun may sungay talaga yung dalawang yun." Sabi ni Amarine.
" Oo nga eh. Grabe... Sila pala yung nagtangkang sumira sa harang." Sabi naman ni Carla.
Nakatitig lang ako sa kanila habang nag-uusap sila.
Impossible... Hindi lang naman dalawa ang sumira sa harang tsaka pano naman masisira ng psychokinetic at Gravity manipulator ang harang ko?
Tumayo naman ako bigla kaya napatingin silang dalawa sa akin.
" Saan ka pupunta Zhinli? " tanong ni Amarine.
" Mag-siCR lang." Sabi ko habang nakangiti. Totoo yun, magsi-CR muna ko bago ko puntahan sila Headmaster Arianne. Para kasing may mali...
" Samahan ka na namin? " alok ni Amarine.
" Bakit pag-magsi-C.R. ako lagi mo gustong sumama? Maninilip ka no? " sagot ko. Hindi ako nagbibiro ah... Nagtataka lang talaga ako.
Sumimangot naman siya tsaka ako tinignan ng masama.
" Ay naku Zhinli. Sige na umalis ka na. Anlabo mo kausap." Sabi niya na medyo natatawa.
" Hihih... Sige. Wag ka susunod ah! " sabi ko tsaka tumakbo.
May mali talaga eh...
Masama ata yung nakain ko >_<