Xander's POV "Leave me alone!" Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang sigaw ni Sienna. Mula nang mailibing si Nady kahapon ay hindi na siya lumalabas ng kuwarto. Walang kinakausap at hindi lumalabas ng silid para kumain "Lovey, you need to eat,” wika ko na tiningnan ang dala kong tray ng pagkain. "I said leave me alone, Xander!” muli ay sigaw niya. "Dad…” narinig kong tawag ni Gab. Nakita ko siya sa tabi ko at matiim ang mukhang nakatingala sa akin. Mula nang malaman ni Gab na wala na ang nag-iisang kapatid, isang beses ko lang siyang nakitang umiyak. Noong dinala si Nady sa morgue. Kahit kahapong inilibing si Nady ay hindi ko siya nakitang umiyak. Nakatingin lang siya at blangko ang ekspresyon ng mukha. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng anak ko. "I'll try to ta

