HINATID n'ya ako sa kwarto ko. At kung dati ay nakakulong na ako sa bisig n'ya at nangangalat na ang kamay at labi n'ya -- ngayong gabi, he was a perfect gentleman. "Thank you for having dinner with me tonight. I know it's not... the perfect date. But our next one is going to be better," sabi nito sa akin. Nakapamulsa s'ya at nakatingin sa akin. If there's something that I like the most with Jay's physical features? It's his eyes. Kapag masaya s'ya, kitang kita ko ang kakaibang kislap nito. At kapag nahihiya naman o may kasalanan, malamlam ang mga mata n'ya. 'Yong pagkalamlam na parang nang-aakit. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin. Gustong gusto ko s'ya. Pero sa likod ng isip ko, ano bang kahihinatnan ng isang relasyon na nakabase sa pagsisinungaling? Sa hiwalayan rin. "

