CHARMIEN'S POV Maaga akong nagising at dahil naiinis pa rin ako kina kuya ay hindi na ako sumabay sa kanilang kumain. Paalis na ako nang masalubong ko si ate Venice na papasok sa mansion. Nakita niya at seryoso lang ang tingin niya sa akin. Akala ko ay pagsasabihan na naman niya ako tungkol kay Alexander, pero nilagpasan niya lang ako. Hindi ko narinig na magsalita siya kaya huminto ako at bumaling sa kanya. Napairap na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Charmien!" Narinig ko ang boses ni kuya pero hindi ako huminto at nagpatuloy ako sa paglalakad deretso sa kotse ko. "Charmien! Ano ba!" muling tawag ni kuya at agad na hinawakan ang braso ko. "Bakit ba?" inis kong sabi sa kanya. "Sumabay ka sa aming kumain," mahinahon niyang sabi. "Wala akong gana kaya aalis na

