ALEXANDER'S POV Inayos ko ang ilang papelis at mga gamit na nasa mesa. Habang nagliligpit ako ay may kumatok sa pinto at pumasok si Chandri. "Hello, Chandri," bati ko sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango sa akin. "May pinadala akong suit saiyo doon sa apartment mo. Gagamitin mo iyon bukas nang gabi dahil wedding Aniversarry nina Mr and Mrs. Torres. Kailangan mo raw iyon paghandaan. Iyon lang," sabi niya. Tumango ako sa kanya bago siya muling naglakad palabas. Nang makalabas siya ay napasandal na lang ako sa upuan. Wedding anniversary? Wedding aniversarry nila. Ang araw kung kailan nasa kulungan na ako. Napailing na lang ako at napayuko. Mariin kong napakuyom ang kamay ko, matapos kong maalala iyon. Hindi ba alam ni Venice kung gaano iyon kasakit sa akin? Aniversarry p

