2ND DAY… “Kumain ka na,” aya ko kay Xander na kasalukuyang nagkukulong sa kuwarto. Nagpaalam ako kay Don Levio na bigyan akong pahintulot na lapitan si Xander at pumayag naman siya. Hiniram ko ang susi ng kuwarto niya kay Manang Pasita. Sa unang hakbang pa lamang ng mga paa ko sa kuwarto niya, halos ayaw na humakbang pa dahil sa nakikita. Basag ang mga kagamitan, may bakas din ng dugo sa dingding, at may lalaking nakahandusay sa sahig. Magulo na ang suot niyang damit at maging ang buhok nito ay wala na sa ayos. Agad ko siya nilapitan para dalhin sa kama. Amoy ang malakas na samyo ng alak na iniinom niya. Kahit labis na ang pagkalasing, unti-unti niyang binuksan ang mga mata at doon ay hinagip niya ang likod ko na naging dahilan para mapahiga ako sa sahig at pumatong siya sa akin. Sery

