Chapter 5

1372 Words
7 o’clock in the morning. I gulp the last drop of my coffee before leaving a sigh.   Nakailang buntong-hininga na rin siguro ako ngunit pakiramdam ko ay lumilipad pa rin ang isip ko. Tulala lang ako sa kawalan habang nananatiling nakahawak sa tasa. Hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit na nagsi-sink in sa utak ko ang mukha ni Jane, at ang matamis niyang ngiti.   Muli na naman akong nagpakawala ng buntong-hininga bago ko napagpasyahang tumayo na mula sa kinauupuan at lumabas ng coffee shop.   Kaagad akong dumeretso sa ospital kung saan nananatiling natutulog ang babaeng dahilan kung bakit pinasok ko ang mapanganib na larong iyon. Sino ba namang mag-aakalang kailangan ko palang itaya ang buhay ko roon? Ngunit sino nga namang tanga ang magbibigay ng pagkakataong ibigay ang nais mo nang walang hinihinging kapalit? Kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo, ang pinasok ko ay isang laro. Na maging ang buhay ng bawat isa sa amin ay paglalaruan din ng kapalaran. Kung sino ang siyang matatalo ay kailangang tanggapin ang kabayaran at kung sino ang mananalo ay magkakamit ng isang premyong hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga.   Naupo ako sa tabi ng kama kung saan nananatiling nakapikit si Hannah. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahang hinagkan.   “Kumusta ka na, Hannah? Nami-miss na kita.” Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang pisngi gamit ang aking kabilang kamay. “Paano ko ba ‘to sasabihin?” Tumingin ako sa kisame panandalian upang maiwasan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak bago muling itinuon ang atensyon sa kaniya. “Hannah, medyo matagal akong mawawala ha? Medyo magiging busy ako. Pero I’ll make sure na kapag free, I’ll be here. May kailangan lang akong gawin. Promise, after this, magiging masaya na tayong muli. Magiging maayos na ang lahat. Wait for me okay? Kahit anong mangyari, babalik ako. Babalikan kita.” Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Ito ang unang pagkakataon na kinakailangan kong mawalay sa tabi niya nang matagal. Pero kahit ganoon, I’m sure naman na magigising na siya once I finished this game.   Marami akong pangarap para sa aming dalawa. Magtayo ng coffee shop kagaya ng nakahiligan naming dalawa. Ang magkaroon ito ng sariling library kung saan ang lahat ay maaaring magbasa habang nagkakape kasama ang mga mahal nila sa buhay. Mahilig magbasa si Hannah. Tandang-tanda ko pa noong paulit-ulit niya akong kinulit para lang basahin ang paborito niyang libro.   I, who truly loves you. Vows an everlasting love. Dies but become a star. For I will guide you eternally.   It was the best story. Although, I am not a fan of tragic stories pero nakuha niya ng sobra ang puso at atensyon ko. That phrase was just a farewell note written on that book before the girl died of Leukemia. But then, kapag naiisip kong mangyayari sa amin ang ganoon, hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Hindi ko kayang mawala sa akin si Hannah. Mula noon hanggang ngayon, mananatiling siya lang ang buhay ko at ang babaeng mamahalin ko.   Matapos ang dalawang oras, nagpasya akong umuwi na sa bahay upang kahit paano ay makapaghanda sa mga mangyayari sa mga susunod na araw. Para akong sira na pilit minememorize ang mga skills na gagamitin ko sa pakikipaglaban sa loob ng RTS (Rewrite the Stars). May tatlong oras pa ako para magsanay nang sa ganoon ay hindi ako lutang pagbalik sa loob ng game. Hawak ang walis tambo ay paulit-ulit kong binibigkas ang unang skill na meron ako habang iniisip kung paano ang magiging pag-atake nito.   “Flame shot!”   “Water barrier!”   “Wind Blast!   “Earthquake”   Napaupo ako sa sahig dahil sa pagod at paulit-ulit na pag-ikot. Hihingal-hingal pa ako na binitawan ang walis tambo bago tuluyang inilapat ang aking likuran sa malamig na sahig.   “Hannah, konting panahon na lang. Magigising ka na. Maaari na tayong magpakasal at bumuo ng masaya nating pamilya.”   Papikit na sana ako nang bigla na namang pumasok sa isip ko si Jane. Pakiramdam ko ay nagiging hobby niya na ang panggugulo hanggang sa utak ko. Bakit ba hindi siya mawaglit-waglit sa isip ko?   “Kumusta kaya ang masungit na ‘yon? Magkikita pa kaya kaming dalawa?”   Napalingon na lang ako sa case ng game console na binili ko, at isang mensahe ang narinig ko mula sa earpiece na nakakabit sa tenga ko.   “We have finished our maintenance. Get back to the game to enjoy our exciting events.”   +++   “Papa, nandito na po ako. May dala po akong bulaklak para sa’yo.” Naupo si Jane sa tabi ng puntod ng kaniyang ama at saka hinawakan ang pangalan nitong nakaukit sa bato. “Papa, huwag mo po munang kukunin si mama ha? Gagawa ako ng paraan para gumaling siya.”   Kasalukuyan siyang nasa sementeryo dahil kaarawan ng kaniyang ama. Natuwa pa siya dahil sumakto na maintenance ng RTS kung kaya may oras sila para balikan ang buhay nila sa labas ng laro. Ngunit sa kabilang banda ay alam niya ring pagkatapos no’n ay mapapalaban siya para sa natatanging hiling na ninanais niya – ang gumaling ang kaniyang ina mula sa sakit nitong brain cancer.   Tirik na ang araw nang makarating siya sa ospital kung saan naka-admit ang mama niya. Kaagad siyang dumeretso sa ICU kung saan kasalukuyang minomonitor ang mama niya ng mga nurse na naroon.   “Jane, ikaw pala. Kumusta?” tanong ng isa sa mga nurse.   Sa ilang linggong pananatili ng mama niya sa ospital ay nakilala na rin siya ng mga nurse na naroon. Ang iba nga sa kanila ay nakakakwentuhan niya pa tungkol sa mga buhay-buhay ng mga ito at ang iba naman ay regular siyang ini-inform tungkol sa lagay ng mama niya.   “Ayos naman ako. Si mama kumusta?”   “Ayos naman ang mama mo. Hindi siya sinusumpong ng sakit ng kaniyang ulo nitong mga nakaraang araw,” sagot nito.   “Good news kung gano’n.” Tumingin siya sa ina at saka inilapag ang mga prutas sa lamesa. Kasalukuyang natutulog noon ang kaniyang ina kung kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap.   “Pa’no, Jane. Maiwan ko muna kayo. May iche-check pa akong pasyente sa kabila,” sabi ng nurse bago ito lumabas ng kwarto.   Isinubsob ni Jane ang mukha sa gilid ng kama dahil sa samut-saring isipin. Hindi niya maiwasang mabahala sa tuwing pagmamasdan ang ina.   “Tama ba ang desisyong pinasok ko? Talaga bang matutupad ng larong ‘yon ang kahilingan ko?” Para siyang sira na kinakausap ang sarili. Hindi niya maiwasang mag-alala tungkol sa RTS. Ang dami niyang katanungan sa kaniyang isipan na hindi niya alam kung paano masasagot. Ipinaling niya ang mukha sa kaliwa habang pinaglalaruan ang daliri ng inang nahihimbing. “Paano kung hindi naman pala ‘yon totoo? Aasa lang ako sa wala. At kung totoo man, paano na ako? Magagawa ko kayang matapos ang larong ‘yon? Mabubuhay pa kaya ako hanggang sad ulo ng larong ‘yon?” Ipinikit niya ang kaniyang mga mata upang kahit paano ay makaidlip kahit sandali. Ngunit hindi pa man nagtatagal ang pagkakapikit niya ay bigla na lang siyang nakaramdam ng gutom kung kaya minabuti niyang tumayo na muna at bumili ng pagkain sa canteen. Doon niya lang naalalang hindi pa pala siya nag-aagahan at tanghalian.   Habang naglalakad patungong canteen ng ospital ay napalingon siya sa entrance ng ospital nang makilala ang pigurang papalabas doon. Hindi niya alam ngunit wala sa sariling bigla niya na lang inihakbang ang kaniyang mga paa at sinundan ang lalakeng kasalukuyang naglalakad sa labas ng ospital. Ilang metro lang ang layo nila kung kaya alam niyang hindi siya maaaring magkamali. Hindi rin malabo ang kaniyang mga mata upang sabihing kamukha lang nito iyon. Pero kaagad din siyang napahinto sa pagsunod dito nang maisip na sa larong iyon, maaaring ganoon ang itsura ni Grant pero iba sa totoong mundo. Doon niya napagtantong marahil ay dulot lang iyon ng labis niyang pag-aalala. Sa huli ay nabuo ang desisyon niyang ipagpatuloy ang larong sinimulan para sa buhay ng kaniyang inang pinakamamahal niya ng lubos.   “Gutom lang siguro ‘to. Makakaen na nga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD