Nadine's POV Sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto. Isang beses ko pang sinulyapan ang sarili ko sa may kalakihang salamin bago tinungo ang pinto at pinagbuksan si Lance. "Hi!" bati ko. "Hi! You look stunning,” puri nito kahit naka fitted jeans at fit din na shirt ang suot ko. Pinanatili kong nakalugay ang buhok ko. Gaya pa rin ng dati ang ayos ko at wala akong binago. "Hindi ba ako mukhang magbebenta lang ng gulay sa palengke?" biro ko. "Siguradong dudumugin ka ng mga kalalakihan sa palengke,” nakangiting sagot nito. "You're ready?" "Yes." "Are you sure you gonna do this?" "Oo naman. Wala dapat akong sinasayang na oras. Ayokong patagalin ang kaligayan ni Tita Prill at ng kakuntsaba nito." "Okay then. Let's go?" Tumango ako at nabigla ako nang hawakan ni Lance ang

