Habang nasa elevator sila ay nararamdaman ni Alexander ang inis ni Venice kay Ruby. Hindi niya alam kung bakit, pero sa tingin niya talaga ay may nakaraan ang dalawa. "Good morning Mrs. Torres," bati ni Ruby kay Venice. Ngunit wala itong tugon kaya hinayaan naman nang isa. Hindi naman mapigil ni Venice ang inis niya sa babae, dahil sa totoo lang ay matagal na siyang naiinis dito. Malandi kasi talaga ang babae at isa ang asawa niya ang nilandi nito. Nahuli niya kung paano akitin ni Ruby si Alejandro kaya sa galit niya noon ay gusto niya itong ipatanggal. Ngunit hindi niya magawa dahil nga tauhan ito ni Raymond. Tapos ngayon ay kasama niya ito sa elevator, maging si Alexander. Nakikita niya pa kung paano tumingin ang babae sa lalaki, na lalong ikinainis niya. "For all I know, you're not

