ANG kinukuha kong dalawang kasambahay ay hindi makakarating ngayong araw o kinabukasan. Nag-holiday daw ang mga ito at sa sunod na Lunes pa makakapasimula sabi ni Em. Wala rin sina Manang dahil nagpaalam sa akin kanina na magsasama sama sila ng pamilya n'ya at bakasyon din ang mga pamangkin nito. Ang problema ko ay si Mia at Cal na lang sa bahay. As much as it sounds good to have just the three of us in the house, ayaw kong mahirapan si Cal sa household chores. Ayaw ko s'yang bigyan ng dahilan na umalis sa bahay or worse, bastedin ako for giving her too much work. I know our set up is not the best. Boss n'ya ako, employee ko s'ya. In any workplace -- hindi recommended na magkaroon ang relasyon ang mga empleyado lalo na kung boss ang involved. Cal is a fast learner at wala akong problema s

