Pabagsak na napaupo sa couch ng kanilang mansion si Alejandro, habang nakapikit. Hindi niya mapigilan ang galit sa ginawa sa kanya ni Raymond. Hindi rin niya aakain na malalaman nito ang lihim niyang ginagawa. Lalo na ang tungkol sa pagiging pinuno niya sa sindikato. Naging pabaya siya sa ginawang palihim na kilos ng mga ito. Maging si Alexander na dating kasama sa sindikato niya. Naikuyom niya ang kamay niya at kinuha ang cellphone. May tinawagan siyang isang tao. "Hello?" "Tawagan mo ang lahat, may pag uusapan tayo," sabi niya dito. "Okay sir," sagot nito. Binaba niya ang tawag at muling tumayo upang lumabas. Sumakay siya sa kotse at umalis. 'Hindi ko palalagpasin ang ginawa niyo sa akin," sambit niya sa sarili. Samantala, seryoso namang nakatingin si Venice sa pag al

