Chapter 6

1855 Words
“Grant!” Si Jin habang kumakaway sa akin mula sa malayo.   Pagkalapit ko ay kaagad niya akong inakbayan at tiningnan nang makahulugang tingin.   “Kumusta? Hindi mo yata kasama ang bebeloves mo?”   Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang iyon.   “Ha?”   “Si Jane,” sabi niya habang nagtataas baba pa ang kilay.   “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala kaming kaugnayan ng masungit na ‘yon sa isa’t isa.” Napabuntong-hininga na lang ako sa isipin kung paano kami unang nagkita at nagkakilala ni Jane.   “Pero nasaan na kaya ‘yon? Hindi ko pa siya nakikita mula kahapon,” tanong ni Jin. “Baka natakot nang maglaro lalo na at alam niyang kailangan niyang isugal ang buhay niya.” At that moment, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot. Did she really leave the game? Naisip niya kayang mas okay na hayaan na lang na tadhana ang magpasya sa mangyayari sa hinaharap? Natakot kaya siyang baka hindi na siya muling sikatan ng araw sa pagnanais na matupad ang isang hiling?   “O pa’no, Grant. Maiwan na muna kita. May quest pala akong kailangan kong asikasuhin. Maya na lang ulit.” Nagsimula na itong humakbang palayo nang bigla itong huminto sa paglalakad. “Oo nga pala, balitaan mo ako kapag nagkita na kayo ulit ni Jane ha?” at saka ito nagpatuloy sa pag-alis.   Naiwan naman akong nakatayo roon habang nakatingin sa malayo.   +++   Naisipan kong mag-quest na lang din dahil bukod sa mas mabilis akong maglelevel up, kahit paano ay makakaipon din ako ng sapat na halaga para makabili ng mga kakailangan ko sa bawat laban tulad na lang ng mga healing potions, at battle potions.   “haay… Sa wakas nakaipon na rin ako kahit paano… one… two… total of 200,000 moneta. Makakabili na ako kahit paano ng maraming potions nito at teleport crystals,” sabi ko habang pinagmamasdan ang mga nalikom kong pera sa ilang madadaling quest na ginawa ko. Luckily, hindi ko na kinailangang pumatay ng mga monsters sa quest na ‘yon. Gathering quest lang kung kaya madali ko lang natapos ang mga iyon. Nagpasya akong tumayo at kaagad na nagtungo sa Ager, isang malawak at patag na lugar kung saan nabubuhay ang iba’t ibang uri ng plant monsters, upang magsimulang pumatay ng mga normal monsters. Tiningnan ko ang isang kakaibang halamang kung unang titingnan ay parang pangkaraniwang bulaklak lang ng rose ngunit bumubuga ng kakaibang usok na kapag nalanghap ng kahit na sino man ay magdudulot ng hirap sa paghinga.   Level 21 Rosaria HP: 50,000   Gamit ang fire attack skill na una kong natanggap sa pagkuha ng Elementalist profession ko ay kaagad kong napatumba ang Rosaria sa dalawang tira lang. Walang kahirap-hirap. Kung sabagay, sa kakaquest ko kanina, kahit paano ay umabot na rin sa level 18 ng level ko. Hindi naman din ganoon kataas ang buhay ng isang ito kaya hindi malabong madali ko lang din itong matatalo.   “Ayos! Two hundred moneta rin pala ang makukuha ko sa isang ‘to. Kailangan ko lang magpatuloy sa pagpatay sa mga ito para mas malaki pa ang maipon ko,” sabi ko habang isinisilid sa loob ng bag ko ang mga nakuha kong loots or items mula sa Rosaria. Ilan sa mga items na ito ay mga patapong gamit na maaaring ibenta sa murang halaga. Habang nag-uubos sa pagpatay sa Rosaria ay isang malakas na pagsabog ang siyang gumulantang sa aming lahat mula sa west side ng Ager. Kaagad kaming nagtungo roon upang tingnan ang nangyayari at doon unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa mga nasaksihan ko. Isa isang naglalaho ang players na naroon habang nagpapakabusog naman ang isang dambuhalang halaman sa aming harapan.   Rank 8 Elite Monster Level 26 Nepenthes HP: 250,000   Kaagad na bumagsak sa aking harapan ang isang level 10 player.    Nanginginig ang aking buong katawan habang pinagmamasdan ang kakaibang halamang iyon. Hugis bell na nakabaligtad ang itsura nito. Animo’y isang vacuum na humihigop sa mga players at normal monsters na naroon.   “T-tulong,” uutal-utal na sabi nito habang nakahawak sa aking kaliwang binti.   Muli kong tiningnan ang elite monster at pinindot ang button mula sa earpiece na suot ko ngunit laking gulat ko dahil walang rumehistrong impormasyon tungkol sa kung anong klaseng plant monster iyon.   “Anong gagawin ko?”   Nang mga oras na iyon ay para akong nakasaksi ng madugong p*****n na wala man lang akong ginagawa. Nakatulala lang ako roon. Puro sigaw at hiyaw ang siyang umaalingawngaw sa tenga ko. Ang paghingi ng saklolo ng mga naroon dahil gusto pa nilang mabuhay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ako kikilos nang biglang may sumigaw mula sa aking likuran. Isang pamilyar na tinig.   “Huwag kang tumanga lang riyan!”   Sumasabay sa alon ng hangin ang mga buhok niya habang tumatakbo papalapit sa mga sugatang player na naroon. Isang liwanag ang lumabas sa kaniyang buong katawan habang magkadaupang palad ang kaniyang dalawang kamay – nagdarasal ng maluwalhati para sa kaligtasan ng mga naroon at ganoon nga ang nangyayari. Unti-unting naghihilom ang mga sugat ng mga player na naroon.   Nakatingin ako sa kaniyang puno nang pagkamangha at tuwang sa wakas ay muli ko siyang nakita.   “Gumamit kayo ng teleport crystal at lisanin ang lugar na ito!” pasigaw na utos niya. “Huwag na kayong tumunganga riyan!”   Kaagad naman iyong sinunod ng mga player na naroon at mabilis na ngteleport pabalik sa kani-kanilang saved location gamit ang teleport crystal.   Doon lang ako parang natauhan nang wala na ang lahat at tanging kami na lang ni Jane ang naroon. Kaagad akong lumapit sa kaniya upang kumustahin siya.   “Ayos ka lang ba?” tanong ko.   “Naubusan ako ng teleport crystal,” sabi niya kaya naman ganoon na lang ang pagkagulat naming nang biglang gumawa ng isang malakas na pag-atake ang Nepenthes. Kaagad niyang iwinasiwas ang animo’y mga ugat sa kaniyang paanan na kaagad ko namang naiwasan. Nakatingin lang ako rito habang naghihintay ng susunod nitong pag-atake nang bigla itong humarap sa kinatatayuan ni Jane na siyang nagpabilis ng pagtibok ng aking puso.   “Jane!” Kaagad akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Jane ngunit huli na ang lahat nang mabilis itong nasunggaban ng Nepenthes at mabilis na kinain na tila walang kabusugan.   “JAANNEE!!!”   Nang mga oras na iyon ay gusto ko nang sumuko. Napayuko na lang ako habang unti-unting nilalamon ng takot ang puso ko. Takot nab aka mawala ako sa mundong iyon at sa totoong mundo nang hindi man lang nakakapagpaalam kay Hannah ngunit sa kabilang banda, ang takot kong mawala si Jane ang siyang bumuhay sa natutulog kong pagnanasang matapos ang laro. Ang makita siyang magligtas ng buhay ng mga naroon, ang tapang niyang harapin ang isang elite monster upang maisalba lang ang buhay ng iba kahit buhay niya pa ang maging kapalit. Tunay ngang nababagay sa kaniya ang maging isang Shaman.   Nag-angat ako ng aking mukha at matatalim na tingin ang aking ipinukol sa Nepenthes.   “Hindi ako maaaring mamatay. Kailangan kong matapos ang larong ito. Hindi isang gaya mo lang ang papatay sa akin. Ibalik mo si Jane! Ibalik mo ang aking personal Shaman!”   That moment, nabuo ang desisyon kong gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Siya na handing isakripisyo ang buhay para sa iba, ako naman ang siyang magliligtas sa kaniya.   Kaagad kong ipinosisyon ang aking kamay na nakabukas palad sa aking harapan at doon unti-unting lumabas ang aking Rudimenta Staff, hinawakan ko ito nang mahigpit at sinimulang gamitin ang unang skill na natutunan kong gamitin upang palakasin ang aking elemental power.   “Smattering.”   Kaagad nagliwanang ang buong sahig at isang magic circle ang lumabas mula sa aking paanan.   Kaagad iyong napansin ng Nepenthes at muling umatake gamit ang mga ugat nito. Kaagad akong tumalon mula sa kinatatayuan upang maiwasan iyon isang magical skill ang aking binigkas.   “Wind Blast!”   Isang malakas na hangin na tila isang matalim na kutsilyo ang mabilis na pumutol sa ugat nito at kitang-kita ko ang naging epekto sa kaniya. Kaagad itong sumigaw ng malakas dahil sa naramadamang sakit. Dahil doon sap ag-atakeng iyon ay nabawasan kaagad ng 10,000 ang HP o health points nito.   “Wind Blast!”   Muling bigkas ko habang dahan-dahang bumababa mula sa ere. Kaagad na tinamaan ang weak spot nito na siyang naging dahilan para magsuka ito at iniluwa nito ang katawan ni Jane.   “Jane!” Kaagad akong lumapit sa kinaroroonan ni Jane at niyugyog ito. Nakita ko ang paggalaw sa kamay nito senyales na buhay pa ito. Sinamantala ko ang pagkakataon habang ramdam pa ng Nepenthes ang sakit mula sa huli kong pag-atake at kaagad na binigyan ng paunang lunas si Jane. Gamit ang healing potion grade 1 ay kaagad nitong napunan ng kaunti ang HP ni Jane. Doon lang ako nakahinga ng maluwag at dahan-dahang binuhat si Jane upang mailapag sa mas ligtas na pwesto. “Babalikan kita. May kailangan lang akong tapusin.”   Muling kong hinarap ang Nepenthes at doon ay unti-unting nag-iba ang laki at kulay nito senyales na nasa rage mode na ito. Mas naging mabilis ang pag-atake nito dahilan para tamaan ako at tumilapon palayo. Naramdaman ko kaagad ang pagkahilo at ang p*******t sa aking kaliwang balikat na siyang labis na napuruhan sa akin. Kalahati sa aking HP ang mabilis na nawala sa unang tira pa lamang na ginawa nito. Ngunit buo ang desisyon kong talunin ang halamang ito. Hindi ako maaaring matalo sa isang ‘to. Hinding-hindi.   “Wind Blast!”   Muling akong nagpakawala ng matatalim na hangin na siyang gumuguhit pa sa sahig. Mabuti na lang din at matagal ang nagiging epekto ng smattering skill kung kaya kahit paano ay mataas pa rin ang attack at elemental power ko.   “Wind Blast!”   “Wind Blast!”   “Wind Blast!”   Bawat pagkilos at bawat paggalaw ay para lang akong nakikipagsayaw sa Nepenthes hanggang sa huling patak ng mana na mayroon ako. Dahan-dahan itong bumagsak at tuluyang binawian ng buhay. Kaagad kong dinampot ang mga gamit na inilaglag nito sa aking paanan at isa-isa itong dinampot.   Excalibur A legendary sword of King Arthur, sometimes also attributed with magical powers. Profession: Warrior Attack: 500 Non-tradeable   Napasalampak ako ng upo matapos makita ang resulta ng pagpapagod ko sa isang Rank 8 Elite Monster.   “Hindi ko man lang maibebenta ang isang ‘to sa mamahaling presyo.”   Ramdam ko ang p*******t ng buong katawan ko at ang pagkahilo ngunit pinilit ko pa ring tumayo at naglakad ng dahan-dahan palapit kay Jane. Kailangan siyang madala sa infirmary. Hindi pupwedeng matapos lang ang lahat dito.   Kaagad kong kinuha ang teleport crystal na mayroon ako at ginamit ito. Sa isang iglap ay bumagsak kaming dalawa sa Winston Gate 1 kung saan kasalukuyang nakatayo si Jin at nakikipagkwentuhan. Mabuti na lang.   “Grant!” Kaagad itong tumakbo palapit sa kinaroroonan namin na puno ng pag-aalala. “Anong nangyari?”   “Si Jane… I-iligtas mo siya.”   At doon na ako tuluyang bumagsak at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD