NAKILALA ko si Nadine at Lenny ngayong umaga. Sina Nanay Ida ay may isang linggo pa sa bakasyon bago bumalik. Inilibot ko ang dalawa katulad ng ginawa sa akin. I'm sure they already know what is expected of them. Nang dumating si Jay ay ipinakilala ako nitong girlfriend n'ya. Mabait ang dalawa at dahil hindi nagkakalayo ang edad namin ay nagkakasundo kami. Parehas pang walang asawa ang mga ito pero may mga nobyo na. Tinuruan ako ni Nadine magluto at maging si Lenny ay marunong din kahit hindi nakatoka sa kanya ang kusina. Mabilis na lumipas ang isang buwan. Madami akong natutunan na ibang putahe at ngayong gabi, ako ang nagluto. Chopsuey at pritong tilapya. Nagluto rin ako ng pritong porkchop para kay Mia dahil baka wala s'ya sa mood kumain ng isda. Habang nagluluto ako ay nakaalalay sa a

