Chapter 7

1861 Words
Nagising ako sa nakasisilaw na liwanag mula sa bintana. I felt a heavy pain in my head and a little aching on my stomach.   “Grant, buti naman at gising ka na.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. It’s Jin.   “Jin…”   Akmang babangon sana ako nang pigilan niya ako.   “Magpahinga ka muna. Hindi ka pa lubusang magaling. Matindi rin ang natamo mong pinsala. Masasabi kong maswerte ka pa rin at nagawa mo pang makabalik dito sa Winston City nang buhay,” sabi niya at pagkaraan ay inabot sa akin ang hawak na tinapay. “Kumain ka muna, para bumalik ang lakas mo.”   Tahimik lang akong inabot ang tinapay mula sa kaniya habang iniisip kung ano ba talaga ang nangyari. Unti-unting bumalik ang mga pangyayaring bago nangyari sa akin ito. I was farming for zeny and grinding to level up when suddenly this Rank 8 Elite Monster appeared. Doon ko lang biglang naalala si Jane. Kaagad kong inangat ang katawan ko nang muli akong pigilan ni Jin.   “Si Jane, nasaan siya?” Iyon ang kaagad na itinanong ko sa kaniya.   “Kumalma ka muna,” sabi ni Jin habang pilit akong pinapakalma.   “Sabihin mo, ayos lang siya hindi ba?” tanong ko sa mga nangungusap na mga mata. Napakapit ako nang mahigpit sa braso ni Jin nang tuluyang mapagtanto ang lahat ng nangyari. I was terribly worried. Hindi ko maipagkakaila iyon lalo na at napalapit na rin siya sa akin kahit paano. Sa ilang araw ko pa lang na nakasama siya masasabi kong she is a real fighter. Mulan ang pasukin niya ang larong ito hanggang sa iligtas niya ang maraming buhay laban sa elite monster. Hindi ko matatanggap sa sarili ko kung mawawala siya dahil kahit sandali ay naduwag ako.   “Kapag kalmado ka na ay saka ko ipapaliwanag sa ‘yo.” Dahan-dahan akong bumitaw sa pagkakakapit sa kaniya at umayos ng pagkakahiga. Pinilit kong ikalma ang aking sarili sa pamamagitan ng paghinga nang malalim.   “Sorry, Jin.”   “Batid kong labis kang nag-aalala sa kaniya. Nauna mo siyang makilala kaysa sa akin. Pero isipin mo na lang din na hindi siya matutuwang makita kang nakaratay rito sa oras na maging okay na siya,” sabi ni Jin.   Mula sa sinabi ni Jin batid ko na kaagad na hindi pa rin mabuti ang lagay niya.   “Ibig sabihin…” Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang takot na unti-unti na namang lumalamon sa aking buong pagkatao. Takot na isang malapit na naman sa akin ang mawawala. Kung tutuusin ay hindi na ako natatakot na mawala sa mundong ito. Kung babawiin man ng kapalaran ang buhay ko ay nakahanda na ako lalo na kung sa ganoong paraan ko din makakasama si Hannah. Ngunit hindi ganoon ang nangyayari. Natatakot akong may buhay na namang mawawala sa aking harapan.   “Kritikal ang kalagayan niya ngayon ngunit lumalaban siya, Grant. Sana ganoon ka rin para sa kaniya. Para na rin sa kahilingang nais mong matupad.”   Tama siya. May kahilingan akong nais kong matupad at hindi ko ‘yon makakamit kung patuloy akong magpapatalo sa takot at kawalan ng pag-asa. Kailangan kong maging malakas para sa mga taong malalapit sa akin ngayon sa loob ng larong ito at para na rin kay Hannah.   Napangiti ako nang mapait bago nagsalita. “Tama ka, Jin.”   “Ano bang nangyari? Sa totoo lang ay nagulat ako nang bigla kayong sumulpot sa Winston Gate 1 na parehas sugatan. Alam mo bang limang araw ka nang tulog?”   “Ganoon katagal?” tanong ko.   “Oo.” Tumayo ito at saka lumapit sa bintana. “So, ano na? Ikwento mo na ang nangyari.”   Sinimulan kong ikwento ang mga nangyari mula sa simula hanggang sa matagpuan ko si Jane na isinasalba ang buhay ng nakararami.   “Alam mo, labis talaga ang paghanga ko kay Jane. Napakatapang talaga ng babaeng ‘yan. Karamihan kasi ng babaeng player dito ay nagpapasya na lang na mag-quit sa oras pa lang na malaman nilang buhay nila ang kapalit sa pagsabak sa mapanganib na larong ito pero iba talaga si Jane. Hindi siya natatakot sa kahaharapin niya. Buo ang determinasyon niyang tapusin ang larong ‘to,” sabi ni Jin. Kahit ako man ay ganoon din ang nararamdaman ko. Sino ba namang hindi bibilib sa mga pinapakita ni Jane?   Ipinagpatuloy ko ang pagkukwento kay Jin. Nakita ko pa ang pagtango-tango nito habang tahimik lang na nakikinig sa kwento ko nang bigla itong pumalakpak nang mabagal.   “Akalain mo ‘yon? Nagawa mong patayin ang Nepenthes sa level mong ‘yan. Kung tutuusin ay iilan lang ang pinapalad na makaligtas sa pakikipaglaban sa elite monster na ‘yon lalo na kung mas mababa ang level ng player kaysa sa elite monster.” Hindi ko batid kung pinupuri niya baa ko o ano pero isa lang ang sigurado ako, hindi madaling patayin ang elite monster na ‘yon. “Nakuha mo ba ang high grade crystal na drop ng Nepenthes?”   “High grade crystal?” NAguluhan naman ako sa sinabi niya lalo pa at wala naman akong nakuhang kahit na anong gamit maliban sa Excalibur, grade 5 potion at 10,000 moneta.   “Mukhang minalas ka at hindi ka nakakuha ng rare drop ng Nepenthes. Isa doon ang sinasabi kong high grade crystal, ang Sapphire. Isa ‘yon sa kailangan para makagawa ng mamahaling weapon na kung tawagin ay Soul Blade.”   Panibagong palaisipan na naman ang pumasok sa utak ko. Kung tutuusin ay hindi ko pa nga alam kung para saan ba ang rankings ng elite monsters. Dahil naisip ko ‘yon, hindi na ako nagdalawang isip pa na tanungin ‘yon kay Jin.   “Matanong ko lang, para saan ba ang rankings ng elite monster?”   “Ang elite monsters kasi ay nahahati sa sampung rank. Rank 10 ang pinakamababa o pinakamahina at Rank 1 naman ang pinakamataas. Bawat rank ay may tigdadalawang elite monster. Sa Rank 10, naroon ang Scarab at Dermestidae. Mahihina lang ang mga ‘yon. Nasa 80,000 to 85,000 lang ang HP nang mga iyon at napakadali lang patayin ng dalawang ‘yon. Wala din naman silang espesyal na drop kaya hindi na rin siya pinapansin ng ibang high level players,” panimula nito.   “Nakita ko na ang Scarab noong unang pasok namin dito sa loob ng game. Tinakbuhan namin.”   “Tama lang ang ginawa n’yo. Sa mga new players masyadong malakas ang Scarab. Hindi kayo bubuhayin no’n kung sinimulan n’yo siyang atakihin. Hindi gaya ng Nepenthes at Yateveo, hindi umaatake ang Scarab kung hindi ninyo uunahan ng attack,” dagdag pa nito.   “Pero inatake siya ni Jane noon. Napilitan na lang akong gumamit ng teleport crystal para lang mailigtas ang mga buhay namin.” Napangiti pa ako nang maalala ang pangyayaring ‘yon bago namin nakilala si Jin.   “Tama lang ‘yon. Ngayon pwede mo nang patayin ang isang ‘yon. Lalo na ngayong mas mataas na ang level mo sa kaniya. Madali na lang ‘yon para sa ’yo.”   “Ikaw ba? Ilang elite monsters na ba ang napatay mo?” tanong ko. Curious ako kung gaano na ba kalakas si Jin lalo pa at hindi pa naman namin siya nakasama sa mga laban mula nang bumalik kami sa game after ng maintenance.   “Hhmm…” Hinawakan nito ang baba na tila nag-iisip. “Sa pagkakatanda ko hanggang Rank 4 pa lang ang kinaya kong patayin.” Ngumiti ito habang kakamot-kamot sa kaniyang ulo. “Masyadong malakas ang Rank 3 Elite Monsters hanggang Rank 1.”   “Bakit? Ano bang espesyal sa kanila?”   “Isipin mo na lang, Grant. Hindi sila ilalagay sa ganoong Rank kung mahina lang sila gaya ng iba. Ang Rank 3 Elite Monsters ang pinakamahirap patayin sa lahat. They respawn at the same time and at the same place. Para silang kambal na hindi mapaghihiwalay. Ang isa ay damager habang ang isa naman ay healer. Paano mo mapapatay ang isang monster na imortal?”   Natahimik kaming dalawa nang mga oras na ‘yon. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na ‘yon. Paano nga ba papatayin ang isang kalabang hindi namamatay? Kahit anong gawin kong isip ay hindi ko alam ang sagot.   Napalingon kaming dalawa ni Jin sa pintuan nang pumasok mula roon ang isang lalakeng nakauniporme ng kulay itim habang may nakapatong ang itim na astrakhan hat sa ulo nito.   “Grant, si Doc.Miles pala.” Lumapit ito sa akin at saka ako kinamayan. “Isa siyang Professional Shaman. Ang totoo niyan, siya ang tumulong sa akin para mas mapabilis ang paggaling mo.”   Kung ganoon ay utang ko pala sa kaniya ang buhay ko.   “Salamat, Doc.Miles.” Ramdam ko ang labis na hiya dahil sa mga nangyari.   “Pumunta lang ako rito para tingnan ang lagay ni Grant at mukhang okay na naman siya.” Tinapik nito ang balikat ko at napangiwi ako dahil sa naramdamang kaunting pagkirot. “Ay naku, pasenysa na.” Tumawa pa ito dahil sa ginawa niya. “Nandito rin ako para sabihin na gising na si Jane.”   Dahil sa sinabi niyang iyon pakiramdam ko ay nabunutan ng tinik ang lalamunan ko. Unti-unting naglaho ang takot at kabang bumabalot sa puso ko. Doon lang ako nakahinga ng maluwag at sa wakas ay ligtas na si Jane.   “Salamat, Doc.Miles.”   +++   “Jane.” Kaagad napalingon si Jane nang marinig ang pagtawag ni Jin sa kaniya. Sa tulong ng healing skills ni Doc.Miles kung kaya mas napabilis ang paggaling ko. Sa isang iglap lang ay parang isang milagro na nagagawa ko na kumilos nang normal na parang walang nangyari.   “Jin. Grant.” Lumapit ako sa kaniya at kaagad niyang pinisil ang pisngi ko. Hindi ko naiwasang yakapin siya dahil sa labis na tuwa.   “Ayos ka na ngang talaga.”   “Salamat, Grant. Salamat sa inyo ni Jin.”   “Labis na nag-alala si Grant sa ‘yo kaya huwag mo nang uulitin ‘yon.” Napayuko naman ako dahil sa labis na kadaldalan ni Jin. “Paano? Maiwan ko muna kayo at sisilipin ko lang kung ano ang event ngayon sa Traveler’s Hall.” Kaagad din itong lumabas kung kaya dalawa na lang kaming naiwan doon ni Jane.   “Sorry, Grant.”   Umiling ako at saka sinalat ang noo niya.   “Himala. Hindi mo ‘ko sinusungitan ngayon. Wala ka namang sakit,” pagbibiro ko pa sa kaniya.   “Naririnig kita noong mga panahong nasa loob ako ng Nepenthes.”   “Hindi ako maaaring mamatay. Kailangan kong matapos ang larong ito. Hindi isang gaya mo lang ang papatay sa akin. Ibalik mo si Jane! Ibalik mo ang aking personal Shaman!”   Kaagad akong pinamulahan ng mukha nang maalala ang mga sinabi ko. Personal Shaman? Wala namang ibig sabihin ‘yon.   Sa huli ay kailangan kong panindigan ang sinabi ko kung kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at sinambit ang mga katagang babago sa samahan naming dalawa.   “Jane, be my Shaman. I will protect you always, at all costs.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD