Chapter 2

1553 Words
Levi POV One week na din nakalipas since nakita ko sya... madalas ko sya tinetext pero hindi sya nagrereply.. pero nung tinawagan ko sya.. sinagot nya naman.. kaya lang mukhang madami syang ginagawa... but she said na pwede kami ngayong Friday magkita.... At ngayon yon.. Namimili na ako ng damit na susuotin.. napili ko yung black na vneck shirt ko at nag jeans na lang ako, then black shoes... naka brush up na buhok na medyo may kahabaan na.. 7pm pa lang pero prepare na ko.. sabi nya tatawagan nya daw ako kung san kami magkikita... Pero after 30 mins. 1 hr.. 2hrs... Antagal nya kumontak 9pm na... Tuloy pa kaya? At dahil naiinip na ko ako na lang ang tatawag... "hello Maya...? Asan ka na?" "who's this..?" "ako ito si Levi.." muka atang nakalimutan nya yung araw na ito... "Ay! Sorry Levi... nakalimutan ko..." Sabi na eh.. "uhm.. punta ka na lang dito sa bar, dito sa may acoustic band... ano nga ba name ng bar na ito.. wait text na lang kita..." Sabay baba nya ng tawag. obvious naman na nasa bar nga sya.. maingay kasi at halos di na din nya ko pinagsalita... Pagkatext nya sakin kung saan... pumunta na agad ako don at nakita ko sya nakaupo at the middle... may kasama syang girl at my iniinom sila na I think beer... kasi my bucket sa table nila... Lumapit na agad ako... "Maya..." Napalingon sya sakin... "hey! Sorry I forgot that we have plan today... maupo ka..." Dahil bilog naman yung table naupo ako kung san halos katabi ko silang dalawa... "Jenny, si Levi. Levi, si Jenny..." Nagshake hands kami nung Jenny at nakinig ulit sila ng banda... "Maya, uuwi na ako ha? Sorry kung di na ko magtatagal. May kasama ka naman na... Osha!" Pagpapaalam nito kay Maya "No worries, I understand..." "may kasama ka naman na eh... iwan ko na lang muna kayo... oy Levi, happily Married na yan si Maya... wala ka ng pag-asa dyan..." Sabi ni Jenny.. biro nya sakin but I know she mean it at umalis na din agad... tinawag ni Maya ang waiter at nag-ask ng isang bucket... "inom pa tayo..?" "umorder ka na eh... makakatanggi pa ba ko?" Hindi na sya nagsalita at nakinig na lang sa banda "buti nakakagala ka pa ng gantong oras kahit married ka na.. Where's your husband..?" "Kung nandito sya, sya sana kasama ko..." "bakit? Nasan ba sya.." "Work... long distance relationship kami.. at napag-usapan naman namin na pagfriday night ok lang na makasama ko ang bestfriend ko...but sadly, dahil lumipat na ako ngayon dito hindi kami makakapag kita ng madalas like we always did before..." "ah... I'm here... pwede naman ako makasama mo every Friday.." "may magagawa ba ko? Wala naman akong ibang makakasama.. lalo na si Jenny hindi ko na din ganon makakasama ngayon.. Meron kasi syang inaasikaso..." "I see... I can be your Companion.." "eh ikaw... baka naman biglang may sumugod na babae sakin dito... ayoko maiskandalo..." "hahaha! Hindi nya gagawin yon... Long Distance relationship din kami.." "oh really? E nasan naman sya ngayon?" "3 years ng patay..." sabi ko.. natahimik sya saglit... "sorry for asking you about her.." "no, it's fine.. nakamoved on na ko... pati matagal na din yon..." "ah ok..." Hindi na sya nagsalita.. at nakinig ulit sya sa band.. napapasabay sya don sa kumakanta... Tinugtog ng banda ang kantang Nothing's gonna stop us.. "theme song naming ng husband ko ito..." Sabi nito Napatango na lang ako like saying I hear it... "I always miss him. Ganto pala ang LDR" Humarap na ulit sya sa table namin at shnot na yung last glass of beer at ganon na din ako na inubos ko na yung nasa bottle ko... Nakakapanibago sya, madaldal sya or siguro dahil na din parang tinatamaan na ata sya ng beer na iniinom namin Sana nakikita ko din mukha ng misis ko kung paano nya ko namimiss tulad ng nakikita ko ngayon,, naramdaman ko yung bigat kung gano kahirap ang long distance relationship nung sinabi nya yon... "let's go... I think naabot ko limit ko..." Paglabas namin ng bar.. "ipara na ba kita ng sasakyan mo?" "nope... pumara ka na ng sasakyan mo.. dala ko 4 wheels ko.." "ah!"-Maya Muntik lang naman sya matumba.. buti at nasalo ko sya kaagad... halos napayakap ako sa pagkakasalo ko sa kanya.. "s-sorry.. sige na umuwi ka na..." "eh mukang nalasing ka... gusto mo ihatid na kita, ako na magdrive..." "hindi na... Kaya ko to... ikaw umuwi ka na.." "uhm.. nope... I insist, pagd-drive na kita" Tumingin ito sa mga mata ko na parang iniisip kung mapagkakatiwalaan nga ba ako "don't worry.. Ihahatid kitang ligtas... just trust me.." Tinaas ko pa yung right hand ko.. Sya yung unang nag-alis ng tingin at binato nya sakin yung susi... It means payag sya... Sumakay na sya sa sasakyan nya, at ganun na din ako.. Habang nagmamaneho ako ay panay ang tingin sa kanya. Hindi ako makapagkwento, kahit gusto kong tanungin ang nangyari sa kanya pagkatapos ng huling kita namin. Pero ayokong mailang sya kaya pinili ko na lang manahimik. Sya naman ay nakatingin lang sa labas.. Naisip kong hindi pwede to na tahimik ako, baka maboring sakin to. "Ahm.. Maya... Gusto mong maglugaw man lang..? Bago umuwi" Alok ko dito.. Tumingin lang ng masama sakin ito "Eh kasi diba, after uminom masarap magsoup, so baka trip mo bago kita ihatid para kahit papano--" "Sige... " Agad nitong sagot sakin "Gusto mo dun sa kinakainan natin dati, balita ko nag 24/7 na sila at masmaganda na daw ngayon.." "Kinakainan natin dati? Close ba tayo dati?" Napakunot noo ko dito.. Bat ba parang di nya ko kilala? Nagpapanggap ba sya? Umiiwas ba syang pag usapan ang nakaraan? "Basta, pumunta na lang tayo dun.." Sabi ko dito, at dinala na sya sa sinasabi kong lugar sa kanya.. "Maupo ka na, ako na oorder.. Yung dati pa din ba? Oh may bago kang trip?" Sabi ko dito. Pero di nya ko pinansin at dumirecho sa cashier para makapili sa menu.. Umorder sya ng Lugaw overload at nagtake out din ng dalawa. Para daw ito sa anak at katulong nya.. Umorder na din ako ng akin, nung magbabayad na ay inawat ko sya. Sabi ko ako na.. Hindi nanaman nya ko pinansin, basta naglabas sya ng pera para bayaran ang order namin. Kaya nagmadali din ako dumukot ng pera sa bulsa ko para ipambayad. Dalawa na kami ngayon nag aabot ng pera sa cashier.. "Mam, yung kay sir na lang po tatanggapin ko since sya po yung lalaki.. " Sabi ng cashier Ngumiti na lang ako kay Maya at umalis na sya, naupo sa bakanteng lamesa na pangdalawang tao. Nang makuha ko ang sukli ay naupo n adin ako sa tapat nya.. "Dito tayo madalas nung college... Remember, dito ka gumagawa ng assignment at dito mo ko tinuturuan sa algebra pag di ko magets.. Naalala mo ba." "Wait Levi... Please... Hindi ko kasi alam.. Hindi ko maalala.. Nihindi nga ko sigurado kung pano tayo nagkakilala eh.. So please, you don't need to tell me things in the past. Sumasakit kasi ulo ko eh.." "O-okay.. Sorry.." Hindi na muna ako nagsalita at nagsusungit sya.. Baka nga nahihilo na sya.. At ganto naman talaga sya noon pa, masungit. Ako lang naman talaga ang makulit noon kaya naging close pa rin kami.. Iniisip ko na lang na baka bitter pa rin sa nakaraan namin kaya ayaw nyang pag usapan yon... Sinubukan ko na lang makipag usap sa kanya ng hindi binabalik ang nakaraan. Nakikinig naman sya sa every topic na maisip ko at sumasagot ng maayos. Nang matapos kami kumain ay hinatid ko sya hanggang gate ng subdivision nila, dun na nya ko pinababa at sabi ko ay wag na ko isipin at magc-commute na lang ako pauwi.. "Maya.. Next friday ulit ha? Lagi akong available" Ngumiti ito at nagdrive na papasok sa subdivision. Flashback: 11 YEARS AGO... Nagawa ko din makuha ang loob nya... hindi pala sya ganon kafriendly kaya halos ako ang unang friend nya dito sa school... binigay nya na din sakin no. nya since kailangan dahil magkagrupo kami sa subject na pareha kami. Paano ba naman na hindi kami magiging close, maliban sa ako ang katabi nya wala syang book sa minor subject kung saan magkaklase kami kaya shnshare ko sa kanya yung akin... pag vacant nya umaalis sya, ininvite ko sya tumambay na lang kesa umalis pa sya dahil may next subject pa naman sya.. pero tinatanggihan nya ko.. may importante daw syang pupuntahan... At kahit nakuha ko no. nya, hindi naman sya pala text.. pati sya yung masasabi mong boring katext kaya nawalan na din akong gana itext sya... lagi ko na lang hinihintay ang araw na magkaklase kami at doon nagkakausap kami ng maayos at hindi na sya ganong kataray... syempre mabait ako sa kanya eh... Maya ang name nya, 18 years old pa lang sya, 5 years ang tanda ko sa kanya.. at 2nd year college pa lang sya.. basic info lang mga tinatanong ko sa kanya... hindi ko pa matanong sa kanya ang love life nya.. nahihiya ako at parang natotorpe na din... ewan ko ba, eh kilala naman akong chickboy sa school na ito... Kung gugustohin ko kasi magka-gf na seryoso mukang ang babaeng ito na ang gusto ko... ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD