Kinagabihan, ay nagpaalam si Venice kay Alejandro na maglakad-lakad muna sa labas. Nagkataon namang abala sa telepono ang asawa at may kausap kaya hinayaan siya nito. Samantalang si Charmien ay nagpapahinga na rin dahil sa pagod. Kaya naisipan niyang lumabas. Habang papalabas siya sa hotel ay may nakita siyang pamilyar na lalaki habang naglalakad sa labas. Kinilala niya itong mabuti at napagtantong si Alexander ang nakita niya. Nakapamulsa ito habang naglalakad patungo sa dalampasigan. Wala sa sariling sumunod siya dito. Malayo ang distansya nila kaya hindi agad siya nito mapapansin. Marami pa rin tao sa paligid na naliligo at nagkakasayahan. Nanatili siyang nakasunod kay Alexander hanggang sa makita niya itong pumasok sa isang open bar. Nakikita niya may nag iinuman doon at may kumakantan

