Chapter 21

1324 Words
“Nandito na tayo.”   Ramdam namin ang lamig sa buong paligid habang umuusok ang aming mga bibig dahil sa baba ng temperature sa bundok ng Nivalis. Ngunit hindi katulad nang ibang lugar, walang kahit anong normal monster ang nagkalat sa lugar. Tanging makapal na nyebe at malalaking tipak ng yelo ang siyang makikita sa lugar. Mabuti na lang at napaghandaan namin ang lahat kung kaya kahit paano ay nakapagbaon kami ng Warm Potion at makapal na balabal.   Napalingon ako kay Jane nang yakapin niya ang kaniyang sarili. Napansin ko ang dahan-dahang pagbaba ng HP niya dala ng kakaibang lamig sa paligid. Kaagad akong lumapit sa kaniya at inabot ang isang bote ng Warm Potion.   “Hindi ka ba uminom kanina?” tanong ko.   Umiling siya. “Nakalimutan ko. Hindi rin ako nakabili.” Kaagad niya namang kinuha ang inaabot ko sa kaniya at ininom iyon. “Salamat dito, Grant.”   Hinubad ko na rin ang makapal na coat na nakabalot sa akin dahil kahit paano ay hindi ko naman alintana ang lamig sa paligid dahil na rin siguro sa spell na natutunan ko matapos ang Transcend.   “Isuot mo muna ‘to,” sabi ko at ipinatong ang makapal na coat sa kaniyang magkabilang balikat.   Napalingon na lang kaming dalawa nang biglang may tumikhim mula sa aming likuran.   “Napaka-sweet n’yo naman, lovers,” panunukso ni Jin. Ayan na naman siya.   “May relasyon po ba silang dalawa?” Hindi tuloy naiwasan ni Noob ang mag-usisa.   Kaagad naman kaming pinamulahan ng mukha at dumistansya sa isa’t isa.   “Ang totoo kasi niyan—”   Hindi na naituloy ni Jin ang sasabihin nang biglang magsalita si Hatake.   “Grant, tara na.” Mabilis din nitong hinila ang braso ko at sa sandalling iyon ay lumabas ang notice sa aming screen.   Lucid has awakened.   At sa pagkakataong iyon ay nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam sa buong lugar. Isang malakas na awra ang siyang bumalot sa lugar ngunit sa kasamaang palad ay hindi namin matukoy kung saan nagmumula ang presensya nito.   “Humanda kayo, maging mapagmatyag at alisto. Ang Lucid ay—”   Biglang natigil sa pagsasalita si Hatake at naglahong parang bula sa aming harapan.   Nanlaki ang aking mga mata at ganoon na rin ang biglang pagbilis ng t***k ng aking puso.   Anong nangyayari?   “Grant!” Napalingon ako kay Jin nang sumigaw ito at bigla ring naglaho. Walang bakas ng kahit na anong makapagsasabi kung saan sila napunta. Kagagawan bai to ng Lucid? Ngunit nasaan ang kalaban?   Anong gagawin ko? Hindi ako maaaring tumanga rito. Kailangan kong mag-isip.   “Master Grant!”   “Noob!”   Dalawa na lang kami ni Jane ang natira. Hindi ito pwede. Hindi ito maaari.   “Jane, huwag kang lalayo sa akin kahit na anong mangyari,” sabi ko at saka hinawakan nang mahigpit ang kaniyang kamay ngunit sa pagkakataon ring iyon nang lingunin ko siya ay nanlaki ang mga mata ko nang salubungin niya ako ng matamis na ngiti.   “Grant…” Kasabay ng unti-unting pagkawala ng kaniyang presensya.   Napatingin ako sa aking palad habang iniisip ang mga nangyari. Hawak ko ang kamay ni Jane, paanong nawala siya sa aking kamay?   “Lumabas ka! Magpakita ka sa akin!”   Sumigaw nang malakas na siyang umalingawngaw naman sa buong paligid.   “Ako ba ang hinahanap mo?”   Napanganga ako sa babaeng nasa harapan ko. Ang kaniyang mahabang buhok, ang kaniyang mapulang labi, ang kaniyang maamong mukha na kay tagal kong hindi nasilayan. Ang panaginip na matagal kong dinarasal na sana ay magkatotoo na, ang natatangi kong hiling.   “Hannah…”   Inihakbang ko palapit ang aking mga paa at hinaplos ang kaniyang pisngi. Hindi ako maaaring magkamali, si Hannah ang babaeng nasa harapan ko ngayon.   “Hannah, ikaw nga. Hindi ako nananaginip hindi ba? Hannah.” Niyakap ko siya nang mahigpit at doon tuluyang ibinuhos ang mga luha mula sa aking mga mata. “Sa wakas. Nandito ka na sa tabi ko.”   “Grant, hinding-hindi na kita hahayaang mag-isa,” sabi niya.   “At hinding-hindi na kita muling iiwan.”   Isang mainit na yakap ang nararamdaman ko mula sa kaniyang bisig. Ang yakap na kay tagal kong inasam-asam na muling maramdaman. Ipinikit ko ang aking mga mata at napabalikwas ng bangon.   “Grant, mabuti naman at gising ka na,” sabi ni Hannah. “Breakfast is ready.” Ipinakita niya pa ang hawak niyang tray na may nakapatong na sandwich, coffee, at pasta.   Nawalan ba ako ng malay?   “Anong nangyari?” tanong ko.   “Ha? Anong anong nangyari?” Ngunit tila naguluhan naman siya sa tanong ko kaya iniba ko ang tanong.   “Nasaan ako?”   “Okay ka lang ba, Grant? May sakit ka ba?” tanong niya at sinalat pa ang noo ko. “Wala ka namang lagnat.”   “Ang Lucid?”   “Ha? Anong Lucid? Nananaginip ka na naman, Grant. Ano ba ‘yan?” Tumawa ito kaya napakunot ang noo ko.   Panaginip lang ba talaga ang lahat ng iyon? Ang Winston? Sila Jin? Ang Rewrite the Stars? Si Jane?   “Nasaan ba tayo?”   “Ha? Nandito sa bahay natin? Huwag mo sabihing nakalimutan mo na kaagad?” Ipinakita nito ang kamay na may suot na singsing dahilan para manlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko ang kamay ko at suot nito ang katambay ng suot ni Hannah. “Parang gusto ko na tuloy magtampo. Natulog ka lang nawala ka na sa sarili.”   Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses nito dahilan para mapabangon ako nang tuluyan at niyakap ito mula sa likuran.   “Sorry na. Siguro nga napasarap lang ako ng tulog. Panaginip nga lang siguro ang lahat.”   Panaginip nga lang ba?   Matapos kumain ng agahan ay kaagad na nagyaya si Hannah na magpunta sa mall para mamili sa grocery lalo na at newly weds daw kami, dapat ngayon pa lang ay alam na namin paano ang tamang pagba-budget.   Habang nasa grocery, hindi mawala-wala sa isip ko ang Rewrite the Stars. Ang game console na kayang tuparin ang kahilingan ng kahit na sino basta matapos lang ang buong game. Kahilingan? Ngunit ano nga bang hihilingin ko? Wala akong maalala. Ibig bang sabihin nito ay panaginip lang talaga ang lahat?   “Uy Grant!” Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, ganoon din si Hannah. “Hannah!”   “Franz, ikaw pla,” bati ni Hannah sa kaniya.   Sino siya? Franz? Wala akong natatandaang Franz na kakilala namin.   “Kumusta, lovers?”   “Eto ayos naman. Alam mo na masaya. Tagal din naming hinintay ‘to.” Nakangiti pa si Hannah habang kinakausap ang lalake. Hindi ko naiwasang makaramdam ng selos lalo pa at hindi ko maalala kung sino ang lalakeng kausap niya.   “Ah, Franz, I don’t want to be rude pero mamimili pa kami ng asawa ko,” sabi ko. Napangiwi naman ito. Marahil nahimigan niya ring hindi ako natutuwa sa presensya niya.   “Ah oo nga naman. Bonding moments n’yo nga pala.” Hinawakan nito ang batok. “Paano, mauna na ako.”   Umalis naman ito kaagad at hinarap naman ako ni Hannah.   “Grabe ka naman kay Franz, Grant. Hindi ka naman dating ganyan sa kaniya ha?”   Ano bang dapat kong sabihin sa kaniya kung hindi ko naaalala ang lalakeng kinakausap niya?   “Sorry, gusto ko lang munang masolo ka ngayon, Hannah. Alam mo na?”   “Ha? Anong pinagsasabi mo?” tanong niya.   “Matagal ka ring na-comatose. Hindi ko halos alam ang gagawin ko noong mga panahong ‘yon kaya nga ganoon na lang ang pagpapasalamat ko na sa wakas ay gising ka na and we’re happily married na.”   Napansin ko ang pagkunot ng noo niya at kapansin-pansin ang gulong bumabalot sa kaniyang mukha.   “Grant, I have never been in a coma. Ano bang nangyayari sa ‘yo? I’m getting worried na. Kanina ka pang umaga wala sa sarili.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD