Tiningnan ni Venice ang sarili sa salamin at hindi maiwasang mapangiti. Inikot pa niya ang sarili habang nakatingin pa rin sa salamin. Nakasuot siya ng itim na backless dress na hanggang tuhod niya at may kunting hiwa sa gilid nang heta. "You look so beautiful, ate," papuri sa kanya ni Charmien. Ito ang naging make-up artist niya dahil magaling din itong mag make-up. Nakangiti siyang tumingin kay Charmien. Kaya humanga rin siya sa suot nitong kulay light pink na dress, na hanggang heta nito. Simple lang ang damit pero mas bumagay ito sa dalaga. "Your so beautiful too, Charmien. Hindi na ako magtataka kung may mahuhumaning sa ganda mo ngayong gabi," papuri rin siya sa hipag. Napangiti lang ito sa kanya. Mayamaya ay bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan sila at nakita nila si Alejandr

