Chapter 7

1735 Words
Xyra's POV Kumilos ang mga paa ko para bumaba sa kinaroroonan ng kotse ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay napatigil na ako. May kung anong sumabog pa sa nagliliyab na sasakyan! Oh, my God! Nadine! Oh, God! Piping hiyaw ko sa isip. Pakiramdam ko ay na blangko ang utak ko at namamanhid ang katawan ko. Walang tigil ang malakas na kabog ng dibdib ko na para bang iyon na ang huling pagtibok ng puso ko. Oh, my God! What have I done? Napahagulgol ako ng iyak nang bumalik ako sa kotse at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Xander. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang cellphone. "Ate…” mariing saad ni Xander. "Xan…” I whispered. Pinigil ko ang pag-alpas ng hagulgol sa lalamunan ko. Isusumpa ako ni Sienna at Xander dahil sa nangyari! "Ate, may nilagay na akong tao sa maaaring daanan ng sasakyang kumuha kay Nady. Where are you?" "Xan... si Nadine..." "Anong nangyari, ate Xyra?" Umalpas ang malakas na iyak sa lalamunan ko. Hindi ko mapigil. Sobrang nadudurog ang puso ko dahil sa nangyari sa pamangkin ko. "Xan… ang kotse..." I can’t contain my sob. "What? Ate Xyra, tell me now! You're killing me of suspense! f**k!" "Xan… I'm sorry. I'm so sorry! I didn't mean it to happen! Oh, God! Please forgive me." "Ate, what are you talking about? Ano ang nangyari sa anak ko?" "Xan..." Naputol ang gusto kong sabihin nang marinig ko ang sirena ng paparating na dalawang magkasunod na police car. Huminto iyon ‘di kalayuan sa kotse ko at nakita ko ang dalawang ducati na dumating din kasabay ng dalawang police car. Nakita kong bumaba sina Ethan at Shin sa motorsiklo at mabilis na lumapit sa akin. "Xan, Ethan and Shin are here…" "Papunta na kami…” sagot ni Xander sa kabilang linya. "Xan, wait..." Hinawakan ko nang mahigpit ang phone nang marinig ko ang end tone niyon. Napahikbi ako lalo dahil nakikinita ko na ang magiging reaksyon ni Sienna at Xander. Oh, God! "Ate Xy...” tawag ni Ethan ngunit nang mapatingin sa nagliliyab na sasakyan ay napamura. "s**t!" Nagtatanong ang mga matang tumingin sila sa akin. Hindi ko mapigil ang paghagulgol. "I'm so sorry. I'm so sorry." "Kasama ba si Nady sa kotse na 'yan?” paninigurado ni Shin. Marahan akong tumango. Narinig ko ang malakas na pagsinghap nilang dalawa at hindi napigil ni Ethan at Shin ang sunod-sunod na pagmura. They love Nady to destruction. Nady is their precious Princess. Oh, God! Siguradong isusumpa din ako ni Levi kapag nalaman niyang ako ang dahilan nito! "Ate Xyra!" Napaangat ang ulo ko nang marinig ang boses ni Xander. Pakiramdam ko, nahihirapan na akong huminga. Nang makalapit ako sa kaniya ay muntik na akong bumagsak sa lupa kung hindi lang niya ako naagapang hawakan sa kamay. Nanghihina ang mga tuhod ko at parang anomang oras ay papanawan na ako mg ulirat. "Xan… Si Nady..." "Ate Xyra..." Nabaling ang paningin ko kay Sienna na dahan-dahang lumalapit sa amin. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga labi niya kahit ilaw lang ng mga sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa madilim na parte ng kalsadang iyon. Napapikit ako nang mariin dahil pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko. "Ka-Kasama si Nady sa-sa sumabog na ko-kotse!” usal ko sa nahihirapang tinig. "N-No! Hindi... Ang anak ko…" Napasalampak ako sa semento nang bitawan ako ni Xander para alalayan si Sienna. Hindi maampat ang luha ko. "Sienna!” bulalas ni Xander habang pigil ang asawang nagtatangkang bumaba sa nagliliyab na sasakyan. "Nadine! Nadine!” sigaw ni Sienna habang pilit na kumakawala kay Xander. Hindi ko alam kung paano ko ilarawan ang sakit sa mukha ni Sienna. Walang kasing sakit ang nararamdaman ng isang ina na nawalan ng anak, alam ko. At sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari kay Nadine. Oh, God! Si Gab. Gab will hate me forever because of what happened to her only sister! At hindi ko alam kung paano ko pa mapapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari! "Get the f*****g car! Get my daughter out of that damn car!” sigaw ni Xander. "Nady! Nady!” patuloy na pagtawag ni Sienna sa pangalan ni Nady. Hinawakan ako ni Ethan sa magkabilang balikat at itinayo. Wala akong naririnig kahit ano mula sa kanila ngunit para na akong sinasaksak ng konsensya ko. Kung hindi ako nagpilit na tumira sa amin si Nady ay hindi ito mangyayari sa kaniya. Halos isang oras ang lumipas at bumalik sa kinaroroonan namin ang mga police at medics na may dalang katawan ng bata sa stretcher. Halos hindi na makilala ang bata dahil sunog ang buong katawan nito. Gusto kong panawan ng ulirat dahil sa sinapit ni Nady! "May nakita hong bangkay ng bata sa kotse at bangkay ng dalawa pang tao na sa hinuha ho namin ay ang kumidnap sa kaniya. Patay na ho sila sa pagsabog,” saad ng isang medic na lalaki. "Nooo!” sigaw ni Sienna bago siya nahimatay. "Sienna!” sigaw ni Xander habang hawak ang walang malay na asawa. Napasandal ako kay Ethan dahil para akong nawalan ng lakas. Sienna's POV "Nady!" Bigla akong napabangon at nilingon ang bakanteng espasyo sa tabi ko. Wala si Xander. Nandito ako ngayon sa kuwarto at nag-iisa. Nagsimulang bumukal ang luha ko nang maalala ko ang anak ko. "Nady... My Nady...” usal ko habang pababa ng kama. "Xander…” tawag ko habang umiiyak. Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko dahil ang tagal kong makarating sa pinto. Paglabas ko ng kuwarto ay may naririnig akong sigawan sa ibaba ng bahay. Naririnig ko ang malakas na sigaw ni Xander at ang umiiyak na si ate Xyra. Nanghihinang napaupo ako sa puno ng hagdan habang tahimik na umiiyak. Parang hinihiwa ng ilang libong blade ang puso ko. God! Sobrang bata pa ng anak ko para danasin niya ang ganoon! Hindi siya dapat nakasama sa pagsabog ng kotseng iyon. Iisipin ko pa lang na makikita kong ililibing ang sarili kong anak, pakiramdam ko durog na durog na ang puso ko. "Tell me ate Xyra! Maibabalik ba ng paghingi mo ng tawad ang buhay ng anak ko? Hindi ko maintindihan kung bakit nakalabas ng mansion ang anak ko! You were supposed to take care if her!” dumadagundong na parang kulog ang boses ni Xander. "You even assured us not to worry about her! Nagtiwala ako. Nagtiwala ako sa inyo lalo na sa iyo dahil akala ko hindi ninyo siya pababayaan! Damn you!" I bit my lower lip para pigilan ang pag-alpas ng hagulgol sa lalamunan ko. Nadine is my only daughter at mahal na na mahal ko siya higit pa sa buhay ko. She has so much plans growing up. Hindi pa niya nakokolekta ang lahat ng istilo ng damit para sa mga barbie dolls niya. Hindi pa siya nakakapag debut. Hindi ko na siya makikitang humagikgik. Hindi ko na siya makikitang nayayamot kapag inaasar siya ni Gab. I won't be able to see her smile. I won't be able to tie her hair. Won't be able to send her to school. Won't be able to hug her. Won't be able to kiss her goodnight. Forever. It breaks my heart into million pieces at kailanman ay hindi na mabubuo ang puso ko dahil sa pagkawala ni Nady. Not anymore. "Xan... Hindi ko sinasadyang mangyari iyon. I'm sorry! Alam kong hindi mo ako mapapatawad. Sabihin mo kung ano ang kailangan kong gawin, Xan.." "Wala kang magagawa para maibalik ang anak ko, ate Xyra. Makakaalis ka na." "Xan..." "Get out!” pagtataboy ni Xander. Nakita kong humahangos na dumating sina Nanay at Daddy. Magkasunod lang silang dumating ng mga magulang ni Xander. Agad akong nakita ni Nanay at mabilis siyang lumapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit na lalong nagpaiyak sa akin. "Anak…” nahihirapang sambit ni nanay. "Wala na si Nady, Nay. Wala na siya…" Naramdaman ko ang paghaplos ni nanay sa likod ko na lalong nagpabigat ng loob ko. My silent cries turned into sobs. Kailangan kong mailabas lahat ng sakit ng dibdib ko dahil para akong mauubusan ng hininga sa pagpipigil ng sakit. Hindi kasya sa puso ko ang sakit na nararamdaman ko. "Xander…” narinig ko pang usal ni Mommy Celes. "Let's go Xyra!” malakas ang boses na saad ni Daddy Gabriel nang marinig ang pagtataboy ni Xander kay ate Xyra. "No, Dad! Hindi ako aalis dito!" ganting sagot ni ate Xyra. "Ikaw Dad?” patuloy nito? "Hindi ka ba hihingi ng tawad kay Xander? Hindi ka ba nakokonsensya?" "Anong kinalaman ni Daddy, ate Xyra?" "Why would I?" Napatingin ako sa kanilang apat kasama si Daddy na tahimik lang na nakikinig. "Ikaw ang dahilan kung bakit umalis si Nady ng bahay, Dad! If you're not as heartless as you are now hindi magdaramdam si Nady at hindi niya maiisipang lumabas ng mansyon!” Hindi napigilang bulalas ni ate Xyra na nagpapatda kay Daddy Gabriel. Napatayo ako at dahan-dahang bumaba ng hagdan kasabay si Nanay. "Ikaw…Ikaw ang dahilan…” sambit ko. "Don't put the blame on me para lang may sisihin kayo. Be careful with your words, Sienna,” banta ni Daddy Gabriel. "Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko!” sigaw ko at hindi ko napigil ang pag-angat ng dalawang kamay ko at itulak ang Daddy ni Xander. "Lovey!” nabiglang bulalas ni Xander at pinigilan ako para sa muling tangka kong itulak ang ama niya palabas ng pinto. "Get your hands off me! Siya ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko!" "Lovey..." "Get lost! You all get lost!" "Lovey, calm down. Makakasama iyan sa ‘yo." Hindi ko napigil ang pag-angat ng kamay ko papunta sa mukha ni Xander. Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Mommy Celes at nanay sa tabi namin. Hinawakan ako ni nanay sa braso ngunit pumiksi lang ako. "Kasalan 'to ng Daddy mo. Kasalanan 'to ng pamilya mo! Kung hindi nila pinilit na umalis dito ang anak ko, sana nandito pa siya! Sana buhay siya!" "Lovey..." "Kung nakinig ka lang sana sa akin. Kung nakinig ka lang sa hiling ni Nady bago siya pumunta sa bahay na 'yon. Kung pinagbigyan mo lang sana ang hiling niya..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil gusto nang sumabog ng puso ko sa sakit at pighating nararamdaman ko. Mabilis akong tumalikod at umakyat ng hagdan. Narinig kong tinawag ni Xander ang pangalan ko ngunit walang puwang ang kahit sinong Rodriguez ngayon sa puso ko. Pumasok ako ng kuwarto at ni-lock iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD