Joanna’s (Ang bwisit na impostor ni Nady! grr!) POV Bigla ay nakaramdam ako ng kaba dahil sa kaharap ko ang buong pamilya ng Rodriguez at Ransley at ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa akin. This is the day na ibabalita ng mag-asawang Xander at Sienna ang pagbabalik ni Nady at ako iyon. Hindi ko maiwasan ang panginginig ng tuhod lalo na dahil nasa harap ko nakaupo ang mag- asawang Celestine at Gabriel Rodriguez at ang huli ay matamang nakamasid sa akin at parang nanunuri. Totoo nga ang sinabi ni ate Prill na nakakatakot ang aura ni Gabriel Rodriguez! Para itong hari kung makaupo sa couch at parang reyna naman ang katabing asawa. Ang mag-asawang Sheryl at Michael Ransley naman ay nakangiting nakaupo sa couch na kalapit lang ng kinauupuan ng matatandang Rodriguez at naghihintay ng

