Chapter 6

2166 Words
Xyra's POV "Nady is fine, Xander. Huwag kayong mag-alala. She's well taken care of,” sagot ko habang nakaipit sa pagitan ng kaliwang balikat at tenga ang cellphone at kausap sa kabilang line si Xander. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch at napag-alaman kong alas nueve na ng gabi. "Yes, Xan. Tell Sienna she doesn't have to worry. Okay, bye." Initsa ko ang cellphone sa kama ko at hinubad ang suot kung relo at ipinatong sa bedside table ko. Kinuha ko ang pahabang maliit na box na kulay itim at napapangiting binuksan iyon. “I'm sure Nady will love this,” bulong ko sa sarili habang binabalik ang takip niyon. I understand Sienna. Anak niya si Nady at natural lang na mag-alala siya. Pero sa tingin ko, hindi naman kalabisan kung dumito muna sa amin si Nady. Minsan lang naman siya napaparito at miss namin siya. Sila ni Gab. Most of the time kasi ay kami ang pumupunta sa kanila but lately ay hindi na kami nakakabisita. Lumabas ako ng silid at tinungo ang silid ni Nady. It's just two rooms away from mine. Magkatabi ang master's bedroom at ang silid ni Nady. Pagdating ko sa harap ng pintuan niya ay agad akong kumatok. "Nadine?" Nakarinig ako nang mahinang kaluskos sa loob ng kuwarto at maya-maya ay narinig ko ang pagpihit ng seradura ng pinto. Bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Nady. "Hi, Sweetie,” bati ko. "Hi po, Tita. Please come in po.” magalang na sagot niya. "Thank you,” sagot ko and roam my eyes around the room. May ilang dolls niya na nagkalat sa loob ng kuwarto niya. Marahil ay naglalaro. "What keeps you busy, Sweet?" "This," sagot niya at itinaas ang hawak na malaking teddy bear. Nady love dolls and teddy bears but most of her collection are Barbie dolls with different clothing styles. Sumampa siya sa kama at naupo ako sa tabi niya. "I have something for you." Namilog ang mata ni Nady nang tumingin sa akin. "Another barbie doll?” she asked, excitement on her voice. I smiled at him and shook my head. Bigla ang paglungkot ng mukha niya nang umiling ako. "This is more than just dolls,” sagot ko at inilabas ang isang pahabang box. "Chocolates!" I laugh and shook my head once again. "Open it." Iniabot ko sa kaniya ito. "Wow!" Nady exclaimed pagkatapos niyang makita ang laman niyon. "A necklace!" "Yes.” “And it have has my name engraved on it,” namamanghang wika nito na sinipat nang maigi ang kuwintas. "Nadine...” she murmured. Gawa sa ginto ang kuwintas at pinagawa ko pa iyon sa England nang minsang nagbakasyon ako roon. Ang pangalan ni Nady na pahabang nakaukit na nagsisilbing pendant ay natatampukan ng maliliit na dyamante na kumikislap kapag natatamaan ng ilaw. "Did you like it?” tanong ko habang isinusuot sa kaniya ang kuwintas. "I more than just like it, Tita Xy! I love it! I'm sure Mom and Dad will love it, too!" "I'm glad at nagustuhan mo, Nady. You should keep that, okay?" "Pero, ‘di ba po mahal po ito? Dad don't allow us to wear too expensive jewels. We only use them in the party and special occasions." "That is not too expensive, Sweetie. Muntik lang naman maubos ang kayamanan ng lolo mo. Haha!” biro ko sa bata. "Are we poor now because of this necklace, Tita Xy?” tanong ng inosenteng bata. I touched the tip of her nose and smiled at her. "That won't happen, Nady. That necklace is not too expensive." I answered and winked at her. Napalabi naman si Nady sa akin na mukhang hindi naniniwala. Well, hindi ko naman mabobola si Nady pagdating sa mga alahas. She's just five years old pero daig pa niya ang ahente sa mga pawnshop kung kumilatis ng mamahaling bato. No wonder. Because Sienna owns lots of it. Pero ayaw ni Xander na ipangalandakan ng mag-ina ang mga alahas na iyon. I understand my brother though. Xander was only worried about their safety. "Thank you so much, Tita Xy! I promise I'll take care of this until I get old,” saad niya at niyakap ako nang mahigpit. "Hindi ko po iwawala,” She added. "Thank you, Sweetie." "Can I show this to Grandma and Grandpa?” kumikislap ang mga matang tanong niya. "Sure." "Yes!” hiyaw niya at niyakap ako uli nang mahigpit. "I'll go to their room, Tita! You wanna come?” excited nitong sagot. "After you, Princess." Mabilis niyang binuksan ang pinto at lumabas leaving the door widely open. Napapailing lang ako habang tumayo na at sinundan si Nady papunta sa kuwarto ng Lolo at Lola niya. "Get out!” narinig kong sigaw ni Dad. Nagmadali akong pumasok sa kuwarto niya at nakita kong nakaupo siya sa gilid ng kama nila ni Mommy at kaharap si Nady. But Mom's not inside. "Grandpa, I just want to show you something…”usal ni Nady sa garalgal na boses. "Nadine, please! Huwag mo na akong istorbohin! It's past nine at dapat ay natutulog ka na sa silid mo!" "But Grandpa..." "Just leave me alone, Nadine. Matulog ka na." "Grandpa, I'm here to show you what Tita-" "I'm not interested, you brat! I said get out!" Hindi ko na mapigilan ang lapitan sila at hilahin si Nady papunta sa likuran ko. I saw her tears stung on her eyes nang sigawan siya ni Daddy. "Dad! Ano ka ba naman! Bakit mo naman sinisigawan ang apo ninyo?" "Take her away from me, Xyra! Ayoko makita ang pagmumukha ng batang iyan!" "Daddy!” bulalas ko. Hindi ako makapaniwalang pagsasalitaan niya ng ganito ang apo niya. Alam kong mabigat ang loob niya kay Sienna at sa pamilya nito pero pati ba naman bata idadamay pa? "Take her out,” mariin na sabi ni Dad. "You were so hard with the child, Dad! Baka nakakalimutan mong anak siya ni Xander! Hindi ka man lang naawa sa bata! May gusto lang namang ipakita sa iyo pero itinataboy mo!" "Baka nakakalimutan mong ama mo ako at wala kang karapatan para pagsabihan ako! You are just my daughter!” dumadagundong ang boses na sagot ni Daddy. Hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng galit. "Yeah, I am just your daughter. I was never a family to you. Just your puppet daughter!" "Stop! Please stop! I don't wanna stay here anymore!” sigaw ni Nady at paglingon ko ay malakas na pagsara ng pinto na lang ang narinig ko. Tinalikuran ko si Daddy at pinuntahan si Nadine sa kuwarto niya. Pabukas ko ng pintuan ay hindi ko nakita si Nady sa loob. I searched for the closets, sa banyo at sa dressing room niya. Wala. Sinilip ko ang bintana at nakita ko si Nady na pabukas ng gate. "Nady, no!" sigaw ko pero hindi ko alam kung narinig niya. Alas nueve na ng gabi at sa mga oras na ito ay nagpapahinga na ang mga katulong sa mga silid nila. Nang sumilip ako uli sa bintana habang pababa ay nakita kong nasa kalsada na si Nady at may paparating na sasakyan. I hurried down the stairs at sinundan si Nady sa labas. Oh, s**t! If something happened to her, mananagot ako kay Xander! "Hey!” malakas na sigaw ko sa kotse na pinagsakyan kay Nady. Oh, God! Bakit nila isinakay si Nady? s**t! Mabilis akong bumalik sa loob ng gate at tinungo ang kotse ko. Paglabas ko ng gate namin ay agad kong sinundan ang kotseng itim na may plate number na ALM 161. Kinapa ko ang cellphone ko and pressed the speed dial. Mamaya lang pagkatapos ng dalawang ring ay sinagot iyon ni Xander. Sobra akong kinakabahan at hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin! "Ate...” Xander murmured. Na set ko kasi sa loudspeaker kaya hindi ko na kailangan pang hawakan ang phone. "Xan…" kinakabahang sagot ko. "What is it? Any problem?" Ilang beses akong napalunok habang hinahanap ang kotseng itim na pinagsakyan kay Nady. "Ate? May problema ba?” tanong uli ni Xander. I swallowed a lump on my throat and bit my lower lip. "Si- Si Nady..." "Si Nady? What happened to her?” tanong ni Xander na halatang nagising ang sistema nang marinig ang pangalan ng anak. Narinig ko rin ang boses ni Sienna na marahil ay katabi lang ang kapatid ko. "Naisakay siya sa isang kotseng itim,” mabilis na sagot ko. Pakiramdam ko ay sinasakal ako at anumang oras ay malalagutan ako ng hininga. "Naisakay?” dumagundong ang boses ni Xander. "Paanong naisakay? At bakit nasa labas ng bahay ang anak ko ng ganitong oras?” bakas ang galit sa boses ni Xander. "Xander, please! Tulungan mo muna ako. Mamaya na ako magpapaliwanag! We need to find Nady! And please! Look for a black Hi-lux. Plate number ALM 161. Pull some strings, Xan." "I'll kill you for this, Ate!” maanghang na sigaw ni Xander na nagpangiwi sa akin. "Kill me later. We need to find Nady first." Sienna's POV "Xander, please tell me! What happened to my daughter? Please tell me!" Hindi na maampat ang luha ko habang nakasunod kay Xander na nagbibihis ng damit. Tumawag si ate Xyra at may nangyari kay Nady! Oh, my God! Hindi ko kaya kapag may nangyari sa anak ko! "Lovey, calm down okay? Tatawagan ko lang si Shin at Ethan. Magpapatulong akong maghanap kay Nady." "How can I calm down?! Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa anak ko! How am I supposed to calm down!" "Lovey, maibabalik sa atin si Nady. Trust me, okay?" Patuloy lang ako sa pag-iyak. I trust my husband, no doubt about that pero bakit hindi ko magawang magtiwala ngayon? Hindi ko magawang magtiwala hangga’t hindi ko nahahawakan ang anak ko. Hindi ko kayang magtiwala sa kahit anong sasabihin nila hanggat wala sa akin ang anak ko! Oh, Nady! "Xander, sasama ako. Sasama ako sa ‘yo, please! Pasamahin mo ako. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko makita ang anak ko, please!” pagmamakaawa ko. "Alright. We'll find her, lovey. Maibabalik sa atin si Nadine." Tumango ako habang hindi pa rin maampat ang luha ko. If something happened to my daughter, hindi ko mapapatawad ang mga taong naging dahilan nito! "Glenda!” tawag ni Xander sa kasambahay. "Seniorito?" "Watch for Gab. Aalis kami ni Sienna,” bilin ni Xander. "Ano po bang nangyari?” takang tanong ni Glenda. "Huwag ka munang magtanong. Kailangan na naming umalis." "Sige po. Mag-iingat po kayo,” bilin ni Glenda at magkasunod na kami ni Xander na lumabas ng bahay. Habang nasa loob kami ng kotse at binabagtas ang kahabaan ng daan ay kung sino-sino na ang tinatawagan ni Xander. Pagkatapos niyang tawagan sina Shin at Ethan ay ang ninong ng kambal na military chief officer naman ang tinawagan niya at kung sino-sino pang pulis na mataas ang ranko. Siguro ay mas mapapadali niyon ang paghahanap kay Nady. Habang ako ay hindi tumitigil sa pagdarasal na sana ay walang nangyari sa anak ko. "Xan, please call Ate Xyra. Alamin mo kung nasaan siya." "I already did that. Sinabi niyang mukhang palabas ng Maynila ang kotseng pinagsakyan kay Nady." "Kung ganoon si Ate Xyra na lang ang sundan natin! Sigurado akong may ibang pakay ang taong kumuha sa anak ko!" "Yes, lovey. Pupuntahan natin si ate Xyra. Sana lang ay hindi mawala sa paningin niya ang sasakyang iyon. Pinaabangan ko na rin ang kotse roon sa maaring madaan nila." "Oh, God, Xander! Mamamatay ako kapag may nangyaring masama sa anak ko!" "I won't let that happen, Sienna." Xyra's POV Napakunot ang noo ko habang sinusundan ang kotse. What the hell? Papasok na 'to ng Tagaytay, ah? Saan nila dadalhin ang pamangkin ko? I'm nervous about Nady. She's wearing a necklace worth millions at marahil ay nakita na iyon ng may-ari ng sasakyan! Walang sinumang tanga ang hindi pag- iinteresan ang kuwintas na iyon! Oh, God! What have I done? Baka ikapahamak pa iyon ng pamangkin ko! Napakislot ako nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. "Xander,” sagot ko. "Tinatahak ng kotse ang daan papasok ng Tagaytay. Magpadala ka ng tao sa bawat intersection na maari nilang likuan. Okay,” sagot ko at sinulyapan ang phone ko. Nang ibalik ko ang mata sa daan at napamura ako. s**t! Nasaan na 'yong kotse? Itinabi ko ang sasakyan at bumaba ng kotse. Imposible namang mawala agad ang kotseng iyon! Wala masyadong sasakyan sa daan at kung sakaling nalingat ako sandali ay hindi pa rin mawawala sa paningin ko ang kotse dahil wala namang intersection dito. Maliban na lang kung... Huwag naman sana! Papasok na ako sa loob ng kotse ko nang makarinig ako ng ingay ng mga sanga ng kahoy na para bang nagkandabali iyon. Hinanap ko iyon at napaatras at nagulat ako nang biglang may sumabog at sumiklab ang apoy mula sa mababang parte ng lupa! Oh, God! Nahulog sa bangin ang kotse at sumabog! Parang biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko habang pinapanood ang pagliyab ng sasakyan! Nauupos akong napaupo sa sementong kalsada at unti-unting bumukal ang luha sa mga mata. Parang sasabog din ang puso ko! This can't be happening! Oh, God! Nadine!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD