Inihinto ko ang kotse kong dala sa harapan ng isang building. Binasa ko ang nakalagay doon. Acosta's industrial company. Isa mga kilalang company na nagpapalakad ng mga Casino. May private agency din sila at isa din sila sa may ari ng mga call center agent. Iyon ang nalaman ko noon, noong nagtatrabaho pa ako kay Alejandro. May ilang napapatingin sa direksyon ko at nakita kong nag uusap ang mga ito habang napapatingin sa kotse kung nasaan ako. May napansin akong isang guard na lumapit. Kaya naman bumaba ako sa kotse at bahagyang nagulat pa ang guard dahil sa postura ko. Nakasuot kasi ako ng isang black suit at pinarisan ng black pants. Inayos ko bahagya ang neck tie at tumingin sa guard. Hinubad ko ang suot na sunglass at may kinuha akong case sa kotse saka ko binigay ang susi sa kany

