Levi POV:
"Dine in po or Take out?"
"Take out yang last order, and dine in yung isang meal..."
"ok sir, noted po..."
Nandito ako ngayon sa fastfood na malapit sa house ko... umoorder na lang ako ng lunch namin ni Ion, nag iisa syang anak na lalaki ng kapatid ko... dito din naman kami magkikita ng pamangkin ko, since walking distance lang ito sa school nya...kakain na lang muna ako habang hinihintay sya...
Naupo na muna ako malapit sa entrance para madali ako makita ni Ion...
"Levi?"
"Eric! kamusta!?"
Napatayo ako at nakipagkamay sa kanya..
"ikaw ang kamusta!? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Ano? Ok ka na ba?"
"ah.. oo naman..."
"buti naman... sino kasama mo?"
lumingat-lingat sya para tignan kung may kasama nga ako
"Wala... hinihintay ko lang yung pamangkin ko... nag ibang bansa na kasi si Lisa at ang asawa nya kaya ako na muna makakasama ng bata.. eh ikaw? Sinong kasama mo?"
"yung misis ko... ayon sya umoorder.."
Sabay turo nya sa asawa nya na nakapila sa may counter..
Naupo muna kami habang hinihintay nya asawa nya, tinuloy ko ang pagkain ko habang nagk-kwentuhan kami...
"parang kalian lang, nangh-hunting pa tayo ng chicks noh? ngayon seryoso na ko sa asawa..."
"haha! Oo nga eh..." Pag sang-ayon ko naman dito...
"so, May trabaho ka ba?"
"kakabalik ko lang dito satin last month... kaya wala sa ngayon... siguro s-sideline, sideline na lang muna ako... madami naman akong ipon na pera ngayon... saka na ulit ako mag-aapply ng trabaho..."
"Sabagay... tingin ko madali ka naman matatanggap... Ikaw pa..haha!"
"hon, tara na.."
Napalingon ako sa babaeng nagsalita.. iyon pala ang asawa ni Eric..
"hon, si Levi pala, kababata ko... naalala mo pa ba sya? Levi, misis ko pala si Danica."
"hi.." bati ko dito
"ah oo... sya yung bestfriend mo nung college ka na nakita ko sa pictures mo..."
"oo sya nga yon..so pano Levi, uwi na kami at baka naghihintay na mga anak namin... minsan pumunta ka sa bahay at magshot tayo... pakitaan mo kami ng mga magic mo ulit.."
"haha! Sige try ko, ingat kayo...."
Si Eric ang matalik kong kaibigan nung kolehiyo, sya yung masasabing partners in crime ko nung mga bata pa kami. Marami din kaming pinagsamahan nito.
Parang kalian lang...
Anyway, Tinuloy ko na lang ang pagkain...
At hanggang ngayon wala pa din ang pamangkin ko.. antagal naman non...
Nagpunta na lang muna ako malapit sa washroom kung saan may washing area sa gilid...
Habang naghuhugas ako ng kamay, may dumaan na babae na dahilan para mapalingon ako, hind sya ganon katangkaran, mahaba ang buhok at ang puti ng kutis nya...
Mukang pamilyar ang pormahan, at tingin ko, kilala ko sya...
"M-..." napatigil ako...
Papasok kasi sya sa CR ng girls...
so hihintayin ko na lang sya paglabas...
Pumwesto ako malapit sa Counter at hinintay ko na dumaan sya dito....
Ilang sandali lang...
Ayan na sya...
"ok na ba?" tanong nya sa cashier
"yes po mam, thank you po, balik po kayo." Sagot ng cashier sa kanya
Napatitig ako sa kanya habang inaabot yung order nya...
Nakashades sya na black, naka jeans at sleeveless na white...
Taon na ba talaga lumipas? Pero bakit parang wala naman nagbago sa kanya? Hindi man lang sya tumaba or pumayat, pero naging mas sexy sya ngayon...
Pagtalikod nya sa counter..
"Maya.."
don ko lang naalala na makikipagkamustahan nga pala ako sa kanya...
Lumingon sya sakin at binaba nya yung shades nya ng konti...
"yes?" nilapitan ko sya...
"ako ito.. Levi..."
"L-Levi? anong kailangan mo?"
Ah! Antaray lang ah... gantong ganto din nung unang beses ko sya nakausap dati... antaray ng dating...
"ahm..... k-kamusta? Long time no see..."
"0-ok naman.. sorry but do I know you?"
Napakunot ang noo ka at nagtataka na bakit hindi nya ako kilala, may memory loss ba ito para hindi ako makilala?
"y-your.. College friend?" Yan na lang ang sinabi ko since hindi ako sure kung nagpapanggap ba ito na kilala ako o iniiwasan lang ako dahil........
Napatingin sya sakin na parang iniisip kung magkakilala nga ba kami...
"okay....Ahm hi? I think I need to go now, nagmamadali kasi ako. nice meeting you."
tumalikod na ito sakin at akmang aalis
"Wait!"
Sabi ko dito at sinabayan syang lumabas. Pinagbukas ko sya ng pinto..
"Kamusta ka? ano ng balita sayo? dumating dito kanina si Eric ah, nagkita ba kayo?" Tanong ko sa kanya... Huminto ito sa paglalakad at tumingin sakin..
"Close ba tayo?" Nagulat ako sa tanong nito na parang ayaw ata ako makamusta na sa lalim ng pinagsamahan namin, parang wala na lang ako sa kanya.
"o-oo?" sagot ko na lang..
May kinuha sya sa pouch na dala nya... card..
At inabot sakin... contact number nya...
"Here's my contact number, nagmamadali kasi ako if you have important things to say you can message me in that number, mauna na ko ha? pasensya na..."
"ok, bye.."
Umalis na sya at pumunta na sa sasakyan nya.
"Tito Levi!"
Lapit sakin ng pamangkin kong si Ion.. hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala sya kung hindi nya ko tatawagin dahil sa pagkakatitig ko sa pag-alis ni Maya..
FLASHBACK:
11 YEARS AGO...
1 week na simula nung pasukan pero andami pa din nag-eenroll.. ganun naman dito sa school namin.. tinatanggap pa din kahit late enrollees na eh...
Nakatambay kami ni Eric dito sa Lobby ng School na pinapasukan namin, vacant din kasi...
Tumitingin sya ng chicks na pwede namin maging prospect...
"last year na natin dito ano? Dapat yung pinaka the best na chicks makuha natin this year..."
Sabi sakin ni Eric... ngumiti lang ako..
at binuklat na lang yung libro na hawak ko, nakakasawa na din kasi yung trip namin na yun ni Eric, gusto ko ng bagong trip..
"ayun oh! Oy Levi! Akin na yun ah!" tumayo na sya at lumapit dun sa babae..
Maganda nga yung chicks na tinuro nya... pero hinayaan ko na lang...
Tumingin ako sa relo ko at 5 mins. na lang pala bago magstart ang next subject namin..
Pag tayo ko napatingin ako sa entrance..
Naistock ako sa kinakatayuan ko..
at napatingin sa babae na bago lang sa paningin ko...
Maganda sya, hindi ganon katangkaran, maputi at mukang maporma...
Huminto sya malapit sa guard at mukang nagtanong...
Siguro transferee or freshmen yon, dahil ngayon ko lang sya nakita...
Nagsimula na sya maglakad at umakyat na sa hagdan na malapit sa Elevator..
Dun ko lang naisip na, bakit hindi ko nga ba nilapitan?
Umakyat na din ako sa hagdan na inakyatan nang babae...
kakausapin ko sya, makikipagkilala ako at hihingiin ko number nya...
kumbaga sa pangch-chicks na ginagawa namin ni Eric, parang ito na yung babaeng gusto ko...
Pero pag-akyat ko... wala na sya di ko na sya makita...
"oy Levi!"
Si Eric yung tumawag sakin..
"Bakit bigla mo naman ako iniwan...?"
"h-ha? Hindi ka pa ba papasok? Time na oh..."
"ah oo nga... sige punta na muna ako sa room ko..."
"sige, mamaya na lang ulit.."
Hindi naman kasi kami magkaklase sa susunod na subject
Tinignan ko Registration form ko...
Dito na pala sa 3rd floor ang next na room ko...
Pagpasok sa room...
Nakita ko yung babae na hinahabol ko... nakaupo sya sa may likuran at wala syang katabi..
Pagsineswerte nga naman... kaklase ko pala sya...
Umupo ako sa tabi nya...
Sakto wala pang professor..
"hi.." lumingon sya na parang hindi nya napansin na tinabihan ko sya...
"Bago ka lang ba dito?" tanong ko sa kanya..
"yup.. why?"
"ah... ngayon lang kasi kita nakita dito sa School..."
Hindi na sya sumagot..
"pwede makipagkilala sayo?"
"Maya."
Hinintay ko sya magsalita pa, at kausapin ako.
"ahm. Levi nga pala.. Nice to meet you"
inilahad ko ang palad ko para makipagkamay. tinignan nya lang ito at bumalik ulit sa front ang tingin..
Luh! napahiya ako dun ah, di man lang nakipagkamay - sa isip isip ko
Dumating na yung prof namin.. kaya di ko na lang muna sya kinausap...
Muka atang mahirap kaibiganin ang isang ito ah, ang taray nya...
Pero sige, hindi ako susuko... napaka challenging ng ganto...
END of Flashback
MAYA's POV
"Mommy, sino yon?"
"uhm... A Friend?" sagot ko sa kanya habang nagd-drive ako..
"ah... Pupuntahan na ba natin ang Daddy?"
"No Baby... sabi ko we're going to your Lola..."
"ate, don ba tayo maninirahan sa bahay ng byenan mo?"
"Hindi.. dadalaw lang tayo dun... may sarili kaming bahay dito ni Kaiden.."
Kaiden yung name ng husband ko... Dadalaw lang kami sa mom nya ngayon..
Pagdating namin sa bahay ng family ni Kaiden..
"Baby, ayun si Lola mo... mag bless ka sa kanya..."
Tumakbo naman sya sa lola nya at nagbless..
"Ito na ba ang apo kong si Amaya.." sabay buhat kay Amaya..
Nagmano na din muna ako dito bago sumagot.
"yes Mom... bumili ako ng panglunch natin.. kumain na po ba kayo...?"
"hindi pa.. tara pumasok muna kayo..."
Pumunta na kami sa may Dining area para magprepare at kumain na din...
"Maya, bakit hindi na lang kayo dito tumira ni Amaya? 3 lang naman kami dito.."
"eh ma, sayang naman yung bahay na pinundar namin kung hindi namin titirahan... pupunta na lang po kami dito pag wala po akong trabaho.."
Pagdadahilan ko dito.
"3 months na lang pala at uuwi na si Kaiden.."
"oo nga po... tumawag na po ba sya sa inyo?"
"hindi pa nga eh.. mukhang nasa dagat pa ata yon kaya hindi makakontak..."
Marino kasi si Kaiden kaya minsan lang din kumontak.. saktong once or thrice a month...
"ngayon lang sya magtatagal sa barko ano? Pero ganon talaga lalo na bago pa lang sya bilang kapitan.."
Sabi ng Mom nya...
Bago mag 3pm umalis na din kami.... Dahil naghihintay naman ang Mom at Dad ko sa bahay na titirahan namin.. sila kasi nagpalinis at nagpapaayos don...
"ate bakit ba kailangan natin lumipat dito sa lugar nyo?"
"iyon kasi gusto ni Kaiden.. ayaw nya na magrent pa tayo sa manila.. at gusto nya dito na lang ako magwork.. buti nga sumama ka.. kung hindi, hahanap na ko ng kapalit mo..."
Biro ko sa kanya...
"Ay ate naman... syempre sasama ako... hindi ko na din naman kayang iwan ito si Amaya... diba Amaya..."
Sabay yakap nya sa anak ko... pag-uwi namin, sinalubong kami ng parents ko... at binuhat din ni Dad si Amaya...
"o Maya... sayo ko na iiwan ang business natin ha? Laking pasasalamat ko at pumayag ka na... napapagod na din ako sa pagt-trabaho.. ayoko naman ibenta ang opisina sayang naman yung stability ng negosyo natin..."
Noon pa lang gusto na ni mama na ako na mamahala sa Lending namin... tinanggihan ko lang dahil gusto ko din subukan mamasukan.. at dahil nagawa ko na yon ng tatlong taon... ok na ko na hawakan ang sariling negosyo namin..
"pero mama yung usapan natin next month na ko magstart don... gusto ko muna magpahinga sa trabaho kahit kalahating buwan lang..."
"oh sure.. no problem... nandon naman ang secretary natin.. mapagkakatiwalaan naman yun... basta pumasok ka agad don next month.."
"ok po..."
Pagkatapos ng mahabang kamustahan at kwentuhan umuwi na din sila... may tatlong kwarto ang bahay.. naisip ko yung isang kwarto gagawin na lang guest room or tambakan na lang ng mga gamit na hindi na masyado nagagamit..... lalo na tatlo lang naman kaming titira dito...
Tapos yung kwarto ni Amaya don na din muna matutulog ang yaya nya... sigurado naman na hindi nya kaya matulog mag-isa...
At yung kwartong may CR ang magiging master's bedroom...
Time to rest na.. pero bago ako magpahinga nagsh-shower muna ako pagkatapos ay magbabasa ng libro pampatulog..
Knock! Knock!
"mommy?"
"bukas yan pasok ka..."
Tumabi sya sakin....
"Mommy, pwede ba ako matulog dito?"
"oo naman... bakit? Ayaw mo ba sa kwarto mo?"
"hindi naman.. gusto ko din don.. tinatanong ko lang kung pwede ako dito matulog pag-gusto ko lang... pero kwentuhan mo muna ako ng binabasa mo bago ako lumipat don..."
"ok sige..."
Kahit binilhan ko na sya ng libro ay gusto pa rin ng anak kong binabasahan ko sya.. Ganto lang ang routine namin kahit nung nasa manila kami.