Hindi agad nakakilos si Alexander dahil sa paghalik sa kanya ni Venice. Marahan niyang ninanamnam ang halik nito, hanggang sa tumutugon na siya dito. Marahan silang nagpapalitan ng halik, na tila ba naalala nila pareho ang halik na noon nila binigay sa isa't isa. Mayamaya ay pareho silang bumitaw sa halik at napatitig sa isa't isa. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Alexander matapos ang kanilang halik. "Gamitin mo ako laban kay Alejandro, pagbabayaran ko ang kasalanan ko saiyo. Magiging daan rin iyon para makapaghigante ka sa kanya," seryosong sabi ni Venice sa kanya. Hindi alam ni Alexander kung sasang-ayon siya sa sinabi ni Venice. Iyon naman talaga ang plano niya pero nagugulat pa rin siya dahil sa nais nito. "Hindi ko alam kung matatanggap ko ang gusto mo," sa halip na sabi ni

