Chapter 4

1737 Words
Halos hindi kami nakapagsalita ng babaeng kasama ko dahil sa nalaman naming dalawa mula kay Jin. A life and death Game? Hindi ako makapaniwala na may isang ordinaryong tao sa mundo namin ang makakagawa ng isang pambihirang laro na maaaring tumupad sa kahit na anong kahilingan kapalit ng aming mga buhay. Kung sabagay, lahat naman talaga ng bagay ay hindi mo makukuha ng wala kang isinusugal. Sa larong ito ang kailangan naming gawin ay itaya ang buhay namin para makamit ang natatanging hiling na nais makamit ng bawat isa.   “Kaya kung ako sa inyo, kailangan ninyong magdoble ingat at pagbutihin ang paglalaro sa game na ito. Hindi ito basta-bastang larong pambata na maglalaro ka lang at magiging masaya. Kailangan mong itaya ang buhay mo upang makamit ang kahilingang ninanais mo,” paliwanag ni Jin.   Napatingin naman ako sa babaeng kasama ko at tila malalim ang iniisip niya. Marahil ay napagtatanto niya nang mali ang mga ginagawa niyang padaskul-daskol na galaw.   “Miss, ayos ka lang?” tanong ni Jin sa kaniya.   “Paano ba kumuha ng profession?” tanong niya.   Nakita ko kaagad ang determinasyon sa mga mata niya. Mukhang kagaya niya, at ng lahat ng narito, ay wala akong pagpipilian kung hindi ituloy ang larong ito at tapusin hanggang sad ulo lalo pa at buhay ni Hannah ang nakataya rito. Kung mawawala siya sa mundong kinabibilangan ko ay ano na lang ang saysay para mabuhay pa ang isang gaya ko? Simula noon hanggang ngayon ay sa kaniya lang umiikot ang mundo ko kaya handa kong itaya ang buhay ko makuha ko lang ang hiling na ninanais ko, ang mabuhay si Hannah at magising sa matagal na pagkakahimbing.   “Tara. Sasamahan ko kayo,” sabi nito at iginiya kami patungong Traveler’s Hall kung saan halos lahat ng baguhang player ay nagkakatipun-tipon.   Pagpasok namin sa loob ng Traveler’s Hall ay kaagad kong nilibot ng aking paningin ang buong lugar. Malawag ang buong silid. Bilugan lang ang hugis nito sa loob na mayroong tila stage sa itaas na bahagi kung saan nagtitipon naman ang tingin ko’y mga malalakas na player. May cork board na nakatayo roon at hindi ko naiwasang ma-curious kung ano ang ginagawa ng mga naroon.   “Nandito na tayo. Kapag nakapili na kayo ng profession n’yo, sabihan n’yo ko kaagad para matulungan ko kayong magpataas ng level n’yo,” sabi ni Jin na siyang umagaw sa atensyon ko. Tama ito. Sa ngayon ay iyon muna ang kailangan naming unahin.   Mula sa contact lens na nakasuot sa aming mga mata ay makikita kung anong level pa lang namin. At dahil nga kakasimula pa lang namin ay kita na kaagad kung gaano kalaki ang agwat ng level namin sa level ni Jin. Nakikita rin namin ang level nito once na tiningnan namin siya at clinick ang button sa earpiece na suot namin.   Nagpasya kaming maglibut-libot sa buong Traveler’s hall upang mapag-aralan ang iba’t ibang profession na naroon. Sa bandang kaliwa ay naroon ang isang mamang kagaya ni Jin. May hawak itong naglliwanag na pana at makapal na baluti. Matagal ko rin itong tinitigan dahil sa pagkamangha ng magsalita si Jin mula sa aking likuran.   “Iyan ang headmaster ng profession na pinili ko – Archer. See?” Tinuro nito ang panang nakasukbit sa likuran gamit ang kaniyang hinlalaki upang sabihing parehas sila ng gamit na weapon. Inakbayan naman ako nito kapagkuwan at itinuro isa-isa ang headmaster ng bawat profession. “Ang isang ‘yan ay para sa mga gustong maging Shaman. Mga healers. Actually, in demand ang role na ‘yan lalo na sa mga higher level na. Since, mas malakas na ang monsters sa higher level, mas mahirap na silang talunin kung walang healers. Marami rin kasing kayang gawin ang mga healers, they can give you additional strength, and defense,” paliwanag nito.   “Paano sila nagpapalevel kung more on support roles sila?” tanong ni sungit na bigla na lang sumulpot sa likuran namin kung kaya napalingon kaming dalawa ni Jin sa kaniya.   “Syempre, if they have supporting roles, they also have attacking roles. Kung pipiliin mo ang attacking role, kailangan mong igive-up ang supporting role mo, and vice versa,” tugon nito. Saglit na tumigil si Jin sa pagsasalita at tila nag-isip pansamantala. Tahimik lang kaming nakatingin sa kaniya habang naghihintay ng sasabihin niya nang muli itong magsalita. “Pero parang may sacred ritual na ginagawa ang mga shaman para maaari nilang gamitin ang both role nang sabay.”   “Sacred ritual?” tanong muli ni sungit. Napatingin ako sa kaniya nang matagal dahil tingin ko ay interesado siya sa profession na iyon. Hindi ko maintindihan pero natutuwa akong kahit paano ay may napili na siyang profession na tingin ko naman ay tugma sa kaniya.   “Isang pambihirang skill ‘yon.” Nagulat kami nang bigla nitong kalabitin ang isang player na naroon at nakipag-usap doon. Sandali pa silang nagdaldalan na parang wala kami roon bago ito nagpasyang harapin kaming muli. “Pasensya na, hindi kasi ako masyadong pamilyar sa ibang role kaya nagtanong ako roon sa isang ‘yon.” Kakamut-kamot pa ito nang ulo habang nagsasalita. “So, ayon tama nga ako. Ang sacred ritual na ‘yon ay ang tinatawag na The Forbidden Skill. Makukuha mo both roles kapalit ng malaking percentage sa buhay mo. Hihina ang character mo ng 50% ngunit ang kapalit naman noon ay maaari kang gumamit ng attacking skills sa loob ng 30 minutes. Sa madaling salita, magagamit mo ang supporting skills mo, at the same time maaari mo ring gamitin ang attacking skills mo, pero bababa ang defense mo.”   Tahimik lang na tumalikod si sungit nang walang sinasabi naglakad patungo sa isang lamesang pinipilahan ng mga new players na kagaya namin. Mukhang desidido na nga siyang maging isang Shaman.   “Mukhang nakapili na ang chicks mo ha? Ikaw?”   “Ako?”   Luminga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko pa rin maisip kung anong profession ang babagay sa akin hanggang sa makakita ako ng isang player na may kakaibang itsura dahil sa suot nitong maskarang animo’y nagliliyab, makapal na cloak na kulay itim, at koronang parang sa mga hari sa isang malayong kaharian. Hindi ito katangkaran, kung titingnan ang taas nito ay parang nasa 5 feet lang ito o mas mababa pa roon. Lumapit ito sa cork board na naroon sa pinakataas na bahagi ng Traveler’s Hall at hinawi ang suot na cloak. Manghang-mangha ako nang makita ang suot nitong solidong armor na kagaya ng sa mga mandirigma sa palabas. Wala rin itong bitbit na kahit ano maliban sa bag na nasa kaniyang likuran na parang supot lang kung titingnan. Tinanggal nito ang suot na maskara at saka bumuga ng hangin mula sa bibig.   Halos hindi ako makapaniwala habang tinitingnan ang player na iyon.   IGN: Unknown HP: 1,000,000 Level: 80   “Anong profession ng isang ‘yon?” tanong ko habang wala sa sariling itinuturo ang player na kanina ko pa pinagmamasdan.   “Sino? Si Unknown ba?” tanong ni Jin.   “Oo. Siya nga.”   “Isang Elementalist ang batang ‘yan.” Ngumiti ito kaya akala ko ay nagbibiro lang siya sa sinabing bata ito ngunit nagulat na lang ako nang hatakin ako ni Jin palapit kay Unknown.   “Unknown, kumusta?”   “Jin!” Kaagad itong lumingon nang marinig ang pagtawag sa in-game name niya o IGN. Lumapit ito kay Jin na may malapad na ngiti at niyakap ito. At sa sandalling iyon, doon ko lang nakumpirmang isa ngang bata si Unknown. Isang batang itinaya ang buhay para sa larong ito at umabot sa ganoong level sa sandalling panahon pa lang? Hindi ako makapaniwala. Posible ba ‘yon? Sandali pa akong nanahimik habang sinusuri ang bata nang tapikin ni Jin ang balikat ko.   “Unknown, bagong kaibigan ko pala, si Grant. New player lang siya.”   Tiningnan ako nito at saka mabilis na lumipat nang pagkakayakap sa akin.   “Grant!”   Napangiti na lang ako dahil sa ginawa nito at sa kabilang banda ay naisip kong baka lumakas lang ito dahil na rin sa tulong ni Jin. Mukhang mahilig talagang tumulong si Jin. Sa itsura kasi ng batang ito ay parang ang gusto lang nito ay makipagkulitan at maglaro. Ngunit kaagad ding nagbago ang pananaw kong iyon nang magsalita ito.   “Soul Switch.”   Ang kaninang suot nito na makapal na armor ay kaagad napalitan ng isang kasuotang may malambot lang isuot sa katawan. Suot pa rin nito ang cloak ngunit simpleng pantalon at polo na lamang ang nasa loob nito. Kasabay no’n ay ang pagsulpot ng weapon nito mula sa kaniyang mga kamay. Isang mahabang staff na kung titingnan ay animo’y isang mahabang stick lang. Kinaibahan lang ay bilugan ang dulo nito na may umiikot na orb na sa gitna.   “Isang sacred ritual?” Hindi sinasadyang maibulong ko sa aking sarili na narinig naman ni Jin.   “Tumpak. Kagaya ng mga Shaman, ang mga Elementalist ay may tinatawag din na sacred ritual kung saan ang kanilang magical attack naman ay maaari nilang i-convert into physical attack,” paliwanag nito.   “Ang galling…” Hindi ko maiwasang mamangha sa lakas na maaaring ibigay nito sa kahit na sinong player na pipili ng profession na iyon. Kung nagawang gumamit ni Unknown ng isang sacred ritual, ibig lang sabihin ay talagang malakas siya at namaster niya na ang profession na napili niya. Dahil doon ay nagkaroon ako ng determinasyon na ipagpatuloy ang larong ito. Ang makipagsapalaran para sa natatangi kong hiling. Sa huli ay nakapagdesisyon akong maging kagaya ni Unknow. Gusto kong maging isang Elementalist.   Kaagad akong lumapit sa table na naroon kung saan maraming nakapilang mga players na kagaya ko. Dito rin pumila ang babaeng masungit kanina. Marahil ay dito namin ililista ang nais naming profession. Nang makarating sa pinakaunahan ay kaagad kong inilista ang aking IGN at ang napili kong profession at sa pagkakataong iyon ay sigurado akong wala ng atrasan ‘yon. Gagawin ko ang lahat upang matapos ang laro nang magising na si Hannah sa matagal na pagkakahimbing.   “Grant.” Napalingon ako sa kung sinong tumawag sa pangalan ko. Isang matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin, at doon ko lang naramdaman ang kabang hindi ko inakalang muling mararamdaman sa buong buhay ko.   IGN: Jane Profession: Shaman Level: 3 HP: 15,000
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD