“OH KUMUSTA bakasyon? Hindi mo dinala mga pinadala ko!” Kadarating pa lang namin ay bunganga na ni Rita ang bumungad sa akin. “Okay naman, medyo pagod lang sa byahe. Huwag mong itapat ang bunganga mo sa tainga ko dahil nakakasira ng eardrums!” Umikot na naman ang mata niya sa sinabi mo. Alam ko namang nami-miss lang niya ako kaya siya ganito. Kinuha na niya ang bag ko para naman tumulong mag-ayos nang bigla kong maalala na naiwan ko yata phone ko sa 52th floor kung nasaan kami kanina ni Zandro. Sa labis na kaba na naramdaman ko ay nawala na sa aking isipan ang dala kong phone. Hindi pwedeng mabuksan niya iyon! Agad akong lumabas para hanapin si Xander. Wala siya sa mga kuwarto hanggang sa marinig ko ang mataas na boses ni Don Levio. Medyo bukas ang pinto kaya naman minabuti kong sumili

