Gabriel's POV Pagkatapos na makaalis si Nady ng mansion ay nanatili kaming lima sa sala. Naiiyak pa rin si Mommy at ayaw sana nitong pauwiin na si Nady ngunit mapilit ang huli na umuwi na muna at siniguradong babalik din agad para kunin ang mga gamit. Yes, simula ngayong gabi ay dito na titira si Nady. Naipalam na iyon sa Kuya at Mama niya at umayon naman sila dahil nag-aalala sila sa kaligtasan nito. Kung hindi lang nagpumilit si Nady ay siguradong hindi ito pinayagan ni Mommy. I can say, she's finally here at wala akong paglagyan ng tuwa knowing na buhay siya at kasama nga namin ngayon. Parang isang masamang panaginip na lang ang nangyari twelve years ago at natabunan iyon ng tuwa sa pagbabalik ni Nadine sa buhay namin. Ngunit hindi nabura niyon ang lahat ng pasakit na dinanas nina

