ALEXANDER POV "Binigyan ko nang trabaho si Alejandro at alam kong hindi niya iyon matatanggihan," sabi sa akin ni Raymond habang kausap ko siya sa cellphone. "Binigay mo ba ang trabahong tungkol doon sa itatayo niyong Casino sa batanggas?" tanong ko sa kanya. "Yes, at mukhang matatagalan siya doon kaya naman may pagkakataon kang makita at makasama si Venice," sabi niya at sigurado akong nakangisi siya ngayon dahil sa kanyang sinabi. Bahagya rin akong napangisi. "Sabagay, iyon naman talaga ang trabaho niya bilang isang engineer. Mahusay siya at nakakabilib na nakuha mo siya," sabi ko sa kanya. Kilala ko na noon ba na isang magaling na engineer si Alejandro. Maraming kumukuha sa kanya at ang ilan doon ay tauhan niya ang gumagawa pero siya ang nagsasabi sa mga ito. Kaya

