CHARMIEN' POV Mabilis lumipas ang mga araw. Naging tahimik ang mansion simula noong umalis si ate Venice. Sinabi ko kay kuya na umalis ito kasama si Enzo. Wala akong nakuhang salita sa kanya at mukhang gusto rin niya iyon. Nakikita ko pa rin sa mga mata ni kuya ang galit niya. Nalaman ko nitong nakaraang araw, na tinanggal na siya bilang share holder ng kompanya ni Raymond. Kahit do sabihin ni kuya ay alam ko naman ang dahilan. Dahil na rin sa narinig kong pagtatalo nila ni ate Venice noong nakaraang araw. Nasisiguro ko rin na may mas malalim pa iyong dahilan. Wala na rin akong balita kay Alexander, gustuhin ko mang makita siya at kausapin ay ayoko naman. Nahihiya pa rin ako sa kanya at naroon pa rin ang pagkadismaya sa mga nalaman ko. Ngunit tulad ng sabi ni ate Venice. He deserve to b

